VITAS Advantage: Case Study ng Bukas na Formulary para sa mga Komunidad ng Pamamahay sa Nakatatanda
Case Study: Pasyenteng may Malubhang Cancer
Si RM*, isang 84 taong gulang na babeng nasa late-stage na breast cancer na nag-metastasize na sa mga baga at spine, ay nagsabi sa kanyang pamilya at oncologist na mas gusto niyang pumanaw sa mapayapang paraan sa pasilidad ng sanay na pangangalaga, na kung saan siya tumira sa loob nang 5 taon.
Noong na-admit na siya sa VITAS para sa hospice care, si RM ay regular na binibisita ng kanyang mga miyembro ng hospice team sa kanyang pasilidad para sa edukasyon ng staff at para ipatupad ang kanyang indibidwal na plano ng pangangalaga na may kasamang mga gamot na nakatuon sa kaginhawahan para sa mga sintomas at pananakit na kaugnay sa kanyang cancer.
Kasama sa bukas na formulary ng VITAS ang mga optimized na pangmatagalang-bisa at madaliang umeepekto na mga opioid para sa nociceptive na pananakit ng buto ni RM, gabapentin para sa pananakit na nauugnay sa nerve dahil sa brachial plexopathy, at mga nebulized na gamot kung kinakailangan para sa pangangapos ng hininga. Bagama't nakakakain pa rin siya, niresetahan siya ng appetite stimulant para sa anorexia at ng bowel regimen para sa constipation. Sa patuloy na paghina ng kanyang kalusugan, lumipat ang pinagtutuunan ng kanyang pangangalaga patungo sa pangangalaga base sa kaginhawahan at pain management, kasama ng guided imagery at mga pagbisita ng kapilyan.
Pagkalipas ng anim na linggo, mapayapang pumanaw si RM sa kanyang kwarto sa pasilidad, habang napapalibutan ng mga miyembro ng kanyang pamilya at ng isang hospice nurse sa kanyang tabing-kama.
*Tinutukoy ng mga inisyal na ito ang isang hindi makikilalang pasyente at ginagamit lamang para sa mga layunin ng pagbibigay ng impormasyon.
Binigyan ng mga Pamilya ang Hospice ng Grado na 'Napakagaling', na kung saaan ang Pinakamataas na mga Rating ay Kaugnay sa Mas Mahahabang Pamamalagi Doon
Kung ikukumpara sa mga kamag-anak ng mga pasyenteng wala sa hospice, mas malamang na iulat ng mga miyembro ng pamilya ng mga pasyenteng may malubhang cancer na pumanaw habang nasa ilalim ng hospice care, na ang kanilang mga mahal sa buhay ay nakatanggap ng naaangkop na pagpapahupa ng sintomas, nakaranas ng pangangalagang tumupad sa kanilang mga kahilingan, at pumanaw sa kanilang gustong lokasyon.
Bukod pa rito, kung mas maagang nai-refer sa hospice ang mga pasyente, mas mataas ang mga approval rating na nagreresulta galing sa mga pamilya, ayon sa pag-uulat na inilathala sa Journal of Clinical Oncology.
"Sa pangkalahatan, nauugnay ang mas matagal na pananatili sa hospice sa pananaw ng pamilya na nakatanggap ang mga pasyente ng 'tamang dami lang' ng gamot sa pananakit, mas mataas na pagkamit ng layunin ng pasyente, at mas matataas na dami ng pag-uulat ng mga pamilya na napakahusay ang kalidad ng pangangalaga sa pagsapit ng end-of-life (EOL), kung ikukumpara sa mga maiikling pananatili," ayon sa mga may-akda. "Sa pangkalahatan, ayon sa aming mga napag-alaman, ang panghihikayat sa pag-enroll sa hospice, partikular na sa mga linggo ng pag-enroll bago ang pagkamatay, ay maaaring makapagpabuti ng mga karanasan sa EOL ng mga pasyenteng may cancer."
Kung isasaad sa ibang paraan, ang hospice care ay puwedeng maging mas mahusay na alternatibo kaysa sa walang hospice care. Ang bukas na formulary ng VITAS ay nagbibigay ng access sa malawak na sakop ng mga opsyon para mapamahalaan ang mga sintomas/pananakit ng pasyente at masuportahan ang kanilang mga layunin.
Sinuri ng mga tagapagsiyasat ang mga pagtugon ng mga naiwang miyembro ng pamilya (n = 1,970) ng 985 na mga pinagtugmang pares ng mga pasyenteng may malubhang lung o colorectal cancer, na namatay nang mayroong hospice care o kaya wala.
Galing ang mga datos sa mga pagsusuri sa Cancer Care Outcomes Research and Surveillance (CanCORS I at II), kung saan naka-enroll ang pambansang kinatawang mga kalahok mula sa limang heograpikong mga rehiyon ng U.S. mula 2003 hanggang 2005 at ipinagpatuloy hanggang 2011.
Ang median na tagal ng pananatili sa hospice ay 21 araw (interquartile range, 7-56 araw) sa lahat ng mga 1,257 na naka-enroll. Lumahok sa mga panayam ang mga kamag-anak ng mga kabuuang 2,307 na mga pumanaw pagkatapos ng pagpanaw. Mahigit sa one-third (36%) ng mga pasyente ay wala pang 65 taong gulang, na may iba't ibang mga uri ng insurance.
Mga Pangunahing Napag-alaman
- Ang mga pasyente sa hospice ay mas malamang na napag-alaman na tumatanggap ng "tamang dami lang" ng gamot sa pananakit kung ikukumpara sa mga mga pasyenteng wala sa hospice (80% vs 73%).
- Kung ikukumpara sa mga wala sa hospice, may mas mataas na porsyento ng mga pasyente sa hospice ang nakatanggap ng "tamang dami lang" ng tulong sa dyspnea (78% vs 70%).
- Ang mga pasyenteng naka-enroll sa hospice ay mas malamang na matupad ang kanilang mga EOL na kahilingan kung ikukumpara sa mga wala sa hospice (80% vs 74%).
- Ang mga naka-enroll sa hospice ay mas malamang na pumanaw sa kanilang mas ninanais na lugar kung ikukumpara sa mga pasyenteng wala sa hospice (68% vs 39%).
- Kung ikukumpara sa mga pamilya ng mga pasyenteng wala sa hospice, mas nagbibigay ng grado na "napakagaling" ang mga pamilya ng mga pasyente sa hospice tungkol sa kanilang kabuuang EOL na pangangalaga (57% vs 42%).
Ang Kahalagahan ng Tagal ng Pamamalagi sa Hospice
- Mas madalas na iniulat ng mga pamilya ng mga pasyenteng naka-enroll sa loob nang mahigit sa 30 araw na ang kanilang mahal sa buhay ay nakatanggap ng "tamang dami lang" ng gamot sa pananakit kung ikukumpara sa mga naka-enroll sa 3 araw o mas kulang pa (85% vs 76%), at mas malamang na bigyan ng mga pamilya sa hospice ang kabuuang kalidad ng pangangalaga na grado na "napakagaling" (65% vs 50%).
- Ang mga miyembro ng pamilya ng mga pasyente na nasa hospice sa loob nang mahigit sa 30 araw ay mas malamang na mag-ulat na nasunod nang "napakahusay" ang mga kahilingan ng mga pasyente ukol sa EOL, kung ikukumpara sa mga pasyenteng naka-enroll nang kulang pa sa 3 araw (87% vs 79%).
- Kung mas maaga ang pagkaka-enroll sa hospice, mas mataas ang posibilidad na pumanaw ang mga pasyente sa kanilang mas ninanais na lugar (higit pang 30 araw sa hospice, 75%; simula walo hanggang sa 30 araw sa hospice, 67%; simula apat hanggang sa pitong araw sa hospice, 61%; wala pang 3 araw sa hospice, 48%).
Ang VITAS Advantage para sa mga Komunidad ng Pamamahay sa Nakatatanda
Makasisiguro ang mga residente na ang kanilang mga sintomas at pananakit ay patuloy na mapapangasiwaan, nang nakatuon sa kaginhawahan, kapag nai-refer sila sa VITAS para sa hospice care. Sinusuportahan ng bukas na formulary at ng 24/7 na klinikal na pagkaeksperto ng VITAS ang pagpapatuloy ng mga gamot na nakatuon sa sakit na siyang nagpapahusay ng mga sintomas at quality of life ng mga residente.
Ang mga propesyonal sa komunidad ng pamamahay sa nakatatanda ay maaaring:
- Masuportahan ang mga residenteng gustong tumanda sa kanyang kinalalagyan gamit ang mga gamot na nakatuon sa kaginhawahan na namamahala sa mga sintomas na nauugnay sa kanilang pangunahing diagnosis sa hospice
- Magbigay ng mga hindi-pharmacologic na therapy para sa kaginhawahan, pagpapahupa ng pagkabahala, at psychosocial na suporta, kasama ng respiratory therapy, music therapy, mga pagbisita ng alagang hayop, at massage therapy
- Masuportahan ang kalidad ng buhay sa tulong ng home medical equipment at mga supply na ipinadadala sa komunidad, kabilang ang mga ADL assist na device, oxygen, mga nebulizer, CPAP at BiPAP na suporta, mga supply para sa kawalan ng kontrol sa pag-ihi at pangangalaga ng sugat, at higit pa
Pinagmulan: Kumar, P. & Wright, A. (2017). Family perspectives on hospice care experiences of patients with cancer. Journal of Clinical Oncology, 35(4):432-439