Mga Palatandaan ng Sobrang Pagkapagod ng Tagapag-alaga at Kung Papaano Mapipigilan Ito

Dahil sa pagmamahal, dahil sa obligasyon, o kaya dahil lamang sa isang pakiramdam na dapat gawin ang nararapat, maaaring isa ka sa mahigit na 40 milyong mga adult sa North America na nag-aalaga ng isang matanda na may malubhang sakit o kaya isang minamahal na may kapansanan, ayon sa Pew Research Center.

Sa katotohanan, 70 porsyento ng tagapag-alaga ng pamilya ay nangangalaga ng isang tao na mas matanda pa sa 65 taong gulang, habang may 22 porsyento na nagbibigay-tulong sa dalawang tao at 7 porsyento ay nangangalaga ng tatlo o mahigit pang mga tao. Sinasabi ng tatlumpu't-dalawang porsyento (32 porsyento) ng mga tagapag-alaga na ang kanilang karanasan tungkol dito ay stressful.

Pamilyar ba ito sa iyo?

Nasa daan ka na patungo sa sobrang pagkapagod ng tagapag-alaga. Hindi ito basta-basta binabale-wala ng mga psychologist-na siyang ipinaliliwanag ito bilang "isang nakapag-papahinang psychological na kalagayan na dulot ng stress na hindi napawi"-at dahil dito ay hindi mo rin dapat basta-basta bale-walain ito. Sa pagsapit ng panahon na ang karamihan sa mga tagapag-alaga ay naghihinala na ito ay burnout, nagdurusa na sila ng maraming iba't-ibang mga sintomas.

Bilang karagdagan pa sa pangangasiwa ng karamdaman ng isang minamahal, maaaring kailangan pa rin nilang asikasuhin ang mga pinansyal na alalahanin, mga pagbabago sa katayuan ng pamilya at isang pangkalahatang pagkagambala sa buhay ng pamilya. Ang mga ito ay sanhi ng pagkakaroon ng sobrang pagkapagod ng tagapag-alaga na negatibong makaaapekto sa kakayahan ng isang tao na makapagbigay ng mabuting pangangalaga at may posibilidad na mailagay sa panganib ang kalusugan ng tagapag-alaga.

Kung alam mo kung ano ang sobrang pagkapagod ng tagapag-alaga, mapoprotektahan mo ang iyong sarili at mapipigilan mo na mangyari ito sa iyo.

14 mga Babala ng Sobrang Pagkapagod ng Tagapag-alaga

  • Kawalan ng enerhiya
  • Sobrang pagkapagod
  • Mga problema sa pagtulog (sobrang pagtulog o kulang sa tulog)
  • Mga pagbabago sa kagawian ng pagkain; namamayat o tumataba
  • Isang pakiramdam ng kawalan ng pag-asa
  • Ang paglayo sa, o kawalan ng interes sa, mga aktibidad na dati mong kinasisiyahan
  • Pinababayaan ang iyong sariling pisikal at emosyonal na mga pangangailangan
  • Ang pakiramdam na kino-kontrol ng pag-aalaga ang iyong buhay
  • Hindi pangkaraniwang nawawalan ng pasensya, mainitin ang ulo o nakikipagtalo sa tao na iyong pinangangalagaan at/o sa iba
  • Pagkabalisa tungkol sa hinaharap
  • Depression o pabago-bago ang mood
  • Kahirapang makaya ang pang-araw-araw na mga bagay
  • Mga sakit sa ulo, sakit sa tiyan, at iba pang mga pisikal na problema
  • Mas mababang resistensya sa pagkakasakit.

Iwasan ang Sobrang Pagkapagod ng Tagapag-alaga

Ngayong alam mo na kung ano ang dapat hanapin, narito ang ilang mga mungkahi upang matulungan kang maiwasan ang sobrang pagkapagod ng tagapag-alaga.

  • Humingi ng tulong! Kapag humingi ka ng tulong, hindi ibig sabihin nito na ikaw ay isang masamang tagapag-alaga. Ang ibig lamang sabihin nito ay hindi mo kayang gawin ito nang mag-isa (walang tao na kayang gawin ito nang mag-isa).
  • Bigyan ang iyong sarili ng pahintulot na mamahinga. Lumabas ng bahay. Bisitahin ang mga kaibigan. Gantimpalaan ang iyong sarili ng isang masahe. Maligo nang matagal.
  • Alagaang mabuti ang iyong sarili. Huwag lalaktawan ang iyong sariling mga appointment sa doktor dahil masyado kang maraming ginagawa. Mag-ehersisyo, kumain nang mabuti at matulog nang sapat na oras.
  • Gumising nang mas maaga nang 15 minuto at gamitin ang panahon na iyon para sa iyong sarili. Umupo kasama ng iyong kape o tsaa at mag-enjoy nito. Gumawa ng isang journal at isulat ang iyong mga kahirapan at mga nararamdaman. Mag-meditate, magdasal, mag-unat-unat....Gawin ang kung anumang gusto mong gawin. 
  • Gumawa ng listahan ng iyong pang-araw-araw na mga aktibidad at mga gawain. Tingnan kung maaari mong maibigay ang alinman sa mga ito sa ibang tao. Marahil ang iyong asawa ang mag-aasikaso ng hapunan nang minsan o dalawang beses sa isang linggo. Baka naman ang iyong kaibigan o kamag-anak ay maaaring mag-asikaso ng ilan sa mga gawain o makatulong sa paglalaba. Kalimitan ang mga tao ay gustong tumulong-tanggapin ito!
  • Tingnan ang mga benepisyo ng family-leave sa iyong pinagtatrabahuhan. Bigyan ang iyong sarili ng mas maraming oras sa iyong araw at bawasan ang kahirapan na iyong nararanasan.
  • Kung ang iyong minamahal ay tumatanggap ng hospice care, magtanong sa iyong hospice provider tungkol sa mga lokal na grupo ng suporta. Lubos na nakakatulong ang pakikipag-usap sa ibang tao na nasa kalagayan na katulad ng sa iyo, at pati na rin ang pagsasabi at pamamahagi ng mga bagay na nakaka-inis sa iyo-at mga bagay na nakapagbibigay ng kasiyahan!
  • Kung may pagkakataon na mangyari para sa isang madalian na pag-biyahe kung saan, isaalang-alang na kumuha ng hospice respite care para sa iyong minamahal. Ang iyong programa ng hospice ay dapat naghahandog ng madaliang panahon na pag-admit ng inpatient para sa iyong minamahal (ibig sabihin ay mahigit na 24 oras at hanggang sa limang araw at gabi na pinakamatagal) upang mabigyan ng pahinga ang mga miyembro ng pamilya o iba pang mga tao na tagapag-alaga .

Mayroong suporta, mayroong mga pamamaraan para mapadali ang mga ginagawa, at mayroong mga plano para maisaayos ang iyong mga prayoridad upang magi kang isang mas masayang tao at mas mabuting tagapag-alaga.

Alamin kung maaaring makatulong ang hospice care sa iyong minamahal sa buhay

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.