Infographic: Ang Kahalagahan ng Pakikipag-usap Tungkol sa Pag-aalaga sa Katapusan ng Buhay
Ano ang Gusto Mo?
Mahirap ito, ngunit ang mga medikal na paggagamot na iyong ninanais na matanggap kapag malapit na ang katapusan ng buhay ay kinakailangang mapag-usapan kasama ng ibang tao. Kung hindi mo kailanman nabuksan ang paksa tungkol sa mga desisyon sa katapusan ng buhay, at hindi inaasahang maging baldado ka at hindi makapagsalita para sa iyong sarili, hindi malalaman ang iyong mga medikal na naisin.
Sa kabila ng kahalagahan ng paksa, 27% lang ng mga Amerikano ang nag-ulat na natalakay sa kanilang mga pamilya ang tungkol sa pangangalaga sa taong malapit nang pumanaw. Ang pinakamahusay na paraan upang ipaalam ang iyong mga medikal na naisin ay ang gumawa ng isang advance na directive at ibahagi ito sa iyong pamilya at sa iyong doktor.
Mga Advance na Directive
Ang advance na directive ay dalawang legal na dokumento na nagbibigay-daan sa iyo na magplano at ipahayag ang iyong mga naisin sa katapusan ng buhay. Kapag gumawa ka ng iyong advance na directive, ikaw ay nagiging maagap sa iyong medikal na pag-aalaga at inilalayo ang iyong mga mahal sa buhay na gumawa ng mahihirap na medikal na desisyon sa panahon ng krisis.
Huwag hintayin ang krisis. Lumikha ng iyong advance na directive, ibahagi ang mga kopya sa iyong mga mahal sa buhay at doktor at itabi ang iyong kopya sa maa-access na lugar na maaaring mahanap ng iba.