3 mga Tanong na Makapagsisimula ng Talakayan

Mas malamang na pag-usapan pa natin ng ating mga anak ang tungkol sa ligtas na sex at droga kaysa pag-usapan natin ng ating mga magulang ang tungkol sa end-of-life care. Sinasabi natin sa ating sarili na masyadong maaga pa. Hanggang sa isang araw napagtanto natin na huli na pala.

Halos kalahati ng mga Amerikano ang nagsasabing umaasa sila sa pamilya o mga kaibigan na maisagawa ang kanilang mga nais tungkol sa end-of-life care, ngunit ang karamihan ay hindi kailanman nagpahayag ng mga kagustuhang iyon Ang ilan ay gugustuhin pa ang lahat ng magagawa ng teknolohiyang medikal Ang iba ay pinipili ang isang marahan, walang sakit na kamatayan kung ang kalidad ng kanilang buhay ay lubhang nabawasan na.

Walang tama o mali. Lahat ng tao ay may karapatang gawin ang pagpapasyang iyon.

Sinasabi ng mga eksperto na ang pinakamahusay na paraan upang talakayin ng iba ang end-of-life care ay gawin mo mismo ito. Iminumungkahi niya na simulan mo ang proseso sa pagdedesisyon sa pamamagitan ng pagtatanong sa iyong sarili ng mga "paano kung" na mga tanong:

Paano kung Mayroon kang Kundisyong Terminal?

Paano kung mayroon kang isang kundisyong terminal at walang posibilidad ng paggaling? Anong uri ng paggagamot o mga paraan ng pagliligtas ng buhay ang iyong pahintulutan o tatanggihan?

Paano Kung Hindi ka Makagawa ng Mga Sariling Desisyon?

Paano kung hindi mo nagawa ang mga pagpapasyang ito para sa iyong sarili? Sino ang gusto mong gumawa nuon para sa iyo?

Sino ang Magdedesisyon Tungkol sa Medikal Para sa Iyo?

Paano kung itong taong mahal mo ay kailangang gumawa ng mga desisyong iyon? Alam ba niya ang gusto mo?

Kapag Kailangan Ninyong Magkaroon ng 'Ang Pag-uusap'

Iminumungkahi namin ang paggamit ng mga milestone na kaganapan-kasal, anibersaryo, kaarawan, pagreretiro, pagtatapos, kilos ng pagbabawas, holiday ng pamilya-upang ganapin ang "paano kung" na mga pag-uusap. Panatilihin itong magaan ngunit galing sa puso. Maaari kang mabigla: ang pagbibigay-alam sa iyong mga mahal sa buhay ng iyong mga kagustuhan ay maaaring magsimula ng isang prangkahang pag-uusap sa mga henerasyon tungkol sa karamdamang walang lunas, libing, relihiyosong paniniwala at iba pang mga pag-aalala sa pagtatapos ng buhay. 

Tawagan ang VITAS upang higit na malaman pa ang tungkol sa hospice at palliative care options.

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.