Ano ang Maaaring Asahan Mula sa Hospice Care sa Bahay

Karamihan sa hospice care ay isinasagawa sa bahay. Kapag nagsimula ng dumating ang mga miyembro ng pangkat ng hospice, mahalagang tandaan na naroon sila upang tumulong na alagaan ang hospice patient at ang kanyang buong pamilya, at hindi upang mangibabaw sa kanila.

Sasagutin nila ang mga tanong niyo tungkol sa hospice care at dadamayan at maaasahan mo o ng iyong kapamilya ang kanilang kasanayan. Sa bawat pagbisita nila, magiging mas mabuti ang sitwasyon. Hindi magtatagal, masasabik ka nang makita muli ang bawat miyembro ng pangkat. Narito ang mga maaari mong asahan mula sa hospice care.

Makikipag-ugnayan ang pangkat ng hospice sa doktor ng pasyente at sa hospice physician ng VITAS upang pag-usapan ang kanyang medical history, mga kasalukuyang pisikal na sintomas o nararamdaman, layunin ng pag-aalaga, mga kagustuhan o nais nilang gawin para sa end-of-life care at life expectancy o itatagal ng buhay ng pasyente. Pagkatapos, agad na papasok na rin sa sitwasyon ang marami sa mga bahagi ng hospice care. 

  • Ihahatid ang mga kailangang home medical equipment, kadalasan sa loob ng unang 24 oras. 
  • Ihahatid sa bahay ang mga gamot para sa mga life-limiting na diagnosis o sakit na walang lunas at magiging sanhi ng maagang pagkamatay ng pasyente. 
  • Darating rin ang chaplain at social worker ng hospice team upang magbigay ng emosyonal, psychosocial at espirituwal na assessment upang mas maging mabisa ang plan of care o plano sa pangangalaga. 
  • Aayusin din o pagtutugmain ng bawat miyembro ng team ang schedule ng mga regular na bisita. Ang ilan sa kanila ay bibisita araw-araw, samantalang ang iba naman ay lingguhan ang pagbisita, kapag ini-request o kapag kailangan.   
  • Makakatanggap ka ng impormasyon kung paano pangasiwaan ang mga sintomas o sakit na nararamdaman at kung paano kontakin ang VITAS kung may tanong ka, o kung kailangan mo ng matinding pag-aalaga, kung may problema o kung kailangan mo ang miyembro ng team. 

Isinasaalang-alang ng Hospice ang Lahat ng Bagay 

Isinasaalang-alang ng pangkat ng hospice ang lahat ng input-mula sa pasyente, pamilya, mga tagapag-alaga, doktor at mga medical evaluation-upang buuin ang plan of care o plano ng pangangalaga sa pasyente. Ang plan ay nire-review sa lingguhang team meeting at binabago ito ayon sa kalagayan ng pasyente. 

At ang pinakamaganda sa lahat, ang pasyente at ang pamilya ang nasa gitna ng pangkat ng hospice. Kayo ang nakakaalam kung ano ang gusto at kailangan niyo. Kayo ang basehan ng hospice team sa pagbabahagi ng mahahalagang impormasyon upang maibigay nila ang pinakamaayos at mainam na pangangalaga.  

Tawagan ang VITAS upang higit na malaman pa ang tungkol sa hospice at palliative care options.

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.