Ang Hospice Ay Isang Solusyon sa Pangangalaga sa Mga Residenteng nasa Mga Komunidad sa Pamumuhay ng Matatanda (SLC)
Kapag kinakailangan ng mga residente ng mga komunidad sa pamumuhay ng matatanda (SLC) ang isang dalubhasa o may kasanayang nursing care, ang hospice ay isang kapaki-pakinabang na solusyon sa pangangalagang pangkalusugan para sa pasilidad at mga residente.
Ang Hospice ay isang partikular na kapaki-pakinabang na opsyon kung iniaatas ng mga patakaran ng estado o SLC na ang mga residenteng mayroong malubhang karamdaman o kaya ay malapit na sa katapusan ng buhay ay ilabas para sa isang mas mataas na level ng pangangalaga, sa loob man o sa labas ng SLC.
Hospice care sa SLC:
- Nagpapanatili ng daloy ng reimbursement/bayad sa pasilidad para sa mga non-hospice services
- Sinusuportahan ang pagtanda ng tao sa kanyang kinalalagyan sa pamamagitan ng direktang paghahatid sa mga residente ng SLC ng iba't ibang hospice services - ang medikal, emosyonal, at espirituwal na mga serbisyo
- Iniiwasan ang paglipat sa ibang lugar o ang nakakapinsala at posibleng nakakahamak na transisyon ng pangangalaga kapag malapit na ang katapusan ng buhay, at siyang nagpapabuti sa emosyonal at pinansyal na kahirapang dinaranas ng residente at pamilya
Ang Maayos at Tuloy-tuloy na Transisyon sa Hospice ay Nagbibigay-suporta sa Mga Residente, Pamilya at Staff ng SLC
Pinanatili ng referral sa hospice na ang mga residenteng nasa pangangalaga para katapusan ng buhay (end-of-life care) sa SLC ay magkaroon ng dalubhasa o may kasanayang medikal/psychosocial care at karagdagang personal care na ibinibigay ng hospice team. Sa pamamagitan ng ibinibigay na pangangalaga ng VITAS na nakatuon sa comfort at mga kagamitan at mga panustos o supply na tumutugon sa diagnosis ng hospice, ang mga residente ay nananatiling nasa pamilyar na kapaligiran, habang ang SLC ay nagpapatuloy sa pagbibigay ng mga serbisyo na hindi nauugnay sa hospice.
Sa panahon ng ebalwasyon ng mga residente, pamilya at staff ng SLC, tutukuyin ng isang nars para sa admisyon sa hospice kung anu-anong mga serbisyo ang ibinibigay na ng SLC at alin pang karagdagang mga serbisyo o panustos ang kailangan para manatiling comfortable ang mga residente sa pasilidad. Ang mga serbisyo ng SLC (kung minsan ay available nang may dagdag na gastos o bayad) ay maaaring kabilangan ng housekeeping, suporta ng katulong, o administrasyon/pangangasiwa ng paggamot
Ang mga Residente ng SLC ay Nakikinabang sa Kadalubhasaan, Kagamitan, Mga Panustos, at 24/7 na Pangangalaga ng Hospice
Nagbibigay ang hospice team ng mga karagdagang antas ng suporta na nauugnay sa diagnosis ng residente, kasama ang:
- Pangangalaga sa SLC sa pamamagitan ng regular na nakaiskedyul na pagbisita mula sa mga miyembro ng interdisciplinary hospice team: nurse, aide, doktor, social worker, kapilyan, at boluntaryo
- Sa tulong ng attending physician, pangangasiwaan ng hospice nurse at doctor ang medikal na pangangalaga at ia-update nila ang plano sa pangangalaga ng residente, ayon sa kinakailangan
- Tutugunan ng hospice aide, social worker, kapilyan, at boluntaryo ang mga pangangailangan sa personal na kalinisan, emosyonal na pangangailangan, at espirituwal na pangangailangan ng residente.
- Napapanahong paghahatid ng mga medikal na kasangkapan sa residente, tulad ng hospital bed, wheelchair, walker, upuang arinola, mga gamot, at iba pang mga supply.
- Kapag mayroon nang referral sa hospice, karaniwang sinusuportahan ng VITAS ang pagbabago ng paraan ng pag-aalaga sa loob ng 24 oras.
- Tulong mula sa isang social worker ng hospice, na makakatulong sa mga benepisyo sa insurance o koneksyon sa iba pang mga resource ng komunidad
- Naghahandog ang VITAS ng dalubhasang pangangasiwa ng sintomas para mapabuti ang karanasan ng residente. Posibleng kasama sa mga modality ang high-flow oxygen, pangangalaga sa sugat, pamamahala ng fluid, at iba pang mga pinagsamang serbisyo.
- Patuloy na suporta para sa mga pag-uusap tungkol sa mga layunin ng pangangalaga, advance na care planning, at mga advance na direktiba para malaman kung ano ang nauunawaan ng mga residente tungkol sa kanilang diagnosis, mga sintomas, at prognosis, at para matulungan silang matukoy ang kanilang mga layunin, pinahahalagahan, at kahilingan para sa end-of-life care habang humihina ang kanilang kalusugan
- Suporta sa panahon ng kamatayan, kasama ang pakikipag-ugnayan sa doctor at paglilipat ng labi sa funeral home
- Tulong para sa pamilya pagdating sa mga pagsasaayos ng libing
- Napapanahon na lagda ng doktor sa sertipiko ng kamatayan
- Espirituwal na suporta at pastoral na pangangalaga mula sa isang hospice chaplain
- (Bereavement support) Suporta sa mga naulila para sa pasyente, pamilya at staff ng SLC mula sa at hanggang 13 buwan pagkatapos ng kamatayan
Ang Hospice care ay isang nagagawang solusyon para sa end-of-life care sa setting ng SLC, isang solusyon na nagbibigay ng mga benepisyo sa mga SLC sa paraang hindi mapagkumpitensya at nakapagbibigay sa mga residente ng katiyakan na sila ay nananatili sa bahay o lugar (kung saan nila nais na manatili) para sa end-of-life care.
- Papaano makakatulong na mabawasan ng VITAS ang dami ng beses na pagpapadala sa ED at ang mataas na posibilidad na muli silang ma-ospital? Sa pamamagitan ng paglipat ng napaka-delikado at nagiging delikado na mga residente ng inyong ALF sa VITAS, makapagbibigay kami ng dalubhasang, lubos na matalinong pangangalaga na nakapagbabawas ng posibilidad na muli silang kailangang bumisita sa ospital o emergency department. Dinadala namin ang hospice care sa inyong residente.
- Ang aming staff ay parating naghahanap ng mga bagong kaalaman, at nangangailangan sila ng propesyonal na edukasyon. Makakatulong ba ang VITAS? Nagbibigay ang VITAS ng halos 70 na patuloy na edukasyon na mga paglalahad nang walang bayad.
- Kapag nakikita namin ang isang residente na tumatanggi, nais naming talakayin ang mga opsyon ng kanilang pamilya. Paano tayo magsisimula? Bilang iyong kapartner sa pangangalaga, ang VITAS ay maaaring magbigay ng mga panimulang pag-uusap na maibabahagi ng mga pamilya.
- Ang pagkakasakit at pagkamatay ay mahirap tanggapin para sa aming staff. Nakikilala namin at napapamahal kami sa aming mga residente. Paano makakatulong ang hospice? Naghahandog kami ng suporta sa pangungulila at kalungkutan, mga bagay na pang-alaala at edukasyon upang matulungan ang mga residente at staff na magdalamhati at makayanan ang pagkawala.
- Paano pinapanatili ng clinical expertise ng VITAS ang mga residente sa aking pasilidad? Isa sa mga layunin ng hospice care ay ang pagpapanatili sa lugar ng residente, at ginagawa iyon ng aming mga coordinated service.
- Paano tayo matutulungan ng VITAS na mapanatili ang ating kalamangan sa pakikipagkompitensya? Ipinagmamalaki ng VITAS na mag-alok ng maraming iba't ibang specialized care program at mga benepisyo.
- Paano nilulutas ng VITAS ang pain management? Sa VITAS, ang pangangasiwa sa sakit ng mga residente ang pinaka-layunin.
- Mababawasan ba ang kinikita ng aking komunidad kung sakaling pinili ng isang residente ang hospice care? Patuloy na magbabayad ang inyong residente ng kanilang normal na bayaran sa komunidad. Ang mga karagdagang serbisyo na ibinibigay ng hospice, tulad ng mga gamot, supply, at matibay na mga medikal na kagamitan na may kaugnayan sa karamdamang walang lunas, ay maaaring makatulong na panatilihin ang mga pondo ng residente upang sila ay makapagpatuloy na magbayad para sa pangangalaga sa inyong komunidad at manirahan diyan sa pinakamatagal na posibleng panahon.