Mga Gabay sa Pagiging Karapat-dapat sa Hospice

ini-akda ni 

Pinalalakasan ng napapanahon at naaangkop na pagkilala ng mga pasyente na karapat-dapat para sa hospice ang posibilidad na sila at ang kanilang mga pamilya ay makikinabang sa mabait na pangangalaga sa pagtatapos ng buhay. Ayon sa batas,dapat patunayan ng mga propesyonal sa pangangalaga ng pangkalusugan na natutugunan ng mga pasyente ang mga panuntunan upang maging karapat-dapat para sa isang referral sa isang hospice provider

Talaan ng mga Nilalaman

Sino ang Kwalipikado para sa Hospice Care?

Para maging karapat-dapat sa hospice ang isang pasyente, isaalang-alang ang sumusunod na mga panuntunan:

  • Ang sakit ay wala ng lunas (isang prognosis ng ≤ {[# 0]} na buwan) at ang pasyente at/o pamilya ay pumili ng palliative care.
  • Ang pasyente ay nahihirapan nang kumilos tulad ng tinutukoy ng alinman:
  • Ang pasyente ay may pagbabago sa katayuan sa nutrisyon, e.g., > 10% nabawasan ng timbang ang katawan sa mga nakaraang 4-6 buwan
  • Ang pasyente ay may kapansin-pansin at nakadokumentong paglala sa pangkalahatang kalagayang klinikal sa nakaraan 4-6 buwan, tulad ng ipinakita ng di-bababa sa isa sa mga sumusunod:
    • ≥ 3 pagka-confine sa ospital o mga pagbisita sa ED
    • Pagbawas sa kakayahan sa pisikal na aktibidad
    • Pagbawas sa kakayahang mag-isip
  • Iba pang mga comorbid condition

Ang mga panuntunang ito-ibinigay na madaling gamitin at hindi bilang kapalit ng propesyonal na pagpapasya ng doktor-tutulong sa mga doktor na matukoy kung natutugunan ng kanilang mga pasyente ang mga klinikal na panuntunan para sa pagiging karapat-dapat ng hospice para sa mga sakit na nagdudulot ng maagang pagkamatay

Libreng Download: Checklist ng Pagiging Karapat-dapat sa Hospice

Mga Bagay na Madalas Itanong Tungkol sa Pagiging Karapat-dapat sa Hospice

Matatagpuan sa ibaba ang ilan sa karaniwang mga tanong tungkol sa pagiging karapat-dapat sa hospice. Dapat konsultahin ng mga doktor na nangangailangan ng karagdagang impormasyon ang mga pahina sa ibaba na tumutukoy sa partikular na sakit, siyasatin ang mga benepisyo ng hospice na pangangalaga at palliative care, o makipag-ugnayan sa VITAS upang mapag-usapan ang hospice at ang iyong practice.

Sa karaniwan ay gaano katagal dapat ang haba ng buhay ng isang pasyente upang maging karapat-dapat sa hospice care?

Ang pasyente ay nagiging karapat-dapat sa hospice kapag ang doktor na tumitingin sa kanya at ang isang doktor ng hospice-alinman sa medikal na direktor ng hospice o kaya ang isang taong itinalaga ng direktor-ay sumasang-ayon na ang pasyente ay may tinatayang natitirang haba ng buhay na anim na buwan o kulang pa kung ang kanyang sakit ay hayaan na magpatuloy sa normal na pagsulong nito.

Walang pagtatantiya na eksakto, at ang isang pasyente ay maaaring mabuhay nang mas mahaba pa sa anim na buwan sa hospice. Sa mga kasong ito, ang pasyente ay maaaring magpatuloy na tumanggap ng hospice care hangga't ang kanyang anim na buwan na tinatayang natitirang haba ng ​​​​​​​buhay ay muling kinukumpirma ng kanyang doctor sa hospice tuwing 60 (na) araw pagkatapos nito.

Anong diagnosis ang hindi pinapayagan para sa hospice?

Inire-refer ng mga doktor ang mga pasyente sa hospice base sa partikular na kalagayan ng isang sakit na nakapagreresulta sa tinatayang anim na buwang natitirang haba ng buhay o kulang pa. Maaaring makipagtulungan ang doctor ng hospice sa nagre-refer na doctor o doctor na tumitingin upang malaman kung aling diagnosis ang lubos na nagdudulot sa pagkakaroon ng limitadong haba ng buhay ng pasyente, ngunit sa pagtatapos ang desisyon ay ang responsibilidad ng pangkat sa hospice.

Ang mga kundisyon o sintomas na hindi partikular ay hindi maaaring ilista bilang ang pangunahing diagnosis para sa hospice. Halimbawa, ang kalagayan ng pagiging mahina at kawalan ng kakayahang umunlad ay maaaring magresulta sa pagkakaroon ng limitadong haba ng buhay ng isang pasyente, ngunit ang sumasailalim na kundisyon-tulad ng pagpalya ng puso o chronic obstructive pulmonary disease (COPD)-ay ang magiging pangunahing diagnosis para sa hospice.

Ang National Hospice and Palliative Care Organization ay nagbibigay ng isang buong listahan ng mga ICD-9 at ICD-10 code na hindi puwedeng gamitin bilang pangunahing mga diagnosis kapag nagre-refer ng mga pasyente sa hospice.

Mga Partikular na Panuntunan sa Sakit para sa Pagiging Karapat-dapat ng Hospice

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.