Ayon kay Eric Shaban, MD, Regional Medical Director, VITAS Healthcare
Ang Palliative Performance Scale (PPS)1 ay puwedeng pagbatayan ng mga pasya tungkol sa pagiging kwalipikado ng pasyente sa hospice sa pamamagitan ng pagtulong sa mga clinician na makilala ang functional decline (kawalan ng kakayahan na makagawa o makakilos) ng isang pasyente.
Para sa mga pasyente ng oncology, ang PPS na score na 70% o mas mababa pa ay maaaring nagpapahiwatig ng pagiging karapat-dapat sa hospice.
Para sa karamihan sa iba pang mga uri ng sakit, ang isang pasyente na may PPS na score na 50% o mas mababa pa ay maaaring karapat-dapat sa hospice. Ang isang pangkalahatang pamamaraan upang malaman ito ay sa pamamagitan ng pagtanong sa iyong sarili: "Ang pasyente ba na may malubhang karamdaman ay namamahinga (nakaupo at nakahiga) nang mahigit pa sa 50% ng kanilang mga oras habang sila ay gising?"
Pakitandaan na ang calculator na ito ay isang pagtatantya ng PPS at hindi nito pinapalitan ang klinikal na pagpapasya.