Mga Doktor at Hospice: Isang Partnership para sa Mga Pasyente

Sa VITAS app, mabilis, ligtas at simple ang mga referral.

Hospice bilang Bahagi ng iyong Tuloy-tuloy na Pag-aalaga

Pinangangasiwaan ng VITAS Healthcare ang pangangalaga at mga kahirapang nararanasan ng mga pasyenteng napaka-delikado't maraming kinakailangan, na siyang nagreresulta sa isang bukod-tanging pangangalagang pangkalusugan para sa mga nakatatandang karapat-dapat para sa hospice.

Nagsisilbi bilang isang pagpapatuloy ng iyong pangangalaga, nirerespeto at sinusunod ng VITAS ang mga layunin, pinahahalagahan, at ninanais ng mga pasyente para sa pangangalaga. Kabilang sa lahat ng mga plano ng pangangalaga ng VITAS ang lahat ng bagay na kinakailangan upang masiguro na ang mga pasyente ay mamatay sa lugar na kanilang ninanais (hal., sa bahay).

At pinabubuti naman ng pangangalagang ito ang mga pagsukat na may kaugnayan sa kalidad at kasiyahan sa pangangalaga kapag naganap ang kamatayan habang tumatanggap ng mga hospice services ang pasyente. Binabawasan din nito ang mga hindi kinakailangang pagpapa-ospital at pagbisita sa ED, at pinananatili ang iyong pasyente sa bahay, kung saan nila ninanais.

VITAS: Eksperto sa Mga Transisyon sa Pangangalaga

Ang dumaraming mga kumplikasyong nararanasan ng mga pasyenteng may malubhang karamdaman ay nagreresulta sa isang pinataas na dami ng pangangailangan para sa isang team sa pag-aalaga na paunang mag-koordina ng pangangalaga batay sa bawat indibidwal na pasyente.

Ito ang pamamaraan ng interdisciplinary team​​​​​​​ na ginagamit ng VITAS. Ang pangangalagang aming kino-coordinate ay higit pa sa klinikal na aspeto: kabilang din dito ang sikolohikal, pang-edukasyon, at holistic na pangangalagang ibinibigay ng mga espesyalista sa malubhang karamdaman.

Nagsisilbi ang VITAS bilang ang isang bagay na may pananagutang masiguro ang pinagsama-samang pangangalaga ng aming mga pasyente. Nangangahulugan nito ay mayroon kaming pananagutan na ipamahagi ang impormasyon sa mga pangunahing tagapaglaan ng pangangalaga ng aming mga payente, panatilihing nabibigyan ng impormasyon ang aming mga pasyente at pamilya, pinamamahalaan ang napapanahong paglipat mula sa magkakaibang kinalalagyan ng pangangalaga, at makapagbigay ng tamang pangangalaga sa tamang lugar at sa tamang panahon.

Bilang karagdagan pa, mayroong pangkat ng dedikadong mga kinatawan ang VITAS na nagbibigay ng pinasadyang mga antas ng serbisyo at pag-uulat base sa mga pangangailangan ng iyong practice.

Ang aming layunin ay upang makapagbigay ng ligtas, epektibo, at komprehensibong pangangalaga sa bahay at para maiwasan ang hindi kinakailangan at nakapagpapahirap na mga pagbisita at pagpapa-admit sa ospital.

Kailan ang tamang Oras na I-refer ang isang Pasyente sa Hospice?

Maaaring maging partner ng VITAS ang mga doktor

Isaalang-alang ang hospice kung nakakamit ng pasyente ang 2 o higit pa:

  • Naka-depende sa 2-3 ng 6 mga ADL
  • SOB o pagkapagod habang hindi kumikilos/pinakamababang antas ng paggalaw
  • Maraming beses na pagbisita sa ED o pagpapa-ospital
  • 10% na kawalan ng timbang sa loob ng 6 buwan
  • Paulit-ulit na pagbagsak na nagreresulta sa pagkapinsala
  • Nabawasang kakayahan na makayanan ang pisikal na aktibidad

Ang Medicare Hospice Benefit ay isang 6-buwang benepisyo, ngunit ang kalagitnaang tagal ng pananatili sa hospice ay 17 araw lamang. Sinusuportahan ng VITAS ang napapanahong paggamit ng hospice care sa buong haba ng pinaka-karaniwang sanhi ng pagkamatay sa US-heart disease, cancer, lung disease at dementia. Ang mga pasyenteng na-diagnose na mayroong isa o higit pa sa mga kalagayang ito ay lubos na makikinabang sa mataas na kalidad na end-of-life care.

Ang lahat ng mga pasyenteng karapat-dapat para sa hospice ay dapat mabigyan ng pagkakataong makakuha ng hospice sa isang paraan-at para sa isang haba ng panahon-upang sila ay lubos na makinabang mula sa natatanging modelo ng pangangalaga na ito.

Pinabababa ng Napapanahong Pagpapa-hospice ang ​​​​​​​Halaga ng Gastos sa Pangangalagang Pangkalusugan

Natagpuan ng isang pag-aaral na isinagwa ng NORC mula sa University of Chicago na sa huling taon ng buhay, ang mga pagtigil sa hospice nang anim na buwan o mahigit pa ay nagdaragdag ng halaga sa Medicare1.

  • Para doon sa mga nanatili nang 6 buwan sa hospice sa huling taon ng kanilang buhay, ang halagang nagastos ay mas mababa nang 11% kung ikukumpara sa isinaayos na paggastos ng mga benepisyaryong hindi gumamit ng hospice.
  • Para sa 90% ng mga nasa hospice na sinuri, ang halaga na ginastos sa hospice ay kulang pa sa kalahati ng kabuuang gastos sa pangangalaga.

Mga Partikular na Panuntunan sa Sakit para sa Pagiging Karapat-dapat ng Hospice

Mukhang hindi pasyenteng may end-stage COPD ang isang cancer patient na posibleng handa na sa hospice services. Talagang iba't iba ang mga palatandaan ng kanilang klinikal na paghina.

Ang VITAS ay nagbibigay ng mga alituntunin sa pagiging karapat-dapat sa hospice para sa mga pinakamadalas na diagnosis. Makikita mo ang mga ito sa aming mobile app.

  • ALS-Dalawang salik ang mahalaga sa pagtukoy ng prognosis: kakayahang huminga at kakayahang lumunok.
  • Alzheimer's at dementia-Kung hindi na nakakapag-ikot, nakakapagbihis, nakakapaligo, at nakakapagsalita ang iyong pasyente, posibleng karapat-dapat sila para sa hospice care.
  • COPD at sakit sa baga-Pansinin ang pagkakaroon ng dyspnea habang nagpapahinga o nang may kaunting pagpilit.
  • Sakit sa puso-Kasama sa mga katangian ang NYHA Class III o IV.
  • HIV at AIDS-May mababang CD4 counts at mas mababang performance sa KPS scale ang iyong pasyente.
  • Liver disease-Pansinin ang pagkakaroon ng hindi nawawalang sintomas ng pagpalya ng atay.
  • Oncology-Ang pinakamalaking tagatukoy ay ang functional na status ng iyong pasyente sa ECOG scale o PPS.
  • Renal disease-Karapat-dapat ang sinumang pasyenteng hindi pinili ang rehabilitative dialysis.
  • Sepsis at concomitant end-state disease-Karapat-dapat ang sinumang pasyente na may malubhang karamdaman at klinikal na kumplikasyon ng sepsis.

Makipag-ugnayan sa amin upang malaman kung papaano kayo matutulungan ng VITAS na mapangalagaan ang inyong pasyente.

Ang Inyong Responsibilidad Bilang Attending Physician

Sa VITAS, maaari kang makilahok sa end-of-life care ng iyong mga pasyente ayon sa iyong pagnanais, at depende sa iyong pagkakaroon ng oras para doon.

Nakadepende ang mga plano sa pangangalaga ng VITAS sa pag-apruba ng attending physician. Kapag nag-refer ka sa hospice ng isang pasyente na siya namang nagtalaga sa iyo bilang ang attending physician, maaari mong panatilihin ang kontrol at paninigil para sa pangangalagang iyong ibinibigay na kaugnay sa terminal na diagnosis.

Bilang ang attending physician para sa (mga) pasyenteng iyong ini-refer sa VITAS para sa mga hospice services, isa kang mahalagang bahagi ng aming interdisciplinary team, na siyang may pangkalahatang responsibilidad para sa pangangasiwa at pagbibigay ng hospice na pangangalaga sa mga pasyenteng ito. Aasikasuhin ng VITAS ang anumang mga emergency na maganap pagkatapos ng regular na oras ng trabaho.

Upang makapagbigay ng hospice care sa inyong mga pasyente, kinakailangang makatanggap ang VITAS ng, sa panahon na na-admit ang pasyente sa hospice care, isang sertipikasyon na, base sa inyong klinikal na kadalubhasaan, ang prognosis ng pasyente ay para sa life expectancy na anim na buwan o kulang pa kung ang karamdamang walang lunas ay magpatuloy sa kanyang normal na kurso.

Makipag-ugnayan sa amin upang malaman kung papaano kayo matutulungan ng VITAS na mapangalagaan ang inyong pasyente.

1NORC at the University of Chicago (2023). Value of Hospice in Medicare. Matatagpuan sa: https://www.nhpco.org/wp-content/uploads/Value_Hospice_in_Medicare.pdf

Kuhanin ang PDF: Ang Medicare Hospice Benefit

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.