VITAS Advantage: Mga Komplikadong Modality

May kakayahan ang VITAS na tumanggap ng mga pasyenteng nangangailangan ng komplikadong modality-mga pasyenteng posibleng hindi natutugunan ng mga ibang hospice provider ang pangangailangan dahil sa kakulangan ng mga resource o pagkadalubhasa para makapagbigay ng kinakailangang pangangalaga.
 Karapa-dapat Ba Sa Hospice Ang Iyong Pasyente?

Lahat ng mga hospice ay nagbibigay ng mga pangunahing serbisyo, ang aming kakayahang maghandog ng mga komplikadong modality ang dahilan kung bakit kami ay bukod-tangi. Gaano man kakomplikado o kahirap ang mga sintomas ng iyong pasyente, ang VITAS ay may hospice at palliative care solution at protocol na hindi naibibigay ng mga ibang hospice na provider.

Para sa mga Ospital

Ang mga pasyente at pamilya ay nag-uulat ng mas mataas na satisfaction sa pangangalaga kapag ang mga sintomas ay matagumpay na napapamahalaan sa bahay; kaya ang aming mga inihahandog sa komplikadong modality ay nagbibigay-daan sa mabilis na transisyon ng pangangalaga mula sa mga acute care na kinalalagyan, na siyang higit na nakakaapekto sa karanasan ng pasyente.
Isang pasyenteng nakahiga sa kama ng ospital

Para sa mga Doktor

Kapag nag-refer ka sa VITAS, maaari mong mapagkatiwalaan na ang aming mga pangkat sa hospice na binubuo ng iba't ibang mga disiplina ay sisimulan ang komplikadong mga modality na kinakailangan ng iyong pasyente para mapamahalaan ang mga sintomas at makamit ang kaginhawahan sa gusto niyang kinalalagyan ng pangangalaga.
Isang pasyente

Para sa mga Senior Living Communitiy

Ang mga komunidad na may mga residenteng nangangailangan ng mga komplikadong pamamagitan ay maaaring makinabang mula sa pakikipagtulungang pamamaraan ng VITAS upang agresibong mapamahalaan ang mga sintomas at maiwasan ang pangangailangan na pumunta sa ED o maospital.
Isang nakaupong lalaki

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming listahan ng email para sa mga webinar, balita tungkol sa Hospice care at higit pa.