Kalidad, Kaginhawahan at Suporta para sa Inyong mga Pasyente
Paligiran ang inyong mga eligible na pasyente sa hospice ng 24/7 na pangangalaga.
"Naging tunay na nakahanda kaming tumanggap ng mga pasyente na, sa aking karanasan … ay halos walang iba na nagnanais tumanggap."
Matutulungan ng VITAS ang inyong mga pasyente na may malubhang sakit na makahanap ng mas mabuting quality of life kapag malapit na ang katapusan ng buhay, kahit na kung sila ay mayroong mga kumplikadong mga sintomas.
Kayo, ang inyong pasyente at ang kanilang pamilya ay mayroong mapagpipilian. Umaasa sila sa inyo para sa patnubay, at kailangan ninyo ng isang hospice provider na kayang masuportahan kayong lahat sa buong proceso ng referral at higit pa.
Kahit Sinong Pasyente, Kahit Anong Karamaman, Kahit Kailan
"Pumupunta sa amin ang mga referral sa VITAS dahil naging tunay na handa kaming tumanggap ng mga pasyente na, sa aking karanasan … ay halos walang iba na nagnanais tumanggap." -Diane Rapaport, MD, Senior Medical Director ng VITAS
Makakatulong kami. Walang karamdaman ng pasyente na sobrang komplikado para sa aming mga interdisciplinary team na mapamahalaan. Kung ang mga pinansyal na aspeto ay isang alalahanin, makapagbibigay ng tulong ang VITAS. Makapagbibigay din kami ng tulong kahit na sa mga pasyente na walang tirahan.
Ang aming mga dalubhasa sa admission ay maaari sa araw at gabi na maghanda ng pagsusuri para sa hospice o maghanda para sa admission. Kahit na ang inyong pasyente ay nasa ED sa 3 ng umaga o kaya nasa inyong opisina para sa ikatlong beses na ngayong linggong ito, ang isang nurse para sa admissions ng VITAS ay isang tawag lang ang kalayuan.
Kumpletong Suporta, sa Anumang Paraan na Inyong Kinakailangan Ito
"Pinagtutugma namin ang bawa't isa bilang isang pangkat upang lubos na masiguro na maaari naming mapalibutan ang aming mga pasyente at pamilya ng kumpletong suporta sa anumang mga pamamaraan na kanilang kinakailangan nang lubos." -Nicolle Grasse, Chaplain ng VITAS
Ang ibig sabihin ng pag-refer sa VITAS ay kayo, ang inyong pasyente at ang kanilang pamilya ay mayroong patuloy na suporta mula sa amin.
Ang VITAS hospice team ay pumupunta sa pasyente na may kasamang kahit anumang kinakailangan, kabilang ang home medical equipment.
- Pinagbibigyan-tuon namin ang klinikal, psychosocial at espirituwal na mga pangangailangan ng pasyente at pamilya.
- Nagbibigay din kami ng tulong para sa mga nangungulila nang hanggang sa 13 buwan matapos ang pagkamatay.
- Ang VITAS ay nagbibigay ng pagsasanay sa tagapag-alaga ng pamilya tungkol sa kung papaano maayos na mapangalagaan ang pasyente habang sinusuportahan ng aming interdisciplinary team.
Habang itinutuon ng hospice ang pagpapabuti ng kaginhawahan sa pamamagitan ng pangangasiwa ng sintomas, binabawasan rin ng VITAS ang kahirapan ng pasyente sa pamilya sa pamamagitan ng:
- Respite care nang hanggang sa limang araw
- 24/7 na kakayahang makipag-ugnayan sa mga Telecare nurse
- Pinansyal na tulong kapag hindi sakop ng insurance ang hospice
Mas Kakaunting Ospital, Mas Maraming Bahay
"Ang aming kakayahan na panatiliin ang mga tao na muling ma-admit ay lubos na mataas dahil kaya naming maisakatuparan ang mga bagay na ito nang lubos na mabilis upang mapangalagaan ang mga tao sa kanilang sariling bahay." -Diane Rapaport, MD
Sinisiguro ng pakikipag-ugnayan ng iba't-ibang mga sangay ng kaalaman na pamamaraan ng pakikitungo ng VITAS sa hospice care na kahit na yung mga pasyente na nangangailangan ng lubos na maraming pangangalaga ay sa kalimitan ay maaaring makabalik sa bahay at kumportable na manatili doon, kahit saan man ang lugar na iyon na kanilang itinuturing na kanilang tirahan. Binibigyan kami ng aming 40+ taong karanasan ng pagkakataon na makapagbigay ng mga bagay at level ng pangangalaga na ang iba pang mga programa ng hospice ay hindi o hindi kaya.
Ang ibig sabihin ng hospice care ay mas kakaunting mga hindi kinakailangan na muling pag-admit sa ospital, mga byahe papunta sa ED at mga tawag sa inyo sa hatinggabi.
Kung ang mga sintomas ay hindi mapamahalaan sa bahay, ang VITAS ay mayroong mga inpatient na unit at mga higaan sa mga ospital sa buong lugar na aming siniserbisyuhan.