Mga Madalas Itanong (FAQ) para sa Mga Propesyonal sa Pangangalagang Pangkalusugan sa Hospice
Humanap ng mga sagot sa mga komprehensibong mga katanungan tungkol sa kung ano ang hospice, anong mga kadahilanan ang nakakatulong upang makapag-pasiya kung ang isang tao ay karapat-dapat sa hospice, ang pinansiyal na mga katanungan, kabilang ang paniningil at pagbabawi ng mga nagastos na natatangi sa hospice care.
Maaari kang makakita ng higit pang sagot sa aming kumpletong database ng Mga Madalas Itanong.
- Ano ang hospice? Nangangalaga ang hospice para sa mga pasyenteng may malubhang karamdaman sa pamamagitan ng pagtuon ng pansin sa pain relief, pangangasiwa ng sintomas, at mga emosyonal at espiritwal na mga issue sa katapusan ng buhay.
- Ano ang mga palatandaan na ang pasyente ay maaaring handa na para sa hospice services? Kapag ang bigat ng paggamot ay higit sa mga benepisyo at/o ang pasyente ay nagkaroon ng maraming beses na pagpunta o pagka-confine sa ospital sa nakaraang ilang buwan, maaaring handa na siya sa hospice.
- Kailan ang tamang oras para sa hospice? Dapat isaalang-alang ng mga doktor, pasyente, at pamilya ang hospice services kapag hindi na malulunasan ng mga medikal na paggamot ang kanilang sakit at/o ang kahirapan sa sintomas ay mas matindi kaysa sa mga benepisyo ng paggagamot.
- Paano nalalaman ng isang doktor kung mamamatay ang pasyente sa susunod na anim na buwan? Gagamitin ng doctor ang kanilang pinakamahusay na medikal na pasya para sa sitwasyon.
- Paano kung may mga espesyal na pangangailangan ang pasyente? May kanya-kanyang plano ng pangangalaga ang bawat pasyente ng hospice upang matugunan ang mga pangangailangan ng bawat isa sa kanila. Kung kailangan ng mga espesyal na kagamitan (hal., wheelchair, lift, trapeze bar, atbp.) o mga therapy (hal., respiratory therapy, physical therapy, atbp), iniaalok ito ng hospice provider bilang bahagi ng mga serbisyo nito.
- Sino ang nagbabayad para sa hospice? Nasasaklawan ba ito ng insurance? Medicare? Medicaid? Kung ang pasyente ay may Medicare Part A at natutugunan ang mga kinakailangan sa pagiging karapat-dapat sa hospice, babayaran ng gobyerno ng kasing dami ng 100% ng halaga ng hospice care. Sa ganoong pangyayari, walang deductible at walang copayment para sa pasyente. Kahit na nakatala sa isang Medicare Advantage plan ang pasyente ng hospice, saklaw ng original Medicare ang mga benepisyo ng hospice.
- Paano nasasaklawan ang hospice para sa mga pasyenteng walang insurance? Nakikipagtulungan ang admissions staff ng hospice sa mga pasyenteng walang insurance para matukoy ang pinansyal na responsibilidad, personal na pagbabayad, at pagiging karapat-dapat para sa iba pang mga benepisyo na makakatulong sa pagbabayad para sa mga serbisyo.
- Kung nasasaklawan ng Medicare ang hospice services, inihihinto ba nito ang iba pang saklaw ng Medicare? Hindi. Kung kailangan ng isang pasyente sa hospice ng pagpapaospital para sa anumang dahilang nauugnay sa hindi gumagaling na karamdaman, sasaklawin ng tradisyonal na Medicare ang pangangalagang iyon. Patuloy na babayaran ng medikal na insurance ng pasyente ang pangangalagang hindi nauugnay sa terminal diagnosis.
- Paano nakikipagtulungan ang hospice sa isang HMO? Ang hospice ay nagbibigay ng pangangalaga na nauugnay sa pangunahing diagnosis; ang HMO ang nangangasiwa sa hindi nauugnay na pangangalagang pangkalusugan.
- Sino ang nasa pangkat ng hospice? Nakakatanggap ang mga pasyente ng hospice ng mga serbisyo mula sa team na binubuo ng iba't ibang mga disiplina (interdisciplinary team, o IDT), kabilang ang doctor, registered nurse, hospice aide, social worker, kapilyan, bereavement specialist, volunteer, at iba pang mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan.
- Saan dapat pumunta ang mga pasyente para makatanggap ng hospice services? Karaniwan, nakakatanggap ang hospice patients ng pangangalaga sa lugar na itinuturing nilang tahanan.
- Paano naiiba ang hospice sa mga mga serbisyo sa home health? Naghahandog ang hospice ng mga serbisyo na wala sa home health, gaya ng mga inireresetang gamot, mga medikal na equipment, at mga pagbisita mula sa isang staff sa pangangalagang pangkalusugan na binubuo ng iba't ibang mga disiplina. Ang layunin ng hospice ay upang mapanatiling maginhawa ang pasyente habang dumarami ang mga sintomas nito Ang hospice services ay nagbabago upang matugunan ang mga pangangailangan ng pasyente.
- Bakit mangangailangan ang isang residente sa nursing home ng hospice services? Ang mga nursing home ay nakatuon lang sa pang-araw-araw na pangangalaga at rehabilitasyon. Ang mga residente sa nursing home na nakakatanggap ng hospice services ay nakakakuha ng naka-customize na suportang tinukoy ng kanilang plan of care.
- Ano ang mga level ng pangangalaga ng hospice? Inaatasan ng Medicare ang lahat ng mga provider ng hospice na maghandog ng apat na level ng pangangalaga para mga pasyente at kanilang pamilya.
- Ano ang VITAS Healthcare? Ang VITAS® (binibigkas bilang VEE-tahss) Healthcare ay ang nangungunang tagapagbigay ng end-of-life care sa bansa.
- Bakit ko pipiliin ang VITAS? Sa VITAS Healthcare, ang lahat sa kumpanya ay nagtatrabaho na may parehong paniniwala: ang mga pasyente at pamilya ay dapat mauna.