Ano ang Gagawin Kapag Tumigil nang Kumain o Uminom ang Pasyente sa Hospice

Ang isa sa mga napakahirap na bagay ay ang karanasan na makita ang isang minamahal na dahan-dahang bumabagsak ang kalagayan dahil sa isang life-limiting illness. Ang karanasan ay mas mahirap pa kapag napansin ng mga miyembro ng pamilya at mga tagapag-alaga na ang kanilang pasyente ng hospice ay tumigil nang kumain at uminom sa katapusan ng buhay.

Ang pangangailangan ng isang namamatay na pasyente para sa pagkain at tubig ay kakaiba sa mga pangangailangan ng isang malusog at aktibong tao.

Maaaring mag-alala ang mga pamilya:

  • Ibig bang sabihin ay sumusuko na kami sa aming mga mahal sa buhay kung hindi na kami magtangkang pakainin o bigyan sila ng tubig/likido?
  • Ano ang posibilidad na mabubuhay ang aming minamahal kung wala siyang tubig o pagkain sa hospice care? Gaano katagal mabubuhay ang isang pasyente ng hospice nang walang pagkain at tubig?
  • Nakapalibot sa mga tradisyon ng aming pamilya ang pagkain at inumin bilang mga simbolo ng mapagmahal na pangangalaga. Kapag inalis natin ang pagbibigay ng pagkain at tubig sa katawan, inaalis din ba natin ang aming pagmamahal sa kanya? Hinahayaan ba naming magutom ang aming minamahal hanggang sa siya ay mamatay?
  • Makakapagdulot ba ng pananakit sa aming minamahal kapag hindi siya binigyan ng pagkain at tubig sa katapusan ng buhay?
  • Ano ang maaari nating magawa upang masiguro na ang aming minamahal ay hindi magdurusa?

Bakit Humihinto ang Hospice na Magbigay ng Pagkain at Tubig sa mga Pasyenteng Nasa Katapusan ng Buhay?

Ang pagpapatuloy na pagbigay ng pagkain at tubig, o kaya magpasiya na gumamit ng artificial na pagpapakain o pagbibigay ng tubig sa katawan ("artificial nutrition or hydration" o ANH)-tulad ng sa ilong (NG) o sa tiyan (PEG) na mga feeding tube o IV na mga likido para mabigyan ng tubig ang katawan-ay maaaring magi pa itong sanhi ng komplikasyon sa pamamaraan ng pamamatay at magdulot ng iba pang mga problema sa kalusugan.

Ang mga pasyenteng nasa katapusan ng buhay na pinapakain sa pamamagitan ng artipisyal na pamamaraan ay maaaring magdusa dahil sa pagduduwal, mga komplikasyon dahil sa tubo (hal., mga pagkabara o impeksyon), pagiging hindi kumportable, aspiration pneumonia, ang pagkakaroon ng mga sugat dahil sa matagal na hindi paggalaw ng katawan, pamamaga at ang pakiramdam na "nalulunod" o parang "nakatali at hindi makawala."

Bukod pa dito, ipinakita ng mga pag-aaral na ang artificial na pagpapakain ay napakaliit ng epekto sa pagkabuhay ng mga hospice patients. Halimbawa, ipinakikita ng mga pag-aaral na ang mga pasyenteng may dementia na pinakakin sa pamamagitan ng tubo ay walang kaibahan ang life expectancy kung ikukumpara doon sa mga sinusubuan ng kamay.

Ang Kahirapan ng Pagkakaroon ng mga Feeding Tube

Hindi tatanggihan na bigyan ng mga hospice service ang pasyente na mayroon nang feeding tube na nakalagay. Makikipagtulungan nang mabuti ang hospice team sa pasyente, pamilya, at tagapag-alaga para magpasya kung magpapatuloy na gamitin ang tubo. Habang sa katotohanan ay maaari ngang alisin ang feeding tube, sa kalimitan ang desisyon na ginagawa ay basta itigil na lang ang paggamit nito.

Ang mga feeding tube ay karaniwang hindi inilalagay sa isang pasyente na may sakit na walang lunas. Ngunit ang lahat ng mga kinakailangang hakbang ay ginagawa upang masiguro ang kaginhawahan at pain relief habang papalapit na ang katapusan ng buhay. Sa bihirang mga pangyayari, puwedeng pansamantalang magbigay ang team sa VITAS ng mga likido sa pamamagitan ng IV para mapigilan ang pagka-dehydrate ng pasyente o makapagbigay ng kaginhawahan sa kanya, pero ang pagpapakain at pag-inom ay pangunahin na gagawin sa pamamagitan ng bibig.

Kailan ang Tamang Oras para Ihinto ang Pagpapakain sa Pasyente sa Hospice?

Ang pangangailangan ng isang namamatay na pasyente para sa pagkain at tubig ay kakaiba sa mga pangangailangan ng isang malusog at aktibong tao. Habang papalapit na ang katapusan ng buhay, unti-unting nawawala ang kakayahan ng katawan na tunawin at magamit ang mga pagkain at likido. Habang nagsisimula nang tumigil ang mga organ at kakayahan ng katawan na gumana, maaaring pinaka-kaunti na lamang na dami ng mga pagkain o tubig/likido ang kakailanganin, kung mangailangan pa man ito. Inirerekomenda naming gamitin ang unti-unting paghina ng katawan bilang isang tagapagpahiwatig kung kailan ititigil ang pagbibigay ng pagkain at tubig sa hospice patients.

Parating nakikipagtulungan ang VITAS healthcare sa mga pasyente at pamilya upang makagawa ng pansariling mga plano ng pangangalaga na sinusuportahan ang mga kagustuhan at mga pinahahalagahan ng pasyente, at kabilang sa mga plano na iyon ang pakikipag-usap tungkol sa papel ng artificial na pagpapakain at pagbibigay ng tubig sa katawan.

Gaano Katagal Nabubuhay ang Mga Pasyente sa Hospice Nang Hindi Kumakain?

Isinasaalang-alang ang maraming bagay na nag-iiba-iba, maaaring magtaka ang mga tao kung gaano katagal maaaring mabuhay ang isang tao nang walang pagkain sa hospice. Bilang resulta ng hindi pagkain, maaaring mamatay ang mga pasyente nang maaga sa loob ng ilang araw. Para sa karamihang tao, ang panahong ito na walang pagkain ay karaniwang tumatagal nang halos 10 araw, ngunit sa mga bihirang pangyayari, maaari itong tumagal nang ilang linggo.

Kabilang sa iba pang mga paraan upang maipakita sa isang pasyente ng hospice na pinahahalagahan mo siya ay ang mga tugtugin, mga pagbisita ng alagang hayop, pagkanta, panalangin, tula, katatawanan, banayad na pag-masahe, mapagmahal na pag-hipo at pakikipag-usap.

Papaano Makakatulong ang mga Miyembro ng Pamilya at mga Tagapag-alaga

Ang isang mahalagang bagay na dapat maging gabay sa mga desisyon tungkol sa pagbibigay ng pagkain at tubig sa katawan sa katapusan ng buhay ay ang kagustuhan ng pasyente. Ang mga pasyente na gustong magkaroon ng quality of life sa katapusan ng buhay ay kalimitang humihiling na huwag makabitan ng mga tubo at kagamitan sa kanilang mga huling oras, upang mabigyan sila ng pagkakataon na maging pisikal na malapit sa kanilang mga miyembro ng pamilya at makatanggap ng pangangalaga ng kaginhawahan na kanilang ninanais.

May mahalagang papel na ginagawa ang mga miyembro ng pamilya at mga tagapag-alaga sa pamamagitan ng pagbigay ng suporta sa isang minamahal habang kanyang niraranasan ang proseso ng kamatayan:

  • Kung nakakakain o nakakainom pa rin ang pasyente, bigyan siya ng maliliit na higop ng mga tubig/likido, maliit na piraso ng yelo, matigas na candy o isang napakaliit na dami ng pagkain sa kutsara. Kumuha ng pahiwatig mula sa pasyente kung kailan dapat tumigil.
  • Kung hindi na makainom ang pasyente, panatiliing basa ang mga labi at bibig sa pamamagitan ng mga pamunas, isang basang tela, lip balm o mga moisturizer.
  • Kung hindi na makakain o ayaw nang kumain ng pasyente, magbigay ng mga ibang uri ng bagay bilang kahalili: pakikipag-usap, mapag-mahal na paghipo, tugtugin, pagkanta, mga tula, katatawanan, mga pagbisita ng alagang hayop, banayad na masahe, pagbabasa, pagdarasal o iba pang mga pagkilos na nagpapahayag ng pangangalaga at pagmamahal.

Gumawa at Parangalan ang Isang Mapagmahal na Plano ng End-of-Life Care

Ang pinakamagandang sitwasyon ay kung ang mga desisyon tungkol sa pangangalaga kapag malapit na ang katapusan ng buhay ay ginagawa habang ang lahat ay malusog pa at kaya pang sabihin kung ano ang kanilang mga kagusutuhan. Iyan ang kung kailan ang advance na directive ay dapat isulat at ipamahagi sa pamilya at mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan.

Sa katotohanan ay ang mga desisyon ay kalimitang ipinagpapaliban hanggang sa pagsapit ng panahon na ang pasyente ay hindi na kayang masabi ang kanilang mga kagustuhan, at dahil dito ay kinakailangang ang mga miyembro ng pamilya at ang pangkat ng pangangalaga ng kalusugan na may kaalaman ang gumawa ng desisyon para sa kanila. Ang mga propesyonal sa hospice ay maaaring makapagbigay ng natatanging uri ng pangangalaga at suporta tungkol sa pagpapakain at pagbibigay ng tubig sa katawan sa inyong mga minamahal habang papalapit na ang kamatayan:

  • Ipagpapatuloy ng team sa hospice na mapawi ang pananakit at mapangasiwaan ang mga sintomas
  • Pararangalan ang personal, pang-kultura at relihiyosong mga paniniwala at pinahahalagahan ng pamilya tungkol sa pagbigay ng pagkain at tubig sa katawan
  • Ang mga miyembro ng pamilya at mga tagapag-alaga ay tuturuan kung papaano mapagmahal na mapangasiwaan ang pagka-uhaw at pagkagutom nang walang mga artipisyal na pamamaraan sa mga huling araw ng buhay ng pasyente
  • Sa mga huling linggo, araw at oras ng buhay, mabibigyan ang mga pamilya ng katiyakan na ang paglala at kamatayan ng pasyente sa katapusan ay dahil sa pagsulong ng sumasailalim na proseso ng sakit at hindi dahil sa natural na paghina at paghinto sa katapusan ng kanyang pagkain at pag-inom.

Ano ang mangyayari kapag namatay ang isang pasyente sa bahay?

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.