Mga Advance na Directive para sa mga Pasyente na may Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD)
Ano Ang Iyong Mga Opsyon? Anong Gusto Mo?
Ano ang mga medical procedure na iyong ninanais kung ikaw ay hindi makapagsalita para sa iyong sarili dahil sa iyong karamdaman? Iyan ang pangunahing tanong na pinagbibigyan-tuon ng lahat ng mga advance na directive. Ngunit hindi ito masasagot ng sinuman na hindi doktor at pati na rin manghuhula, na siyang alam kung anong mga sakit ang magkakaroon ka at anong mga opsyon sa therapy ang maihahandog sa iyo.
Ano ang iyong layunin?
Ang pinakamahalagang gabay sa isang advance na directive ay ang mga layunin ng pangangalaga ng pasyente. Ang mga layunin ng pangangalaga ay nagbabago habang nagpapatuloy na ipakita ng chronic obstructive pulmonary disease ang kanyang sarili, mayroong mga pagsiklab kasama ng bahagyang paggaling hanggang sa ito ay maging sanhi ng kamatayan sa katapusan.
Ikaw at ang iyong doktor ay dapat mag-usap tungkol sa mga antibiotics para sa mga biglang paglala ng sakit o mga impeksyon, at tungkol sa kung anong mga paggagamot ang maaaring mabisa o walang epekto habang lumalala ang iyong sakit. Pag-usapan ang mechanical ventilation at mga komplikasyon kapag malapit na ang katapusan ng buhay. Pag-usapan ang hospice. Ang mga talakayan na ito ay dapat na nagpapatuloy, dahil ang chronic obstructive pulmonary disease ay paulit-ulit na lumalala at bumubuti; ang iyong mga kagustuhan ay maaaring magbago, kasabay sa pagbabago ng iyong sakit.
Kung ang layunin ng pangangalaga ay upang manatili sa bahay kasama ng pamilya, kasalungat ito sa iyong kapakanan na tumawag ng ambulansya o ma-admit sa ospital. Maaaring pumirma ang iyong doktor ng isang Huwag Aalisin sa Bahay (Do Not Leave Home o DNLH) na order na nagsasabi sa mga pang-emergency na tauhan na hindi mo ninanais na maipadala sa emergency department o ma-admit sa ospital. Tumingin sa ibaba para sa iba pang mga order ng doktor.
Para lamang sa kaganapan ng malubhang karamdaman
Kahit na mayroong kang advance na directive na nakumpleto, kung ikaw ay nagkasakit o napinsala ngunit ang pagkakaintindi ay magkakaroon ka ng kumpletong paggaling at muling makakabalik sa iyong regular na mga gawain, ang iyong advance na directive ay hindi magkakabisa. Ang advance na directive ay maaari lamang na maipatupad kung ikaw ay may malubhang sakit at hindi kayang makapagsalita para sa iyong sarili.
Pangangalaga na iyong ninanais
Ang paglista ng mga therapy na hindi mo ninanais ay hindi magiging hadlang para sa iyo na matanggap ang mga paggagamot na iyo ngang ninanais. Habang ang natural na proseso ng pamamatay ay pinayagang maganap, ang pinakamalaking kaginhawahan ay dapat na masiguro para sa pasyente. Ang mga miyembro ng pamilya, o yung mga tao na iyong itinuturing na pamilya, ay tatanggap din ng pangangalaga ng kaginhawahan sa panahon na ito.
Maaaring kabilang sa pangangalaga ng kaginhawahan ang mga sumusunod, at marami pang iba:
- Paggamot para sa pananakit
- Paggamot para sa pagkahilo
- Hadlangan/gamutin ang mga sugat na dulot ng matagal na pagkaratay sa kama
- Espirituwal na pangangalaga para sa pasyente at pamilya
- Psychological na pangangalaga at emotional support para sa pasyente at pamilya
- Anumang pangangalaga na nakapagpapabawas ng pananakit at pagdurusa
- Pagtanggap ng pangangalaga sa balat sa tulong ng mga lotion para sa katawan
- Pagtanggap ng regular na pagbabasa ng bibig at mata kapag ang mga ito ay natutuyo
- Ang pahintulot na maaaring bumisita ang mga mahal sa buhay nang anumang oras
- Ang pangtanggap ng banayad na masahe at pasibong saklaw-ng-paggalaw na ehersisyo upang mapigilan ang paninigas ng mga kasukasuan
- Ang pagpapatugtog ng mga ninanais na musika
- Ang pagsasaayos na i-donate ang iyong mga organ pagkatapos mong mamatay
- Ang pagsasaayos na magsagawa ng autopsy pagkatapos mong mamatay
Mga order ng doktor
Ang ilan sa mga order ay dapat manggaling sa iyong doktor, na siyang gumagamit ng partikular na form na kinikilala ng medical community. Ang Huwag I-resuscitate (Do Not Resuscitate o DNR) na order ay malamang ang pinaka-pamilyar, ngunit mayroong mga iba pang ginagamit upang maipahayag ang mga kagustuhan ng pasyente. Halimbawa, maaaring kabilang sa mga aktibong order ng pangangalaga ng kaginhawahan ang Payagan ang mga Bumibisita nang Mas Mahabang mga Oras (Allow Visitors Extended Hours o AVEH) na order at Tanungin ang Tungkol sa Kaginhawahan, Dalawang Beses sa Isang Araw (Inquire About Comfort b.i.d. o IAC twice daily).
Ang anumang order ng doctok sa iyong medical o personal na file ay dapat sa papana-panahon ay muling pag-aralan. Isinasalarawan ba nito ang iyong mga kagustuhan? Isinasalarawan ba nito ang iyong kasalukuyang medikal na mga pangangailangan?
Kabilang sa mga order ng doktor ang:
- Payagan ang mga Bumibisita nang Mas Mahabang mga Oras (Allow Visitors Extended Hours o AVEH) na order
- Lubos na Pangangalaga ng Kaginhawahan Lamang (Full Comfort Care Only o FCCO) na order
- Huwag I-intubate (Do Not Intubate o DNI) na order
- Huwag I-defibrillate (Do Not Defibrillate o DND) na order
- Huwag Aalisin sa Bahay (Do Not Leave Home o DNLH) na order
- Huwag I-resuscitate (Do Not Resuscitate o DNR) na order, na tinatawag rin na Payagan ang Natural na Kamatayan (Allow Natural Death o AND) na order
- Huwag Ililipat (Do Not Transfer o DNTransfer) na order
- Tanungin ang Tungkol sa Kaginhawahan (Inquire About Comfort o IAC) na order
- Walang mga Intravenous na Linya (No Intravenous Lines o NIL) na order
- Huwag Kumuha ng Dugo (No Blood Draws o NBD) na order
- Walang Feeding Tube (No Feeding Tube o NFT) na order
- Walang Vital Signs (No Vital Signs o NVS) na order (Pinagmulan, 6-5-2015)
Isulat ang iyong mga nasasaisip
Habang kinukumpleto mo ang iyong advance na directive, pag-isipan ang mga benepisyo at mga kahirapan ng mga therapy na ito, at ilagay ang iyong mga nasasaisip sa iyong advance na directive. Kung saka-sakali mang hindi ka makapagsalita para sa iyong sarili, ang iyong advance na directive ay makakatulong sa taong nangangalaga ng iyong kalusugan, sa iyong pamilya at sa iyong mga doktor na malaman kung ano ang iyong mga pinahahalagahan at ano ang mga desisyon na iyong ginawa.
Mga Therapy para sa mga Pasyente at mga Pamilya
- Mga antibiotics-para sa impeksyon sa urinary tract, dahil sa mga sugat na dulot ng matagal na pagkaratay sa kama, mula sa aspiration pneumonia, o mga katulad nito
- Artificial na pagpapakain-pagbigay ng nutrisyon sa pamamagitan ng isang tubo na ipinasok sa sikmura, bituka o ugat
- Chemical code-pinapayagan ang paggamit ng mga drugs, ngunit hindi cardiopulmonary resuscitation (CPR), para muling mabigyan ng malay-tao
- Continuous positive airway pressure/Bilevel positive airway pressure (CPAP/BiPAP)-pagpapadala ng oxygen sa pamamagitan ng isang mask
- Cardiopulmonary resuscitation-mouth-to-mouth na resuscitation
- Defibrillator o pacemaker-isang aparato na itinanim sa loob ng pasyente para magpadala ng therapeutic na electric shock upang maayos ang hindi regular na pagtibok ng puso
- Makina para sa dialysis ng bato
- Huwag I-resuscitate na order-kautusan na huwag magsagawa ng cardiopulmonary resuscitation kapag tumigil ang puso o paghinga
- Feeding tube-pagbigay ng nutrisyon sa pamamagitan ng tubo na ipinasok sa iyong lalamunan
- Intravenous (IV) fluids-pagbigay ng nutrisyon sa pamamagitan ng likido sa ugat
- Total parenteral nutrition (TPN)-pagbigay ng nutrisyon sa pamamagitan ng isang karayom o catheter na inilagay sa ugat. Tinutukoy din ito bilang hyperalimentation
- Mga transfusion-kalimitan ng dugo o mga produkto ng dugo
- Makina para makahinga sa pamamagitan ng ventilator