Papaano Namin Natutulungan ang mga Practice ng Doktor

Bilang isang pinuno ng hospice, dinadala ng VITAS ang aming mga serbisyo sa inyong mga pasyente kapag lubos na kinakailangan nila kami-kapag ang mga pamamaraan ng paggagamot ay hindi na positibong nakaaapekto sa kanilang quality of life. 

Ang mga serbisyo ng VITAS ay naka-base sa pagpapadala ng lubos na mahusay na pangangalaga sa mga pasyenteng may malubhang karamdaman: 

  • Natatanging mga pamamaraan ng pangangalaga at pinagtugmang mga plano ng pangangalaga na naka-base sa mga pangangailangan ng pasyente
  • Epektibong pangangasiwa ng pananakit at sintomas na idinesenyo para masiguro ang kaginhawahan ng pasyente 
  • Ang pangangalaga ay ibinigay sa pinaka-kumportable at lubos na nararapat na kapaligiran
  • Regular na mga pagbabalita sa doktor tungkol sa katayuan at kalagayan ng pasyente at pinasadya base sa kalagayan upang maitugma sa mga pangangailangan ng bawat isang doctor
  • Ang mga plano ng pangangalaga ng VITAS ay depende sa pag-apruba ng attending physician o ng following physician at kinasisiyahan at tinatanggap ang kanilang anumang nais sabihin tungkol sa pangangalaga

Ang aming staff ay nakatuon na mahanap ang pinakamabuting paraan ng pangangalaga ng pasyente at gawing unang prayoridad ang mga pangangailangan ng mga pasyente at mga pamilya.

Ang aming mga dalubhasang care team, kabilang ang mga doktor na sinanay sa palliative care, sertipikadong mga nurse sa hospice at mga hospice aide, ay nakatuon sa pagpapadala ng mabuting pangangalaga sa pasyente.

Ang Aming End-of-Life Care na Modelo

Ang makabagong modelo ng end-of-life care ng VITAS ay nakikita rin sa patuloy na pananaliksik na ginagawa ng kumpanya tungkol sa: 

  • Epektibong mga pamamaraan ng pag-kontrol ng pananakit 
  • Mga sariling tool at protocol kabilang ang pain prescription drugs, paraan ng hospice sa pangangalaga ng sugat at elektronikong talaan ng pasyente 
  • Natatanging mga programa ng pangangalaga para sa mga diagnosis tulad ng malalang cancer, chronic obstructive pulmonary disease, congestive heart failure, kidney disease, liver disease, AIDS, sakit na Alzheimer at iba pang neurological na mga kundisyon 
  • Natatanging pagsasanay at formal credentialing ng lahat ng mga staff na kaugnay sa pangangalaga ng pasyente 

Ang aming modelo ng pangangalaga ay nagreresulta sa mga pambansang kinalalabasan na siya mismong nagpapakita kung gaano siya ka-epektibo. 

Maaaring maging partner ng VITAS ang mga doktorPinakamahalaga sa lahat, ang klinikal na pamumuno at kadalubhasaan ng VITAS ay nagpapabuti ng quality of life para sa mga pasyente na may malubhang karamdaman sa pamamagitan ng pagbigay ng pinaka-angkop at pinasadyang mga customized care at epektibong pain management na makukuha ngayon. 

Sopistikadong mga Sistema ng Teknolohiya at mga Kagamitan

Kasama ng isa sa mga pinaka-sopistikadong sistema ng information technology sa larangan ng hospice, maaaring ipasadya ng VITAS ang mga pag-uulat para sa bawat indibidwal na doktor sa pamamagitan ng pagkolekta at pagsasaayos ng data habang gumagamit ng iba't-ibang mga pamamaraan ng pagsukat. Pinapayagan rin kami ng aming mga kagamitan sa information technology na mapag-aralan ang mas marami pang klinikal na data tungkol sa mas maraming mga hospice patients kung ikukumpara sa alinmang iba pang mga provider. 

Ang mga serbisyo na tulad ng aming pambansang Care Connections Centers ay maaaring magamit sa lahat ng panahon, pagkatapos ng regular na oras ng trabaho, kapag Sabado't Linggo at mga piyesta opisyal, at ang kakayahan ng aming online referral ay naghahandog ng madaliang mga benepisyo na may uri ng kahalagahan na isinasalarawan ng matataas na mga satisfaction score mula sa pasyente/pamilya. 

Naghahandog ang VITAS ng maraming mga kagamitan na maaaring ituring ng mga doktor na makakatulong sa: 

  • Pagtatasa ng limitadong life expectancy at pagiging karapat-dapat sa hospice 
  • Pagbibigay ng masamang balita sa mga pasyente at mga pamilya at makapagsimula ng pakikipag-talakayan tungkol sa mga opsiyon para sa end-of-life care 
  • Paggawa ng desisyon tungkol sa kung ano ang klinikal na nararapat para sa antas na hospice care sa inpatient o Intensive Comfort Care® (patuloy na pangangalaga sa bahay) 
  • Paniningil para sa mga serbisyo ng attending physician na nangangasiwa ng plano ng pangangalaga na ibinigay sa mga benepisyaryo ng Medicare hospice 
  • Pagkukumpara ng mga hospice services ng VITAS sa tradisyonal na pangangalaga ng kalusugan sa bahay bilang isang opsyon para sa inyong pasyente

Ang Inyong Responsibilidad Bilang Attending Physician

Bilang attending physician para sa (mga) pasyente na inyong ini-refer sa VITAS para sa hospice services, kayo ay isang mahalagang miyembro ng aming interdisciplinary team, na siyang may pangkalahatang responsibilidad para sa pamamahala at pagbibigay ng hospice care sa mga pasyenteng ito.

Upang makapagbigay ng hospice care sa inyong mga pasyente, kinakailangang makatanggap ang VITAS ng, sa panahon na na-admit ang pasyente sa hospice care, isang sertipikasyon na, base sa inyong klinikal na kadalubhasaan, ang prognosis ng pasyente ay para sa life expectancy na anim na buwan o kulang pa kung ang karamdamang walang lunas ay magpatuloy sa kanyang normal na kurso.

Bilang ang attending physician, kayo ay magkakasamang may pananagutan kasama ng doctor ng VITAS at ng interdisciplinary team para sa pagtatatag, pagsusuri at pagbabago ng inyong plan of care para sa pasyente. Regular kayong kukunsultahin tungkol sa inyong plan of care para sa pasyente sa hospice at hinihikayat na sumali sa mga pagpupulong ng interdisciplinary team ng VITAS. 

Handa na ba ang inyong pasyente para sa hospice?

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.