Papaano Namin Tinutulungan ang mga Ahensiya ng Pag-aalaga ng Kalusugan sa Bahay
Habang tumatagal ang haba ng buhay ng mga Amerikano, ang mas maraming dami sa kanila ay magkakaroon ng maraming malulubhang kalagayan, tulad ng dementia, sakit sa puso, malubhang lung disease at limitado o humihinang kakayahang makagawa ng mga bagay nang mag-isa.
Ang pag-aalaga ng kalusugan sa bahay ay angkop para sa mga pasyente na hindi lumalala ang kalagayan o kaya ay bumubuti. Ngunit ang paglala ng pasyente ay nakababalisa sa lahat ng tao, lalo na kung ito ay may kasamang paulit-ulit na pagka-confine sa ospital o pagkabigo na makamit ang mga hinahangad ng therapy.
Ang VITAS ay isang positibong solusyon sa ganitong uri ng kahirapan sa pag-aalaga ng kalusugan sa bahay. Ang inyong pasyente ay itinataas sa angkop na antas ng pag-aalaga para sa mas mabuting quality of life, at nakakakita ang ahensiya ng mas mataas na mga satisfaction score, mas kakaunting kaganapan ng readmission, at nabawasan ang mga partial episode payment.
-
Ano ang itsura ng isang pasyente na karapat-dapat sa hospice?
Ang inyong mga pasyente sa pag-aalaga ng kalusugan sa bahay ay maaaring handa na para suriin kung sila ay angkop sa hospice kapag hindi sila nagpapakita ng mga katangian na sila ay bumubuti.
Bagama't ang mga sintomas ay magkakaiba para sa iba't ibang tao, maaaring kabilang sa mga ito ang:
- Hindi nakokontrol o mas lumalalang pananakit
- Progresibong pagsama ng kalagayan kahit na bigyan ng pinakamataas na antas ng mga medikal na therapy
- Mas malalang kahirapang huminga
- Mas malalang kahirapang lumunok
- Progresibong edema (pamamaga)
- Hindi nakokontrol na pagkahilo/pagsusuka
- Pangangailangan ng oxygen
- Progresibong pagbaba ng timbang
- Progresibong problema sa bato
- Madalas na impeksyon
- Malimit na ma-confine sa ospital
- Nakaratay sa kama
- Matinding kahinaan, pagkapagod
-
Ano ang mga benepisyo ng hospice care para sa pasyente?
Sinusuportahan ng hospice services at palliative care ang pisikal, emosyonal at espirituwal na mga pangangailangan ng pasyente.
Mananatili ang pasyente sa bahay, at maaaring i-adjust ng VITAS ang antas ng pag-aalaga ayon sa mga pangangailangan ng pasyente. Mananatili ang quality of life ng pasyente at ang kanyang kontrol sa pang-araw-araw na mga desisyon sa pinakamatagal na posibleng panahon.
Naghahandog din ang VITAS ng:
- Isang interdisciplinary team na binubuo ng isang nurse, social worker, doctor, chaplain at hospice aide, at sinusuportahan ng mga serbisyo ayon sa pangangailangan para sa pinakamabuting pag-aalaga.
- Kapag medically necessary, nagbibigay ang VITAS ng pag-aalaga nang hanggang sa 24 oras sa isang araw upang mapamahalaan ang mga sintomas ng pasyente sa bahay.
- Makakapagpatuloy na magbigay ng pag-aalaga ang VITAS sa mga pasyenteng naka-admit sa mga assisted living community at nursing home at maaaring magsimula ng pag-aalaga sa kasalukuyang mga residente.
- Ang pag-aalaga ay maaaring ibigay sa isang inpatient na sitwasyon sa isang maiksing panahon upang mapamahalaan ang hindi nakokontrol na mga sintomas o upang mabigyan ang pamilya ng kaginhawahan.
- Ang mga de-reseta at over-the-counter na mga gamot na may kaugnayan sa diagnosis ng hospice ay ibinibigay nang walang bayad sa pasyente.
- Ang lahat ng kagamitan at mga supply na may kaugnayan sa diagnosis ng hospice ay ibinibigay at ito ay sakop na 100 porsyento.
- Ikinokonekta ng VITAS' 24/7 Telecare® service ang mga pasyente at ang kanilang mga tagapag-alaga sa mga doktor sa hospice na siyang madaling mapag-aaralan ang elektronikong impormasyon tungkol sa pasyente.
- Ang counseling sa mga nangulila dahil sa pagpanaw ng kanilang mahal sa buhay ay isang mahalagang bahagi ng serbisyo sa mga pamilya nang hindi kukulangin sa isang taon pagkalipas ng kamatayan.
- Mayroon ding mga bihasang boluntaryo na makapagbibigay ng suporta sa pasyente at pamilya.
- Tumatanggap ng Medicare, Medicaid/Medi-Cal, pribadong insurance at iba pang uri ng reimbursement ang VITAS para sa kanyang mga hospice services.
-
Papaano matutulungan ng VITAS ang aking ahensiya?
Nakikipagtulungan ang VITAS sa mga ahensiya at sa namamahalang doktor na may mga pasyenteng maaaring angkop sa pagsusuri upang malaman kung sila ay karapat-dapat sa hospice.
Ang mga ahensiya na maagang nag-refer ng mga lumalalang pasyente sa VITAS para sa hospice care ay maaaring makaranas ng ilan sa mga sumusunod na benepisyo:
- Naaangkop na ikalawang lugar para sa pag-aalaga
- Pagbibigay ng tulong upang makamit ang isang mas balanseng case mix
- Mas mabuting Home Health Compare na mga grado at antas ng kasiyahan
- Pagsunod sa mga grupo ng akreditasyon
-
Sino ang umo-order ng hospice?
Kahit sino ay maaaring humiling ng pagtatalakayan tungkol sa hospice.
Ang isang pamilya ay maaaring humiling ng pagsusuri para sa hospice kung ang pasyente ay nakatira sa isang pribadong tirahan, bagama't ang isang miyembro ng admissions team ng VITAS ay kinakailangang gumawa ng pagsusuri at makipag-usap sa pangunahing doktor ng pasyente upang masiguro na nakakamit ng pasyente ang pederal na mga patnubay ukol sa pagiging karapat-dapat sa hospice.
Para sa mga pasyenteng nakatira sa isang acute o post-acute na pasilidad, ang isang order ng doktor ay kinakailangan para sa isang pagsusuri at order sa hospice.Maaaring gumawa ng mga referral sa anumang oras sa pamamagitan ng pagtawag sa 866.41.VITAS o sa pagbisita sa VITAS.com/referrals. Kinakailangan mong magbigay ng pangunahing impormasyon tungkol sa pasyente; isang manggagamot ng VITAS admissions ay mag-iinterview sa pasyente at/o pamilya, kokontakin ang doctor at tatanggapin ang pasyente, kung kuwalipikado.
-
Ano ang kaibahan ng mga serbisyo ng VITAS sa mga serbisyo ng pag-aalaga ng kalusugan sa bahay?
Ang hospice ay para sa mga pasyente na malapit na sa katapusan ng buhay, habang ang pag-aalaga ng kalusugan sa bahay ay para sa mga pasyente na may anumang prognosis.
Ang hospice care ay comfort care para sa mga pasyenteng may prognosis ng anim na buwan o mas maikli kung ang kanilang sakit ay magpapatuloy ng natural na pagsulong nito, na sertipikado ng isang doktor.
Ang mga serbisyong home health ay dinadala sa mga pasyente na nangangailangan ng walang tigil na mahusay na nursing care, physical therapy, mga serbisyo ng speech-language pathology o patuloy na occupational services, na iniutos ng kanilang doktor. Ang progreso ng pasyente ay dapat na dokumentado.