Mga Pagbisita ng Alagang Hayop sa Hospice Care

Kapag Nagagawa ng Mga Hayop ang Hindi Magawa ng Mga Tao

Natatandaan mo ba si "Lassie"? Bawat linggo, noong 1950 na TV show, ang matapang na collie ay iniligtas ang kanyang pamilya at mga kaibigan mula sa mga balon, sunog at iba pang mga panganib. Ang palabas ay nagpakita sa dramatikong paraan kung ano ang nararanasan ng mga pasyente ng hospice araw-araw - ang debosyon ng aming kaibigang may apat na paa.

Maraming mga pasilidad ang may mga pagbisita sa mga boluntaryo ng alagang hayop: mga mapagmahal na hayop-at ang kanilang mga may-ari na sanay na magbigay ng comfort at isang espesyal na uri ng pagkakaibigan sa sinumang makikinabang, mula sa isang bata na nahihirapang magbasa hanggang sa mga biktima ng kalamidad at matatanda.

Ang mga boluntaryo ng hospice pet ay bumibisita sa mga pasyente sa mga nursing home, mga assisted living community at mga pribadong tahanan. Nag-aalok ang mga pagbisita ng hospice pet ng welcome distraction mula sa sakit at tunutulungan ang mga tao na mapawi nang kaunti ang lungkot. Iniwan nila ang kanilang mga pasyente-at kung sino man ang may sapat na swerte na pumaligid-nakangiti, mas nakakarelaks, marahil mas malusog.

Ang therapeutic na paggamit ng mga alagang hayop ay nakakakuha ng higit na pansin at laganap na pagtanggap habang patuloy itong nagdadala ng nasusukat na mga benepisyo sa lahat ng uri ng mga pangangailangan. Mayroon din itong acronym; ang HAI research (para sa pakikipag-ugnay ng tao-hayop) ay ang pag-aaral ng ugnayan sa pagitan ng pag-aalaga ng pet at pisikal at mental na kalusugan.

Ang mga benepisyo ng mga pagbisita ng alagang hayop ay kinabibilangan ng:

  • Comfort care
  • Pagdala sa mga alaala
  • Pagpapasiglang aktibidad
  • Nagbibigay ng walang pasubaling pag-ibig

Sinasabi ng mga eksperto sa healthcare na ang mga hospice patient ay kapansin-pansin na mas aktibo at tumutugon sa panahon pagkatapos ng mga pagbisita ng alagang hayop. Ngunit ang mga hospice team, pasyente at pamilya ay hindi nangangailangan ng mga istatistika at pananaliksik upang makita na ang mga alagang hayop ay makapagbibigay ng pagbabago na hindi matatapatan ng interbensyon ng tao o gamot na tila naisakatuparan.

Kilalanin ang Ilan sa mga VITAS Paw Pals®

Si Bodhi, ang golden retriever

Bodhi

Si Bodhi ay isang malambing na asong may mapungay na mga mata. Alam niya kapag kailangang i-comfort ang isang tao. Nakikinig si Bodhi sa bawat salita, sa pamamagitan ng pagkurap ng kanyang mga mata bilang pagtugon sa mga nakikipag-usap sa kanya.
Si Max, ang itim na may-halong lab

Max

Si Max ay parang isang malaking teddy bear. Gusto niyang lagi siyang pinapansin at mahilig siyang tumabi sa mga tao. Pinakagusto niya ang mga pagkamot sa kanyang dibdib at tiyan.
Si Beckett, ang French bulldog

Beckett

Ipinanganak si Beckett sa Oklahoma at lumipat siya sa Florida kasama ang kanyang nanay na amo na umampon sa kanya. Isa na siyang therapy dog bago sumali sa VITAS. Maganda ang pag-uugali niya ayon sa mga pasyente!
Si Gizmo, ang Siamese cat

Gizmo

Si Gizmo ay nakita ng kanyang tatay na amo sa isang garage sale, at mula noon ay pinasigla niya ang buhay nito. Mayroon na siya ngayong mga kapatid na aso, chinchilla, at isang pusa na naging bahagi ng pamilya noong nakilala ng tatay na amo ni Gizmo ang kanyang nanay na amo.
Si Mushka, ang Jack Russell terrier

Mushka

Dahil siya ay ipinangalan sa isang Russian na cosmonaut na tuta, malaki ang dapat patunayan ni Mushka. Kasama niya sa bahay ang kanyang mga magulang na amo at dalawang kapatid na pusa, at pagbibigay ng pansin ang susi sa kanyang puso!
Si Lay Down Sally, ang Labrador retriever

Lay Down Sally

Ipinangangak siya sa Illinois, at ipinangalan siya sa kanta ni Eric Clapton na "Lay Down Sally." Mas natutuwa siya sa kanyang mga pagbisita sa nursing home kaysa sa pagpunta sa dog park!
Si Walter, ang Shih Tzu

Walter

Si Walter ay naging bahagi ng kanyang pamilya noong siya ay humigit-kumulang na 8 linggong gulang. Dati silang nakatira sa Colorado, pero mas gusto niya ang mainit na panahon sa Florida! Sinasabi ng lahat na isa siyang napakalambing na aso.

Sa VITAS, pinalilibutan namin ang mga pasyente at kanilang mga pamilya ng mga serbisyo at mga resource para sa quality of life kapag malapit na sa katapusan ng buhay.

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.