Paano Natutulungan ng Hospice Care na Magtagumpay ang Mga Ospital at Health System

Nauunawaan ng VITAS ang mga layunin ng mga ospital at mga sistema ng kalusugan na naka-base sa kahalagahan ng pangangangalaga ng kalusugan: upang makapagbigay ng mataas na kalidad at abot-kayang pangangalaga sa pasyente na nakatutugon sa at pinagbubuti ang mga pamantayan ng industriya.

Dahil sa tulong na naibibigay ng kadalubhasaan ng hospice ng VITAS sa buong saklaw ng pangangalaga, epektibong mababawasan ng mga ospital at sistema ng kalusugan ang mga panganib at nakakamit ang pinakamabuting kalagayan at kinalalabasan para sa pasyente.

Sa pamamagitan ng partnership sa VITAS, direktang nalulutas ng VITAS ang mga paghamon sa mga ospital at health system ukol sa high-need/high-cost (HNHC) patients o pasyenteng may matinding pangangailangan at malaking gastos. Kapag ang mga pasyente na may malubhang karamdaman o ang mga pasyente na may mas mataas na mga grado ng peligro sa Hierarchical Condition Category (HCC) ay hindi na tumutugon sa mga pagpapalunas na paggagamot o pangangalaga upang maka-panumbalik sa dating kalagayan, mahusay na inililipat sila sa hospice ng VITAS sa pinaka-angkop na ikalawang lugar ng pag-aalaga.

Nagbibigay kami ng mga opsyon sa palliative care bilang kapalit ng mga agresibong treatment o paggagamot at ito ay sinusuportahan ng  interdisciplinary focus ng hospice sa pangangasiwa ng sintomas, pain relief at  pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng pasyente.

Pagtatagumpay sa Pabagu-bagong Industriya ng Value-Based na Pag-aalaga

Paano makatutulong ang VITAS na matigil ang pagpapabalik-balik sa ospital

Salamat sa hospice care, natitigil ang cycle ng hindi kailangan na pagkaratay sa ospital at pagpapabalik-balik dito ng pasyente.

Sulitin ang Benepisyo sa Paglipat ng mga Pasyenteng Eligible sa Hospice sa VITAS

Natutulungan ng VITAS partnership ang iyong ospital at health system na:

  • Mapangasiwaan ang mga problema sa mga gastos at pagbabayad sa DRG sa pamamagitan ng maayos na transition ng pag-aalaga na nagpapababa sa pangkalahatang gastos para sa mga pasyente na may malubha nang sakit
  • Makapagbigay ng madaliang, iba't-ibang anyo ng pag-aalaga sa mga pasyente na kwalipikado sa hospice, may mataas na antas ng pangangailangan, at magastos na mga malubhang karamdaman: Tradisyonal na hospice care na may pakikipag-ugnayan ng iba't-ibang mga sangay ng kaalaman na sinusuportahan ng respiratory therapy, therapy sa PT/OT/Pananalita, therapy na tugtugin, suporta sa diyeta, mga pagpapayo tungkol sa nutrisyon at iba pang mga serbisyo, kapag kinakailangan
  • Mabawasan ang pagbalik sa ospital, mapababa ang in-house mortality rates at ang paggamit ng mga intensive service
  • Mapaikli ang length-of-stay (LOS) upang mabawasan ang mga problema sa boarding o pagtigil ng pasyente at pagbutihin ang emergency department (ED)
  • Magkaroon ng maayos na tulay sa pagitan ng ospital at ng angkop na secondary o ibang lugar para sa pangangalaga
  • Suportahan ang mga plano ng ospital para sa value-based na pangangalaga at ang mga quality indicator nito
  • Masuportahan ang maayos na pakikipagtulungan ng VITAS at ng mga referral system ng ospital

Pagpapabuti pa ng Expertise ng VITAS sa Pangangasiwa ng Pangangalaga

Ang paraan na sinusunod ng VITAS sa pangangasiwa ng pangangalaga ay binubuo ng:

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.