Sinusuportahan ng VITAS ang mga Doktor sa Pamamahala ng Pananakit ng mga Pasyente
Ang pananakit ay isang komplikadong sintomas na kabilang sa maraming mga sakit na nagdudulot ng maagang pagkamatay. Ang pinakamataas na pangyayari ng matinding pananakit ay nagaganap sa mga adult na pasyente na may advanced cancer.1 Kabilang pa sa pananakit, ang mga pasyenteng ito ay kalimitang nakararanas ng kahirapang huminga at pagkabalisa sa katapusan ng buhay, at nangangailangang gamitan ng masinsinang mga serbisyo ng ospital kapag malapit nang mamatay.2
Maaaring epektibong mapamahalaan ang pananakit sa katapusan ng buhay, at itinuturing ng hospice ang pain management bilang prayoridad. Sa isang kamakailan na pagsusuri, pinag-aralan nito ang 1,970 na mga pasyenteng may cancer, ang kalahati sa kanila ay tumatanggap ng hospice care. Ang control group ay hindi tumanggap ng hospice care. Siyamnapu't-isang porsyento ng mga pasyente sa hospice ay binigyan ng gamot para sa pananakit upang mapamahalaan ang mga sintomas, kung ikumpara sa 81 na porsyento ng mga pasyente na nasa control group.2
Iniulat ng mga pamilya ng mga pasyente na tumatanggap ng hospice care na ang kurso ng paggagamot para sa pain management ng mga pasyente ay angkop ang pagkakahanda para sa kanilang mga sintomas, isang mahalagang bahagi ng kalidad ng pangangalaga at kasiyahan ng pasyente. Sinabi ng mga 80 porsyento ng mga pamilya na ang kanilang mga mahal sa buhay na nasa hospice ay tumanggap ng "tama lamang na dami" ng gamot para sa pananakit. Natagpuan din ng mga mananaliksik na ang mga positibong epekto ng hospice care ay tumataas habang ang tagal ng pagtigil nila sa lugar na iyon ay humahaba.2
May espesyalisasyon ang mga doktor ng VITAS sa pagtulong sa sakit
Nakikipagtulungan ang mga doktor ng VITAS hospice sa mga doktor na namamahala ng pasyente upang makilala ang pinakamabuting paraan upang magamot ang pananakit ng mga pasyenteng may sakit na walang lunas. Magkasama, sinisiguro namin na natatanggap ng mga pasyente ang mga gamot na kinakailangan upang mapawi ang kanilang pananakit at mapigilan ang karagdagang pagdurusa, binibigyan sila ng pagkakataon na makaranas ng pinakamabuting quality of life sa kanilang natitirang panahon. Bilang karagdagan pa sa klinikal na pagkadalubhasa, naghahandog din ang VITAS ng pang-edukasyong mga materyales na siyang kabilang ang:
- Mga patnubay ng VITAS sa pain management na sinadyang idinesenyo para sa paggagamot ng mga pasyente na may sakit na walang lunas. Ang mga opisyal na pamamaraan na ito ay may impormasyon tungkol sa nararapat na dosis at titration ng mga opioid na analgesic
- Mga case study tungkol sa matagumpay na pamamahala ng komplikadong pananakit sa mga pasyenteng may sakit na walang lunas
- Mga pang-edukasyon na materyales para sa pasyente at pamilya upang makatulong sa pag-unawa at mapag-aralan ang mga opsiyon para sa pain management
- Mga pamamaraan na hindi naka-base sa gamot, tulad ng music at massage therapy, na makatutulong na mabawasan ang pananakit ng pasyente at maghandog ng kaginhawahan (ang pagkakaroon ng mga ito ay magkakaiba depende sa lokasyon)
Malawak na saklaw ng pangangalaga na higit pa sa pisikal na pananakit
Dahil ang walang lunas na mga karamdaman ay kalimitang may kasamang mahigit pa sa pisikal na pananakit, dinadagdagan ng hospice team sa VITAS na mga eksperto sa iba't ibang mga uri ng bagay ang pangangalaga na ibinibigay ng namamahalang doktor sa pamamagitan ng pagtuon sa espirituwal at emosyonal na mga pangangailangan ng mga pasyente at kanilang mga pamilya. Bilang karagdagan pa sa isang dalubhasang sinanay na palliative care physician, maaaring kabilang sa hospice team ang isang nurse, hospice aid, espesyalista sa pangungulila sa pagpanaw ng tao, parmasyotiko, chaplain at social worker.
Makipag-usap sa isang dalubhasa sa pain management sa VITAS na makakatulong
Mayroong doktor sa VITAS hospice na dalubhasa sa pain management upang makatulong na mapamahalaan ang anumang uri ng pananakit sa mga pasyente na may sakit na walang lunas. Mananatili ang pasyente sa namamahalang doktor habang ito ay nakikipagtulungan sa doktor ng hospice.
Ang pakikipag-tulungan sa isang espesyalista sa pananakit sa VITAS ay makakatulong na masiguro ang naaangkop na paggamit ng mga opioid, pinakamabuting paraan ng pagbigay ng gamot at mga formulation at tyempo ng mga dosis. Ang mga eksperto sa VITAS ay dalubhasa sa paglutas ng mga komplikadong kahirapan na kaugnay ng pain management, tulad ng:
- Pananakit na hindi tumutugon sa inaasahang angkop na pamamaraan sa therapy
- Pananakit na pangkalahatan at pati na rin pananakit na naka-base sa partikular na lugar, nangangailangan ng maramihang mga analgesic
- Mga pasyente na hindi makaya ang ilan sa mga gamot
- Mga pasyente na nagkaroon ng hindi ninanais na mga side effect
- Mas malaking panganib na magkaroon ng mga gamot na naglalaban-laban sa isa't isa dahil sa maraming mga analgesic
- Mas malaking panganib ng pagka-lason dahil sa mga dosis ng analgesic
- Mga analgesic na hindi angkop para sa tindi ng pananakit
- Mga problema sa titration ng mga opioid
- Mga pasyente na hindi makasunod sa mga inirerekomendang pamamaraan ng pagbigay ng gamot
- Mga pasyente na hindi pa nakakamit ang nararapat na antas ng kontrol sa pananakit
Pag-aaralan din ng VITAS ang mga pasyente upang malaman kung ang mga pamamaraan na hindi naka-base sa gamot ay naaangkop.
1National Cancer Institute. "Pain Overview." sa Web. http://www.cancer.gov/cancertopics/pdq/supportivecare/pain/HealthProfessional/page1 Kinuha noong Setyembre 10, 2014.
2Kumar P. et al., Family Perspectives on Hospice Care Experiences of Patients with Cancer. Journal of Clinical Oncology - inilathala sa online bago naka-print sa Disyembre 19, 2016.