Bayad sa doktor para sa Medicare Hospice Patients

Upang maunawaan ang bayad sa doktor para sa mga pasyente ng hospisyo, unawain muna na ang hospice, hindi tulad ng iba pang proseso ng Medicare, ay isang benepisyo na nakabatay sa pasyente. Kapag namimili ang isang pasyente ng hospice, ang lahat ng mga pagpipilian ay nakabatay sa pag-aalaga na nakatuon sa pasyente at ang kanyang kagustuhan. 

Sa oras na ni-refer sa hospice, pinipili ng pasyente na itigil ang paggamot para sa diagnosis na karamdamang walang lunas. Dapat patunayan ng doktor na tumitingin at ang medikal direktor ng hospice o doktor ng pangkat na ang pasyente ay may "medical prognosis na ang kanyang life expectancy ay anim na buwan o mas maikli, kung ang sakit ay tumuloy sa normal na pagsulong."

Ang lahat ng pangangalaga sa pasyente na walang kaugnayan sa diagnosis na terminal ay patuloy na sisingilin nang direkta sa Medicare gamit ang naaangkop na mga code sa pagsingil. 

Mga kategorya ng Serbisyo ng Doktor

Kapag napili na ng isang pasyente ng Medicare ang hospice, ang pangangalaga na may kaugnayan sa diagnosis na terminal ay babayaran nang direkta ng Centers for Medicare at Medicaid Services (CMS) sa hospice provider. Ang mga serbisyo ng doktor ay sisingilin ng hospice ayon sa uri ng serbisyo na isinagawa.

Mga Serbisyo ng Nangangalagang Doktor

Ang nangangalagang doktor ng hospice ay isang MD, DO, PA o NP na maaaring empleyado o hindi empleyado ng hospice.

Kasama sa isang pangkat ng interdisiplinaryong hospice ang isang doctor na nangangasiwa ng mga elemento ng pangangalaga ng pasyente. Bilang karagdagan, ang isang pasyente sa hospice ay maaaring pumiling magkaroon ng kanilang pangunahing manggagamot (Primary Care Physician - PCP), ibang doktor o isang katulong na doctor/propesyonal na nurse na maging kanilang nag-aalagang doctor.

Kung ang napiling clinician ay sumasang-ayon na siya ang magiging doktor na mangangalaga sa pasyente sa hospice, ang anumang nakatutok na paggagamot na may kaugnayan sa katayuang terminal ng pasyente na ibinibigay ng manggagamot na ito ay maaaring singilin nang direkta sa Medicare. Ang clinician lang na nangangalaga sa pasyente na hindi nagtatrabaho sa hospice ang maaaring sumingil sa Medicare Part B para sa Hospice Care gamit ang code na CPT E/M.

Kung ang doktor ng hospice ay siya ring nangangalagang doktor, lahat ng serbisyong may kaugnayan sa terminal na kalagayan ay sisingilin sa medicare ng hospice, hindi direktang ang doktor ang maniningil. Ipaaalam ng pangkat ng hospice sa PCP/iba pang clinician ang estado ng pasyente at makakatulong sila sa diyalogo ngunit hindi gagampanan ang anumang direktang pangangalaga na may kaugnayan sa terminal na diagnosis.

Mga Serbisyo ng Doktor na Sinusundan ang Pangangalaga ng Pasyente

Ang nangangalagang MD o DO (bagaman hindi isang PA o NP) ay maaaring gustuhing maging doktor na sumusunod sa pangangalaga ng pasyente, na responsable sa pagbibigay ng aktwal na Hospice Care, hal., nagsusulat ng mga order, nagkokonsulta sa nurse ng pangkat ng hospice at nagbibigay ng utos.

Mga Serbisyo ng Doktor na Di-Nangangalaga (Nagpapayo)

Sa mga kaso kung saan ang pasyente ay nangangailangan ng mga serbisyo ng isang doktor ngunit hindi nangangalagang doktor na may kaugnayan sa kalagayang terminal , ang doktor ng espesyalidad na ito ay dapat magkaroon ng kontraktwal na kasunduan sa hospice para sa kanilang mga serbisyo. Ang bayad sa paggamot o serbisyong pangangalaga na may kaugnayan sa karamdamang walang lunas ng pasyente at ibinigay ng isang espesyalistang kinontrata ng hospice ay responsibilidad ng hospice, hindi ng Medicare Part B o Part A.

Mga Aktibidad sa Pangangasiwa

Ang mga aktibidad na administratibo o pangangasiwa ay kinabibilangan ng pagtatatag, pagrerepaso o pag-update ng mga plano ng pangangalaga, pangangasiwa sa pagpapatupad ng pangangalaga, atbp. Ang mga serbisyong ito ay isinasagawa ng isang medikal direktor o doctor na nagtatrabaho sa hospice at kasama sa payment rate ng hospice. Sa madaling salita, nasasakop sila ng Medicare Hospice Benefit. Hindi nagkakaroon ng karagdagang pagsingil para sa mga aktibidad na administratibo.

Handa na ba ang inyong pasyente para sa hospice?

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.