Hikayatin Silang Makipag-usap: "Simulan ang Talakayan"
Isang siglo na ang nakalipas nangyari ang pagkamatay sa bahay. Lahat ng magagawa ng gamot para panatilihin kang buhay ay natagpuan sa itim na bag ng doctor. Sa nakalipas na 50 taon, nagawang posible ng medical technology na panatilihing buhay ang isang tao nang virtual magpakailanman. Ngunit ano ang kapalit nito?
Nakikita natin sa mga balita kung ano ang maaaring mangyari kapag nabigo ang mga tao na mag-iwan ng lubusang mga tagubilin tungkol sa kung paano nila gustong maalagaan kapag hindi na sila makapagsalita para sa kanilang sarili. Marahil dahil sa mga kuwentong iyon ng nagdadalamhating mga pamilya, mas malamang na gawin ng mga Amerikano na ipaalam ang kanilang mga naisin. Gayunpaman, ayon sa pananaliksik, mas mababa sa 30 porsyento ng populasyon ang nakapagsulat ng kung ano ang kanilang gusto at hindi gusto sa katapusan ng buhay.
Huwag Maghintay ng Krisis
Gawin ang pag-uusap at huwag maghintay ng krisis. Maaaring humantong sa pagdadalamhati, pananakit at napakalaking gastos ang hindi pagpapabatid ng iyong mga desisyon sa healthcare na maaaring magresulta kapag ang mgapasyente ay hindi na makapagsabi sa kanilang mga mahal sa buhay ng kung anong uri ng pag-aalaga, kung aling "magigiting na hakbang," ang kanilang tatanggapin o tatanggihan.
Isali ang Iyong Mga Mahal sa Buhay
Kausapin ang iyong mga mahal sa buhay-nang saglit lang, lubusan, malimit, medyo pala-biro, seryoso-tungkol sa iyong mga kagustuhan. At huwag maghintay na may bumanggit ng paksa para lang makapagsimula; kontrolin ang sitwasyon. Isali ang mga mas bata at mas matandang henerasyon sa usapan. Maghinay-hinay kung mayroong pagtutol, ngunit bumalik sa paksa; maaari itong maging mas madali sa susunod na pagkakataon. Isama ang isang relihiyosong tagapayo o kaibigan kung magagawa niyon na maging mas kumportable ang iba.
Napakaraming online na impormasyon tungkol sa pagsulat ng iyong mga naisin. Subukan ang agingwithdignity.org.