Ano ang Mangyayari Kapag Namatay ang isang Pasyente ng Hospice sa Bahay
Ang pagkamatay ng isang mahal sa buhay ay isang panahon ng pagsubok para sa mga pamilya at tagapag-alaga. Sa VITAS Healthcare, tungkulin naming magbigay ng mga tool para sa mga taong pinakamalapit sa mga pasyente para maging handa para sa panahong ito. Sinusuportahan namin ang mga pamilya at tagapag-alaga sa pagkakamit ng mas malinaw na pagkaunawa sa kung ano ang mangyayari kapag namatay ang isang tao sa hospice.
Ano ang Aasahan Kapag Namatay ang Isang Mahal sa Buhay sa Bahay.
Ang kamatayan ay isang natural na kaganapan. Walang patakaran sa kung paano mamatay o paano saksihan ang mga huling sandali-o mga huling buwan ng isang mahal sa buhay. Maaaring dumalo nang maaga o madalas sa proseso ang ilang miyembro ng pamilya, tapos ay wala roon sa mismong pagkamatay.
Magtiwala na ang iyong presensya ay nananatili sa iyong mahal sa buhay. Nagaganap ang pag-aagaw-buhay sa maraming sandali.
Hindi nilalayon ng sumusunod na impormasyon na hulaan kung ano ang mangyayari, ngunit para bigyan ka ng ideya kung ano ang dapat asahan o kung maaaring nasaan sa proseso ng pag-aagaw-buhay ang iyong mahal sa buhay, sa pag-asang masusulit ninyo nang magkasama ang inyong oras.
Mga Sintomas ng Aktibong Pag-aagaw-buhay
Ang mga huling araw ng buhay ng mga pasyente ay karaniwang may mga partikular na klinikal na sintomas. Kasama sa ilan sa mga palatandaan na ito na humahantong hanggang sa huling linggo ang:
- Pagdedeliryo at pagkalito
- Nabawasang pagsasalita
- Malalamig na mga paa at kamay
Ang huling 2-6 araw ng buhay ng isang pasyente ay ipinahihiwatig ng paghinto ng normal na paggana ng katawan. Ang panahong ito ay madalas na may kasamang:
- Pagkabawas ng kamalayan
- Hindi kayang lumunok ng pagkain o tubig
- Hirap na paghinga
Maaaring alam din ng mga pasyente kung kailan papalapit na ang katapusan ng kanilang buhay. Bukod sa mga klinikal na sintomas, maaaring kasama sa mga palatandaang emosyonal ng pagkamatay ang:
- Hindi na nakikipagsalamuha sa ibang tao
- Kagustuhang magsagawa ng pagsusuri ng buhay
- Pagpokus sa pagpaplano ng paglilibing
Pamamaalam
Maaaring maging mahirap sa damdamin ang malamang naghihingalo ang isang mahal sa buhay, pero ang pamamaalam, kahit wala nang malay ang iyong mahal sa buhay ay maaaring maging mahalagang bahagi ng proseso ng pagdadalamhati. Ayon sa mga pag-aaral, maaaring ang pandinig ang huling pandama na mawala sa isang tao na aktibong naghihingalo.
Samantalahin ang pagkakataon na sabihin kung ano ang nasa puso mo sa iyong mahal sa buhay na umabot na sa katapusan ng buhay. Bagama't ang kahinaan ng pakikipag-usap ay maaaring maging mahirap gawin, maaaring nakapapanatag na malaman kinalaunan na sinamantala mo ang pagkakataon na ibahagi ang iyong mga nararamdaman.
Ang pag-alala sa nakaraan ay isang paraan upang kumonekta nang makabuluhan sa panahon ng mga huling araw at oras.
Pagdadalamhati
Ang pagpoproseso ng pagkamatay ng isang mahal sa buhay ay isa sa pinakamahirap na mga karanasan na haharapin natin sa buhay. Tandaan na nangangailangan ng panahon ang pagdadalamhati, at bawat tao ay may kanya-kanyang sariling proseso ng pagdadalamhati. Madaling makalimutan ang pangangalaga sa iyong sarili sa panahon ng pagdadalamhati at pag-alala, pero napakahalaga nito.
Ano ang Gagawin Matapos Mamatay ang isang Pasyente ng Hospice sa Bahay
Tawagan ang Hospice
Narito ang VITAS para magbigay ng comfort at tumulong sa pangungulila sa pagpanaw ng tao sa sandaling mamatay ang iyong mahal sa buhay. Gamit ang kadalubhasaan at karanasan ng aming mga miyembro ng interdisciplinary care team, nag-aalok kami ng may pakikiramay na pagsuporta sa mga miyembro ng pamilya at iba pang mahal sa buhay.
Sa ilalim ng the Medicare hospice benefit, may karapatan ang mga pamilya sa bereavement support (suporta sa mga naulila) mula sa kanilang provider ng hospice care sa loob ng hindi bababa sa 12 buwan kasunod ng pagkamatay ng kanilang mga nakatalang mahal sa buhay. Sa VITAS, nakatuon kami sa pagiging sangkot sa proseso ng pangungulila sa pagpanaw ng tao gaya ng kung ano ang gusto ng pamilya. Maaaring kasama rito ang tulong gaya ng pagtulong sa pagsasaayos ng burol at libing o espirituwal na suporta mula sa isang kapilyan.
Pagpapahayag ng Kamatayan
Sa mga sandali matapos mamatay ang isang pasyente, dapat na opisyal na ipahayag ang pagkamatay sa lalong madaling panahon. Maaari itong gawin ng isang doktor o manggagamot ng hospice, na kailangan ding sumagot sa mga kinakailangang legal na papeles upang patunayan ang oras, lugar, at sanhi ng kamatayan.
Mahalaga ang napapanahong pagkilos dahil magsisimula ito sa proseso ng paglalabas ng sertipiko ng kamatayan. Kailangan ang dokumentong ito para sa iba't ibang responsibilidad gaya ng mga bagay na may kaugnayan sa life insurance at mga usaping pananalapi/ari-arian.
Tingnan ang mga Dokumento ng Advance na Directive
Binabalangkas ng mga advance na directive ang mga kagustuhan ng isang pasyente tungkol sa pangangalagang gusto niyang matanggap sa pagdating niya sa katapusan ng kanyang buhay. Mahalaga ang mga advance na directive hindi lang bago ang kamatayan, ngunit pagkatapos rin nito. Kadalasang kasama sa legal na dokumentong ito ang impormasyon tungkol sa kung gusto ng namatay na maging organ donor. Mahalagang hanapin ang mga dokumentong ito nang mabilis dahil ang proseso ng pagpreserba ng paggana ng organ para sa donasyon ay sensitibo sa panahon.
Paghahatid ng Bangkay
Bago ang pagkamatay ng isang pasyente, magsisilbi ang VITAS bilang mapagkukunan ng impormasyon sa punerarya na pinakaangkop sa mga pangangailangan at kagustuhan ng pamilya. Sa kaso na ang pasyente ay nakatala sa VITAS para sa ilang araw lamang bago ang pagkamatay, tutulong pa rin ng VITAS sa proseso ng pagpili ng punerarya.
Ikokoordina ang paghahatid ng bangkay sa pagitan ng pamilya at punerarya, na ang VITAS ang nagsisilbing katulong sa maayos na pagpaplano ng prosesong ito. Upang mabawasan ang stress sa mga sandali kasunod ng pagkamatay ng isang mahal sa buhay, makatutulong na asahan ang mga pangangailangan na ito at magplano nang maaga.
Abisuhan ang Pamilya, mga Doktor, Employer, atbp.
Dapat tumulong ang mga provider ng Hospice Care sa pakikipag-ugnayan sa lahat ng partido na kailangang mabigyan ng impormasyon tungkol sa pagkamatay. Kung gusto ng mga pamilya ang pagtulong namin sa pag-aabiso sa mga kamag-anak at kaibigan tungkol sa pagpanaw ng kanilang mahal sa buhay, ginagawa iyon ng VITAS sa paraang sensitibo at maalalahanin. Ipaaalam din sa mga doktor ng pamilya ang pagkamatay, at makatutulong ang mga social worker ng VITAS sa pag-aabiso sa mga employer.
Pangangalaga sa Iyong Sarili Kapag Pumanaw ang Isang Mahal sa Buhay
Kung nagbigay ka ng pag-aalaga nang matagal at nakita ang unti-unting panghihina ng taong iyong minamahal, maaaring napagod ka na. Maaaring napabayaan mo ang sarili mong kalusugan para alagaan siya. Kung biglang namatay ang iyong mahal sa buhay, malamang na sumailalim ka sa panahon ng pagkabigla at stress. Sa alinmang pangyayari, maaaring nanghihina ang iyong katawan, isipan, emosyon, at espiritu.
Maaaring marami ka pa ring kailangang asikasuhin, kasama ang mga bagong gawain na hindi mo kailanman kailangang gawin dati. Upang tulungan kang makaya ang mahirap na panahong ito, inirerekomenda namin ang pagsandal sa aming maraming mapagkukunan, kasama ang mga espesyalista sa pagpapayo at pangungulila sa pagpanaw ng tao.