Palliative Performance Scale (PPS) at Hospice
Mahahalagang punto
- Ang Palliative Performance Scale (PPS)1 ay sinusukat ang pagbaba ng kakayahang gumana sa limang larangan - paglalakad, aktibidad at katunayan ng sakit, pag-aalaga sa sarili, pag-inom at pagkain at antas ng kamalayan - gumagawa ng iisang porsiyentong iskor mula 100% (ganap na gumagana) hanggang 0% (kamatayan).
- Bumababa ang mga iskor ng PPS nang 10% paunti-unti, na ang mas mababang iskor ay nagpapahiwatig ng mas mataas na kapansanan sa pagganap, nadagdagang mga pangangailangan sa pangangalaga at mas malakas na batayan para sa mga pag-uusap para sa mga layunin ng pangangalaga.
- Nag-iiba-iba ang mga limitasyon sa pagiging karapat-dapat sa hospice ayon sa diagnosis: ang mga pasyente sa oncology na may mga iskor na70% o mas mababa pa ay maaaring matugunan ang mga alituntunin sa pagiging karapat-dapat sa hospice, habang ang mga pasyente na may karamihang ibang sakit ay karaniwang nagiging karapat-dapat sa 50% o mas mababa pa.
- Sinusuportahan ng PPS ang mga pasya na may sapat na kaalaman tungkol sa paglipat sa hospice care at pinabibilis ang mas tumpak na dokumentasyon at mas malinaw na komunikasyon ng mga direksyon ng paggaling ng pasyente.
- Nakasalalay sa isa't isa ang mga larangan - ang pagbaba sa isang larangan ay madalas na nauugnay sa mga pagbabago sa iba pa, ginagawang maaasahan ang pangkalahatang iskor ng pagsulong ng sakit.
- Ginagamit ng VITAS® Healthcare ang PPS para tasahin ang kalagayan ng paggana at magkasamang itatag ang mga plano sa palliative care na nakatuon sa comfort at quality of life kapag malapit na sa katapusan ng buhay.
Talaan ng mga nilalaman
- Palliative Performance Scale (PPS) at hospice
- Paano nabibigyang-kahulugan ang Palliative Performance Scale
- Ano-ano ang 5 larangan ng paggana ng Palliative Performance Scale?
- Palliative Performance Scale calculator
- Mga karaniwang tanong sa Palliative Performance Scale
Ang Palliative Performance Scale (PPS) ay isang napatunayang kagamitan ng pagtatasa na tumutulong sa mga manggagamot na matukoy at maidokumento ang pagbaba ng paggana ng isang pasyente. Sa pamamagitan ng pagsukat ng limang natatanging larangan, nagbibigay ang PPS ng walang kinikilingang iskor na mula sa zero hanggang 100%, na kung saan ang mas mabababang iskor ay nagpapahiwatig ng mas mataas na kapansanan at mas malakas na batayan para sa mga pag-uusap para sa mga layunin ng pangangalaga.
Ang pag-unawa kung paano basahin ang Palliative Performance Scale sa hospice ay nagbibigay-daan sa mga manggagamot na tasahin ang pagiging karapat-dapat sa hospice, subaybayan ang pagsulong ng sakit at baguhin ang mga plano ng pangangalaga. Bilang pinagkaisang klinikal na wika, nagreresulta din ang PPS sa pagkakaroon ng mas tumpak na dokumentasyon at mas malinaw na komunikasyon ng mga direksyon ng paggaling ng pasyente.
Paano nabibigyang-kahulugan ang Palliative Performance Scale
Ang mga iskor ng PPS ay mula sa 100% (ganap na nakakikilos na walang katibayan ng sakit) pababa sa 0% (kamatayan), na paunti-unting bumababa nang 10%. Ang pagbaba ng iskor ay nagpapahiwatig ng pagbaba ng kakayahang gumana.
Isang kapaki-pakinabang na tanong sa panahon ng pagtatasa ay: Ang pasyente bang ito na may malubhang karamdaman ay naglalaan ng mahigit sa 50% ng kanyang oras na gising nang nakaupo o nakahiga? Nagiging mas malinaw ang pagkalkula ng PPS kapag ang panukat ay inilalapat sa mga klinikal na sitwasyon na nararanasan sa tunay na buhay. Inilalarawan ng mga sumusunod na halimbawa ang dalawang PPS na karaniwang nakikita sa referral sa hospice.
PPS 70%
Isang 68-taong gulang na may metastatic pancreatic cancer ay nakakalakad ngayon ng maiikling distansya at madaling napapagod sa gawain. Hindi niya kayang mapanatili ang gawain o mga aktibidad na libangan pero nagagawa ang lahat ng pansariling pangangalaga nang mag-isa. Maaaring normal o nabawasan ang kanyang kakayahang uminom at kumain, at nananatili siyang ganap na may kamalayan. Sa antas na ito, nagsasarili pa rin ang pasyente pero nagpapakita ng katibayan ng malubhang karamdaman.
- Para sa mga pasyente ng oncology, karaniwang natutugunan ng mga nasusubaybayang ito ang mga alituntunin sa pagiging karapat-dapat sa hospice, at makikinabang ang pasyente mula sa maagang mga palliative na hakbang.
PPS 50%
Isang 82-taong gulang na may matinding pagpalya ng puso ay kalimitang nasa kama, lumilipat sa upuan nang may tulong. Kailangan niya ng makabuluhang tulong sa paliligo, pagbibihis at paggamit ng banyo. Nabawasan ang kanyang pag-inom at pagkain, at paminsan-minsan ay nakararanas siya ng pagkalito. Sa antas na ito, ang pasyente ay lubos na umaasa sa tulong ng iba, at nagpapakita ng malubhang pagkawala ng kakayahang gumana.
- Para sa mga pasyenteng may mga uri ng karamdamang bukod sa kanser, ang mga naoobsebahang ito ay karaniwang tumutugon sa mga alituntunin ng pagiging karapat-dapat sa hospice at nagpapahiwatig ng pangangailangan para sa komprehensibong pangangasiwa ng sintomas at pagpaplano sa katapusan ng buhay.
Kapag kinakalkula ng mga manggagamot ang iskor ng PPS, pinagmamasdan nila kung anu-ano ang mga magkakasabay na naoobserbahan sa pasyente ayon sa limang larangan. Ang bawat larangan ay nagbibigay ng kanyang bahagi patungo sa pagkakaroon ng pangkalahatang PPS na iskor, at gumagawa ng komprehensibong larawan ng kakayahang gumana.
Ano-ano ang 5 larangan ng paggana ng Palliative Performance Scale?
Ang limang bagay na sinusukat sa Palliative Performance Scale (PPS) ay paglalakad, aktibidad at katibayan ng karamdaman, pansariling pangangalaga, pag-inom at pagkain at antas ng kamalayan. Tinutukoy ng pagtatasa nitong limang larangan ng paggana ang iskor ng porsiyento ng PPS ng pasyente.
- Paglalakad: Tinatasa ang kakayahang kumilos ng pasyente, mula sa kanyang paglakad nang mag-isa hanggang sa pangangailangan ng tulong o pagiging nakaratay lamang sa kama.
- Aktibidad at katibayan ng karamdaman: Tinatasa ng mga manggagamot ang kakayahan ng pasyente na mapanatili ang gawain o libangan at ang antas na kung saan nililimitahan ng karamdaman ang pang-araw-araw na paggana.
- Pansariling pangangalaga: Sinusuri ang kakayahan ng pasyente na maisagawa ang mga personal care na gawaing tulad ng paliligo, pagbibihis at paggamit ng banyo, mula sa ganap na pag-iisa hanggang sa ganap na may tulong.
- Pag-inom at pagkain: Sinusubaybayan ang kalagayan ng hydration at nutrisyon mula sa normal na mga antas hanggang sa unti-unting pagbawas sa dami ng likidong iniinom.
- Antas ng kamalayan: Sinusukat ang kalinawan ng pag-iisip at kamalayan, mula sa pagiging ganap na alerto hanggang sa mga panahon ng pagkalito o pagkaantok hanggang sa ganap na hindi tumutugon.
Magkakaugnay ang mga larangang ito - habang sumusulong ang sakit, ang paghina sa isang larangan ay madalas na nauugnay sa mga pagbabago sa iba, na lumilikha ng pangkalahatang porsiyento na nagpapakita ng kasalukuyang kalagayan ng pasyente.
Palliative Performance Scale Calculator
Gamitin ang tool na ito upang madaling kilalanin ang paghina ng paggana at ipaalam ang mga pasya tungkol sa pagiging karapat-dapat ng iyong pasyente.
Baguhin ang bawat larangan sa ibaba batay sa bagay na ipinapakita ng pasyente para kalkulahin ang kanyang iskor ng PPS. Mangyaring tandaan na tintaantiya ng PPS Calculator na ito ang PPS at hindi ito nagsisilbing kahalili sa pagpapasyang klinikal.
Kakayahang Maglakad
I-slide para makita ang PPS Rating
Aktibidad
I-slide para makita ang PPS Rating
Katibayan ng Sakit
I-slide para makita ang PPS Rating
Pangangalaga sa Sarili
I-slide para makita ang PPS Rating
Kakayahang Kumain at Uminom
I-slide para makita ang PPS Rating
Antas ng Kamalayan
I-slide para makita ang PPS Rating
Mga karaniwang tanong sa Palliative Performance Scale
Ano ang Palliative Performance Scale?
Sinusukat ng Palliative Performance Scale ang katayuan ng paggana ng mga pasyenteng may malubhang karamdaman gamit ang zero-hanggang-100 porsiyento na iskor batay sa limang larangan ng paggana: paglalakad, aktibidad at katibayan ng karamdaman, pansariling pangangalaga, pag-inom at pagkain at antas ng kamalayan.
Ano ang layunin ng Palliative Performance Scale?
Nagbibigay ang PPS ng walang kinikilingan na paraan ng pagtatasa ng pagbaba ng paggana sa mga pasyenteng may malubhang karamdaman. Sinusuportahan nito ang pagtukoy ng pagiging karapat-dapat sa hospice, sinusubaybayan ang pagsulong ng sakit at pinadadali ang komunikasyon tungkol sa katayuan ng pasyente sa pagitan ng mga pangkat ng pangangalagang pangkalusugan at ng mga pamilya.
Ano ang magandang PPS na iskor para sa hospice?
Ang magandang PPS na iskor para sa hospice ay depende sa diagnosis ng pasyente. Ang mga pasyente ng oncology na may mga iskor na 70% o mas mababa pa ay maaaring maging kuwalipikado para sa hospice, habang ang mga pasyente na may karamihang ibang karamdaman ay karaniwang nagiging karapat-dapat sa mga iskor na 50% o mas mababa pa.
Nangangahulugan ba na ang mababang PPS na iskor ay nagreresulta sa mas higit na pangangalaga?
Oo, ang mababang PPS na iskor ay karaniwang nagpapahiwatig ng mas malaking paghina ng paggana at tumaas na mga pangangailangan sa pangangalaga. Ang mga pasyenteng may mas mababang iskor ay nangangailangan ng mas maraming tulong sa mga pang-araw-araw na aktibidad sa buhay, pangangasiwa ng sintomas at pangkalahatang suporta habang sumusulong ang kanilang kalagayan.
Ano ang life expectancy ng isang 40 Palliative Performance Scale na pasyente?
Ang life expectancy para sa mga pasyenteng nasa 40% PPS ay karaniwang mula sa mga ilang linggo hanggang sa mga ilang buwan, bagama't makabuluhang nag-iiba-iba ang pagkaligtas ng buhay ayon sa pangunahing diagnosis at indibidwal na mga klinikal na dahilan. Sa antas na ito ng paggana, karaniwang natutugunan ng mga pasyente ang pagiging karapat-dapat sa hospice anuman ang diagnosis dahil sa matinding mga pangangailangan sa pangangalaga at nababawasang pagsasarili.
Paano mo kinakalkula ang iskor ng PPS?
Ang pagkalkula ng iskor ng PPS ay nangangailangan ng magkakasabay na pagsusuri ng pasyente sa lahat ng limang larangan ng paggana. Ang pagkakaugnay-ugnayan ng paglalakad, antas ng aktibidad, kakayahan sa pansariling pangangalaga, pag-inom at pagkain at antas ng kamalayan ay nagreresulta sa pagkakaroon ng isang iskor ng porsiyento mula zero hanggang 100 na nagpapakita ng pangkalahatang kapasidad ng paggana.
Mga Sanggunian
Anderson F, Downing GM, Hill J, et al: PPS: A new tool. J Palliative Care 12(1):5, 1996.
Bischoff KE, Patel K, Boscardin WJ, et al. Prognoses Associated With Palliative Performance Scale Scores in Modern Palliative Care Practice. JAMA Netw Open. 2024;7(7):e2420472. doi:10.1001/jamanetworkopen.2024.20472. (jamanetwork.com)
Tashkandi DK, Bokhari WA, Justaniah NA, et al. The Predictive Role of Modified Early Warning Score and Palliative Performance Scale in Imminent Death Diagnosis in a Palliative Care Setting Among Adult Advanced Cancer Patients: A Retrospective Cohort Study. J Healthc Sci. 2024;4(12):884–897. doi:10.52533/JOHS.2024.41231. (researchgate.net)