Pagiging Karapat-dapat sa Hospice para sa mga Pasyenteng May End-Stage na COPD at Iba Pang Uri ng Lung Disease
I-download ang PDF ng mga Panuntunang ito.
Ikaw ba ay pasyente, miyembro ng pamilya o tagapag-alaga? Alamin kung paano makakatulong ang VITAS Healthcare sa mga pasyenteng may end-stage na COPD at iba pang uri ng lung disease.
Ang malubhang lung disease, kasama ang chronic obstructive pulmonary disease (COPD) at iba pang lung disease, ay kabilang sa mga pinaka-karaniwang kundisyon na nagreresulta sa pag-refer ng mga doktor sa hospice ng isang pasyente. Ang pagkaunawa sa kung paano magiging karapat-dapat sa hospice ang isang pasyente na may lung disease ay mahalaga sa pagbibigay ng mapag-arugang pag-aalaga sa kanyang gustong kapaligiran ng pangangalaga.
Mga panuntunan sa pagiging karapat-dapat para sa hospice sa COPD at lung disease
Maaaring gumamit ang mga doktor ng mga klinikal na panuntunan upang malaman kung sino sa mga pasyente ang nasa huling anim na buwan ng buhay dahil sa lung disease. Pagdating sa end-of-life care, ang mga pasyente ay nararapat na physiolohikal at sikolohikal na handa na sa hospice.
Ang hospice care ay idinesenyo upang matulungan ang mga pasyente na:
- nahihirapang huminga habang nakapahinga o may kaunting pagkilos
- ay nakarating sa punto kung saan ginugugol nila ang karamihan ng kanilang mga araw sa bahay ngunit hindi naman kailangan na palaging manatili roon.
- nakaranas ng paulit-ulit na pagbisita sa ED (isa o higit pa sa bawat tatlong buwan) dahil sa impeksyon o mga kaganapan ng respiratory failure
- nakaranas ng pagpapa-ospital (isa o higit pa sa bawat tatlong buwan) at hindi na gustong muling ma-admit sa ospital
Pinapayuhan ng VITAS ang mga pasyente at ang kanilang mga pamilya tungkol sa kanilang mga layunin at mga kahaliling pamamaraan upang mapamahalaan ang mga sintomas upang mapigilan ang hindi ninanais na pagpapa-ospital at pag-intubate.
Mga pangunahing katangian ng COPD o lung disease
- Ang kalubhaan ng sintomas sa paghinga
- May kahirapan sa paghinga habang walang ginagawa at/o may kaunti lamang na pagkilos habang nasa oxygen therapy
- Ang kahirapan sa paghinga ay hindi tumutugon o mahinang tumugon sa bronchodilator therapy
- Halimbawang senaryo: Ang isang 76 (na) taong gulang na pasyenteng may COPD na gumagamit ng tuluy-tuloy na oxygen ay nahihirapang huminga habang naglalakad sa loob ng silid sa kabila ng pag-optimize ng gamot.
- Dalas ng biglaang paglala ng sintomas
- Ang pagsulong ng chronic pulmonary disease bilang napatunayan ng isa o mahigit pa sa mga sumusunod:
- Ang malimit na paggamit ng mga medikal na serbisyo, kabilang ang pagpunta o pagka-confine sa ospital, mga bisita sa ED at/o mga outpatient na pagbisita sa doktor, dahil sa mga sintomas ng pulmonary disease
- Ang malimit na mga pangyayari ng bronchitis o pneumonia
- Halimbawang senaryo: Ang pasyente na may tatlong episode ng bronchitis sa loob ng apat na buwan ay tumangging sumailamil sa karagdagang intubation.
- Ang pagsulong ng chronic pulmonary disease bilang napatunayan ng isa o mahigit pa sa mga sumusunod:
- Pagbaba ng timbang at mga palatandaan ng nutrisyon
- Ang hindi sinasadyang pagbaba ng timbang na ≥ 10 porsyento ng bigat ng katawan sa loob ng nakalipas na anim na buwan
- Kawalan ng gana sa pagkain o malubhang pagbaba ng timbang (cachexia)
- Pagbaba ng functional na kakayahan at pagdepende sa ADL
- Ang unti-unting pagsapit ng walang kakayahan na mag-isang magawa ang iba't ibang mga gawain ng pang-araw-araw na pamumuhay (activities of daily living o ADLs) o ang lumilimit na pangangailangan ng tulong sa mga ADL, na nagreresulta sa unti-unting pagsapit ng mas mababang katayuan ng pagganap
- Kasama sa activities of daily living (ADLs) ang kakayahang gawin ang mga sumusunod na gawain nang walang tulong mula sa iba:
- Pagligo
- Pagbibihis
- Pag-aayos
- Lumipat mula sa isang lugar patungo sa isa nang ligtas
- Pagbabanyo
- Kumain at Uminom
- Kasama sa activities of daily living (ADLs) ang kakayahang gawin ang mga sumusunod na gawain nang walang tulong mula sa iba:
- Ang unti-unting pagsapit ng walang kakayahan na mag-isang magawa ang iba't ibang mga gawain ng pang-araw-araw na pamumuhay (activities of daily living o ADLs) o ang lumilimit na pangangailangan ng tulong sa mga ADL, na nagreresulta sa unti-unting pagsapit ng mas mababang katayuan ng pagganap
- Mga layunin sa pangangalaga at desisyon na hindi ituloy ang paggagamot
- Pinili ng pasyente o ng kanilang healthcare proxy na ihinto ang mga paggagamot na naglalayong gumaling o baguhin ang sakit (hal., mekanikal na bentilasyon, mga agresibong gamutan gamit ang gamot).
- Ang paghinto sa paggagamot ay isang pangunahing kinakailangan sa Medicare hospice.
- Halimbawang senaryo: Ang isang pasyente na may progresibong pulmonary fibrosis ay nagpasyang ihinto ang lahat ng immunosuppressive therapy at tumangging magpa-ospital sa hinaharap.
- Pinili ng pasyente o ng kanilang healthcare proxy na ihinto ang mga paggagamot na naglalayong gumaling o baguhin ang sakit (hal., mekanikal na bentilasyon, mga agresibong gamutan gamit ang gamot).
Iba pang mga klinikal na salik na dapat isaalang-alang para sa pagiging karapat-dapat
- Cor pulmonale
- Patuloy na chronic oxygen therapy
- Resting tachycardia > 100/minuto
- Nakasalalay sa steroid
- Cyanosis
Mga suportadong abnormal na resulta ng laboratoryo
Habang ang mga pag-aaral na ito sa laboratoryo ay maaaring maging kapaki-pakinabang sa manggagamot kapag isinasaalang-alang ang pagiging angkop ng pasyente para sa VITAS hospice at mga serbisyo na palliative care, hindi kailangan ang mga ito para tanggapin ang pasyente.
- FEV1 ≤ 30 porsyento ng ipinapalagay na post-bronchodilator
- Ang serial na pagbaba ng FEV1 nang hindi kukulangin sa 40 ml/taon sa loob ng maraming taon
- PO2≤55sa hangin ng silid
- O2 sat. ≤ 88 porsyento sa hangin ng silid
- Paulit-ulit na hypercarbia (PCO2)≥50mm HG
Inihahandog ng VITAS ang mga patnubay na ito bilang isang nakatutulong na aparato. Ang mga ito ay hindi inilalaan bilang kapalit sa propesyonal na pagpapasiya ng isang doktor.
Mga uri ng pangmatagalang lung disease na maaaring magbigay-katwiran sa hospice care
Nagbibigay-tuon ang hospice care sa paggawa ng mga kinakailangan upang maging sulit ang buhay, gaano man kahaba iyon, sa pamamagitan ng pagbibigay-prayoridad sa kaginhawahan ng pasyente at matugunan ang mga sintomas, na kung saan kabilang ang pangangapos ng paghinga at pananakit. Kapag ang mga paggagamot na naglalayong gumaling o magpabuti ng kalagayan ay hindi na epektibo o hindi na matiis, at ang life expectancy ng isang pasyente ay anim na buwan o mas kaunti, ang mga chronic lung disease na ito ay maaaring mangailangan ng hospice care:
- Chronic obstructive pulmonary disorder (COPD)
- Emphysema
- Chronic bronchitis
- Bronchiectasis
- Pulmonary fibrosis
- Cystic fibrosis
- Tuberculosis
Nag-aalok ang VITAS ng dalubhasang programa sa hospice para sa mga pasyenteng may end-stage na COPD at iba pang lung disease
Ang kahirapan sa paghinga at ang pagkabalisa na kaungay nito ay dalawa sa pinaka-nakakabalisa na mga sintomas na nararanasan ng mga pasyenteng may lung disease. Madalas na magagamot ang mga ito sa pamamagitan ng kumbinasyon ng mga klinikal na therapy, parehong may kaugnay na paggamit ng droga at walang ginagamit na droga, pati na rin ang indibiduwal na 24-oras na suporta na ibinibigay ng hospice. Kabilang sa plan of care ng VITAS para sa end-stage lung disease ang:
- Komprehensibong pagsusuri ng lahat ng mga miyembro ng interdisciplinary team
- Pagpaplano ng pag-aalaga bago magka-emergency na katugma sa mga pangangailangan at layunin ng pasyente
- Ang pagbigay ng tulong na maaaring mayroon o walang kasamang gamot upang mabawasan ang kaganapan ng kahirapan ng paghinga
- 24-oras na pagtugon sa pagsapit ng kahirapan sa paghinga sa pamamagitan ng isang pinasadyang pang-emergency na pamamaraan
- Ang mga layunin ng pag-aalaga ay nakatuon sa pagpapabuti ng quality of life ng pasyente
Ang Palliative care ay isang opsyon na maaaring isaalang-alang kung hindi kasalukuyang natutugunan ng iyong pasyente ang mga panuntunan sa pagiging karapat-dapat o hindi pa handa para sa hospice care.