VITAS Advantage: Case Study Tungkol sa Mga Komplikadong Modality para sa Mga Pasilidad sa Pangangalaga na Pangmatagalan
Case Study sa VITAS: Pasyenteng may Malubhang Leukemia
Si TS*, isang 80 taong gulang na residente ng nursing home na may malubhang leukemia, ay nakaramdam ng matinding pagkapagod kasunod ng anemia. Hindi na magagawa ng matanda na ring asawa ni TS na alagaan siya sa bahay.
Batay sa isang konsultasyon sa pagitan ng oncologist ni TS, ng kanyang asawa, at ng medical director ng pasilidad, ipinadala si TS sa lokal na ospital bilang hindi naka-admit na pasyente para sa pagsasalin ng dugo at pinabalik sa kanyang nursing home noong araw ring iyon, nang nasa hospice care pa rin.
Kasama sa kanyang plano ng pangangalaga ang mga regular na pagbisita mula sa isang hospice team at pangangalaga sa kaginhawahan sa tabing-kama sa pamamagitan ng oxygen/respiratory therapy at maraming-uri ng pain management. Dinadagdagan ng mga hospice team ang pangangalagang ibinibigay ng pasilidad at tinuturuan nila ang mga miyembro ng staff tungkol sa end-of-life care.
Iginugol ni TS ang mga huling apat na buwan ng kanyang buhay sa hospice care sa kanyang nursing home, kung saan pumanaw siya nang mapayapa kasama ang kanyang asawa at adult na anak sa kanyang tabing-kama.
*Tinutukoy ng mga inisyal na ito ang isang hindi makikilalang pasyente at ginagamit lamang para sa mga layunin ng pagbibigay ng impormasyon.
Dumarami ang Paggamit ng Hospice Para Doon sa mga Pasyenteng may Leukemia, at Pinapahusay nito ang Kalidad ng Buhay
Isang lumalaking proporsyon ng mga benepisyaryo ng Medicare na may leukemia-kasama ang mga nakatira sa mga pasilidad ng pangangalaga na pangmatagalan-ay naka-enroll sa hospice sa nakalipas na dekada at napag-alaman na mas hindi malamang na mamatay sa ospital o makatanggap ng chemotherapy malapit sa kamatayan kung ikukumpara sa mga pasyenteng may leukemia na wala sa hospice.
Makikita sa data na pinahusay ng hospice care ang kalidad ng buhay at pinababa ang posibilidad ng pagkamatay sa ospital ng mga pasyenteng may leukemia, pero kalahati lang ng mga kwalipikadong pasyente sa populasyong ito ang gumagamit ng mga hospice services. Bilang karagdagan, napapanatiling maikli ang tagal ng pananatili sa hospice, lalo na sa one-fifth ng mga pasyenteng nakadepende sa mga pagsasalin ng dugo, ayon sa isang 2017 na pag-aaral na inilahad sa American Society of Hematology (ASH) at inilathala sa Blood, ang journal nito.
"Bagama't mukhang tumataas ang paggamit ng hospice sa mga leukemia, mas madalang na gumagamit ng palliative care at mga hospice services sa katapusan ng buhay ang mga pasyenteng may mga cancer sa dugo kung ikukumpara sa mga may solidong tumor," ayon sa mga may-akda. "Ipinapahiwatig din ng mas maikling panahon sa hospice ng mga pasyenteng nakadepende sa pagsasalin ng dugo na ang pangangailangan sa suporta sa pagsasalin ng dugo ay maaaring lubos na makaantala sa pag-enroll sa hospice."
Sa pamamagitan ng naka-link na database ng Surveillance, Epidemiology, and End Results (SEER)-Medicare, sinuri ng mga tagapagsiyasat ang data ng 21,076 na mga benepisyaryong may acute o chronic na leukemia (median na edad, 79 taong gulang; babae, 44%; acute na leukemia, 46%) na namatay sa pagitan ng 2001 at 2010. Tinukoy ang pagdepende sa pagsasalin ng dugo bilang pagtanggap ng dalawa o mahigit pang pagsasalin ng dugo nang hindi bababa sa limang araw ang pagitan sa loob ng 30 araw bago ang pagkamatay o pagka-enroll sa hospice.
Sa lahat ng mga pasyenteng may leukemia:
- Tumaas ang paggamit ng hospice mula 35% patungo sa 49% simula 2001 hanggang sa 2011 (P < .0001).
- Gayunpaman, ang median na tagal ng pananatili sa hospice ay 9 araw lang.
- Bumaba ang pagkamatay ng inpatient (mula 51% patungo sa 38%), gayundin ang pagtanggap ng chemotherapy sa loob ng 14 araw ng pagkamatay (mula 15% patungo sa 10%).
- 20% ng mga pasyenteng may leukemia ay nakadepende sa pagsasalin ng dugo.
Napag-alaman na pinapahusay ng hospice care ang kalidad ng karanasan ng katapusan ng buhay ng pasyente. Ang mga pasyenteng may leukemia na nakatanggap ng mga hospice services ay nagkaroon ng lubos na pinagbuting mga performance score sa pagsusukat ng may kalidad ng na pangangalaga sa katapusan ng buhay kung ikukumpara sa mga hindi nakatanggap ng hospice care.
Ang mga pasyenteng may leukemia sa hospice ay nagkaroon ng:
- Higit na mas mababang posibilidad ng pagkamatay sa ospital (3% vs 75%)
- Mas kakaunting posibilidad na tumanggap ng chemotherapy sa mga natitirang 14 araw ng buhay (5% vs 16%)
- Mas mababang rate ng gastos sa Medicare sa katapusan ng buhay ($7662 vs $17,783)
Bagama't ang mga pasyenteng nakadepende sa pagsasalin ng dugo ay nagkaroon ng medyo mas mataas na posibilidad ng pagka-enroll sa hospice, nagkaroon din sila ng 51% na mas maikling panahon sa hospice at 38% na mas mataas na panganib ng pagtanggap ng mga hospice services sa loob ng wala pang tatlong araw.
"Isinasaad ng mga napag-alaman na ito na nangangailangan ang mga pasyente na pumili sa pagitan ng pagkuha ng pagsasalin ng dugo na kailangan nila at sa pagkuha ng mataas na kalidad ng end-of-life care," ayon sa mga may-akda.
Samakatuwid, bagama't mas marami nang mga pasyenteng may leukemia ang nakakatanggap ng hospice care, kahit man huli na, ang mga nangangailangan ng palliative na pagsasalin ng dugo ay tumatangap ng de-kalidad na pangangalagang ito nang mas malapit pa sa pagkamatay, na nakakahadlang sa hospice multidisciplinary team mula sa kinakailangang panahon na makapagbigay ng kumpletong palliative at supportive na serbisyo sa katapusan ng buhay, ayon sa mga may-akda. Pinapaboran nila ang pagbabago sa patakaran ng Medicare tungkol sa pamamaraan ng mga palliative na pagsasalin ng dugo.
Ang VITAS Advantage ay Nagbibigay ng Mga Komplikadong Modality sa Mga Residenteng May Malubhang Karamdaman
Nagpapakadalubhasa ang VITAS sa mga komplikadong modality para sa mga pasyenteng nangangailangan ng high-acuity na pangangalaga, isang resource na nagbibigay-daan sa mga residente ng nursing home at pangangalaga na pangmatagalan na tumanda sa kinalalagyan na ninanais nila.
Kasama sa mga modality na ibinibigay ng VITAS ang
- Multi-modal na pain management
- Artipisyal na fluid at nutrisyon
- Oxygen, kasama ang high-flow O2
- BiPAP / CPAP
- Suporta sa pag-aalis ng ventilator
- Tracheostomy
- Blood transfusion TPN lyte
- Mga IV fluid
- Paracentesis
- Thoracentesis
- Mga pag-aalis ng PleurX
- Pag-vent ng G tube
- Pagpapayo sa nutrisyon
- Maagap na pangangasiwa ng sugat
Para sa mga propesyonal ng pangangalaga na pangmatagalan, ang hospice care sa mga pasilidad ay:
- Sinisiguro na ang mga residente ng pangangalaga ay nakakatanggap ng pangangalagang nakatuon sa kaginhawahan para sa malubhang karamdaman sa kinalalagyan na kanilang ninanais
- Nakakabawas sa kahirapan at stress ng mga staff ng LTC sa pamamagitan ng pagsasama ng mga komplikadong modality para matugunan ang pananakit, mapamahalaan ang mga sintomas at fluid, magbigay ng pangangalaga sa sugat, at maghandog ng paggamot na nakatuon sa kaginhawahan para sa mga malulubhang karamdaman, kasama ang cancer, heart disease, lung disease, Alzheimer's/dementia, sepsis/post-sepsis na syndrome, at iba pa
- Nakakabawas sa muling pagkaka-admit ng mga residente ng LTC sa ospital o sa emergency department at pinagpapabuti ang mga pangkalahatang mga sukatan ng quality of care para sa mga taong nasa pangmatagalan at pangmadalian na nakatigil doon, at sa kasiyahan ng pasyente/pamilya.
Pinagmulan: Olszewski, A. & Egan, P. (2017) Transfusion Dependence and Use of Hospice Among Medicare Beneficiaries with Leukemia. Blood, 130(Suppl 1): Abstract 277