VITAS Advantage: High-Acuity na Pangangalaga para sa mga Pasyenteng nasa mga Pasilidad ng Pangmatagalang Pangangalaga

Kung ang iyong residente ay malimit na pumupunta sa ED o kaya parating ina-admit sa ospital, makakatulong ang VITAS.
Kwalipikado ba sa Hospice ang Iyong Residente?

Papaano Ka Matutulungan ng VITAS

Mapangangalagaan ng VITAS ang iyong mga residenteng kuwalipikado sa hospice na nangangailangan ng  high-acuity na pangangalaga, na kung saan ang ibang mga hospice ay maaaring kulang sa mga resource o kadalubhasaan upang makapagbigay ng kinakailangang pangangalaga. Kung ang iyong residente ay nakararanas ng nakababalisa at/o mahirap na mapangalagaang mga sintomas tulad ng pangangapos ng paghinga, pananakit, o impeksyon, mapangangasiwaan ng VITAS ang mga sintomas na ito sa iyong pasilidad.

  • Para sa aming mga pangangalaga na pangmatagalan (long-term care o LTC) na ka-partner, ang ibig sabihin nito ay ang iyong mga residente ay mananatiling wala sa mga emergency room at ospital at imbes ay mananatili sila sa iyong lugar. Sa pamamagitan ng nabawasang pagbisita sa ED at pag-admit sa ospital, magpapatuloy na bubuti ang iyong relasyon sa iyong mga ka-partner na ospital at mga ospital sa komunidad.
  • Sa pamamagitan ng paghahandog ng mas mataas na level ng pangangalaga upang mapangasiwaan ang mga pasyenteng may sintomas imbes na tumawag sa 911, bibigyang-kaalaman ng VITAS ang iyong staff tungkol sa epektibong pangangasiwa ng sintomas, binabawasan ang stress at ang posibilidad na makaranas ng burnout.
  • Binibigyan ka ng kakayahan ng patuloy na klinikal na suporta na makapaghandog ng pangangalagang parating nakatuon sa layunin para sa mga residenteng may malubhang karamdaman, upang sila ay makapanatili sa kanilang ninanais na kinalalagyan alinsunod sa kanilang layunin, pinahahalaghan and ninanais.
  • Ang mga pinasadyang plano ng pangangalagang nakatuon sa residente ay naipakitang may epekto sa kasiyahan sa pangangalaga. Para sa mga nursing home, nakaaapekto rin ito sa pangmadalian at pangmatagalan na pagsusukat ng kalidad.

Mananatili sa Kanilang Kinalalagyan ang mga Residente

Intensive Comfort Care®

Kapag ang medikal na krisis ng isang residente ay karaniwang nangangailangan ng pagpapa-ospital, ang mga tagapaghandong ng pangangalaga mula sa VITAS ay nakahandang makipagtulungan sa staff ng LTC sa pamamagitan ng pagbigay ng pangmadaliang, masinsinang medikal na pangangasiwa sa pamamagitan ng aming Intensive Comfort Care® (continuous na paggagamot) na programa.

Ibinibigay nang hanggang sa 24 oras kada araw kapag medikal na kinakailangan at ipinatutupad ng isang nurse na sinusuportahan ng isang hospice aide, ang aktibong pangangasiwa na ito ay maaaring magdulot ng kaibahan sa isang residente upang sila ay manatili sa pasilidad kaysa sa maipadala sa emergency room.

VITAS Telecare 24/7 na Suporta

Ang aming Telecare na serbisyo ay nagbibigay sa iyong staff ng agarang kakayahan na makipag-ugnayan sa isang klinikal na dalubhasa sa pamamagitan ng telepono na kayang mapag-aralan ang sitwasyon, makapagbigay ng medikal na payo at magpadala ng isang manggagamot kung kinakailangan.

General Inpatient na Pangangalaga

Ang General Inpatient (GIP) na pangangalaga, ang isa sa apat na level ng pangangalaga na kinakailangan ayon sa mandato ng Medicare hospice benefit, ay maaaring maibigay kung ang mga sintomas ng residente ay masyadong malubha upang mapangasiwaan ng iyong pasilidad. Sa mga sitwasyon na tulad nito, ang iyong residente ay pangangalagaan sa isang maiksing panahon sa isang GIP na kama na kinontrata mula sa isang ospital o nursing home, o kaya sa isang nagsasariling pasilidad ng hospice o inpatient unit hanggang sa humupa ang kanilang mga sintomas. Oras na nakontrol na ang mga sintomas na ito, isasaayos ng VITAS ang paglipat pabalik sa iyong pasilidad.

Hindi Nagbabago at Patuloy na Klinikal na Pangangalaga

Sa karaniwan, ang lima o mahigit pang mga pagbisita kada linggo ng isang miyembro ng team sa pag-aalaga ng VITAS (na kung saan kabilang ang doctor ng hospice, nurse, social worker, hospice aide, kapilyan at boluntaryo ng team) ay nagbibigay ng karagdagang suporta para sa mga residente at sa kanilang mga pamilya. Ang mataas na dami ng mga pagbisitang ito ay lubos na mahalaga upang maiwasan ang mga medikal na krisis.

Mag-explore ng iba pang mga VITAS Advantage para sa mga Pasilidad ng Pangmatagalang Pangangalaga