VITAS Advantage: Mga Kumplikadong Modality para sa mga Residente ng mga Senior Living Community
Papaano Ka Matutulungan ng VITAS
May kakayahan ang VITAS® Healthcare na asikasuhin ang iyong mga residenteng nangangailangan ng mga komplikadong pamamagitan upang matugunan ang kanilang mga agresibong sintomas-ang mga residente na kung saan ang mga ibang programa ng hospice ay maaaring kulang sa mga mga kakayahan, kagamitan, o kadalubhasaan upang makapagbigay ng kinakailangang pangangalaga, at mga tao na karaniwang pinangangalagaan sa isang kinalalagyan na nagbibigay ng masusing pangangalaga.
Layunin namin na matiyak na ang iyong mga residente ay:
- Nananatiling kumportable
- Natutupad ang kanilang mga layunin sa pangangalaga, kahilingan, at pinahahalagahan
- Patuloy na nakakatanggap ng pangangalaga sa iyong lokasyon
Nakikipagtulugan sa iyong mga staff, kung saan ang mga miyembro ng VITAS clinical team ay nagbibigay ng gabay at suporta para sa pangangasiwa ng sintomas sa katapusan ng buhay. Ang aming mga sanay na full-time na medical director at regional medical director ay tumutulong na suportahan ang iyong mga residenteng sumasailalim ng mga komplikadong paggamot, pati na rin magpayo at magbahagi ng mga pinakamagandang kasanayan sa iyong team sa mga paggamot na ito, para matiyak ang pinakamataas na kalidad ng pangangasiwa ng sintomas.
Case Study: Pasyenteng may Malubhang Leukemia
Pangangasiwa ng Malubhang Sintomas at Bukas na Formulary
Ang mga komunidad na may mga residenteng nangangailangan ng mga komplikadong pamamagitan ay maaaring makinabang mula sa pamamaraan ng pakikipagtulungan ng VITAS upang agresibong mapamahalaan ang mga sintomas at maiwasan ang pangangailangan na pumunta sa ED o ma-ospital. Marami sa mga interbensyon na ito ay maaaring isagawa sa lugar pangangalaga na ninanais ng residente.
Sa tulong ng aming bukas na formulary at sangay ng proprietary na home medical equipment division, naghahandog ang VITAS ng mga solusyon at protokol sa pangangalaga na hindi naibibigay ng maraming iba pang mga provider ng hospice, katulad ng ngunit hindi limitado sa:
- Mga intravenous therapy para sa pain management, hydration, mga antibiotic, at iba pa
- Paracentesis at thoracentesis
- Chest tube/PleurX
- High-flow oxygen therapy
- Palliative blood transfusion o pagsasalin ng dugo
- BiPAP, CPAP at Trilogy non-invasive na ventilation
- PEG-tube care at tube feedings o pagpapakain gamit ang tubo
Kung lulubha ang mga sintomas habang ang iyong residente ay nasa hospice care, puwedeng baguhin ng VITAS ang antas ng pangangalaga kung medikal na kinakailangan para makapagbigay ng full-time na klinikal na suporta at karagdagang palliative na hakbang hanggang sa ma-stabilize ang mga sintomas ng iyong residente.
Pakikipag-tugma ng Pangangalaga para sa Komplikadong mga Pagsasagawa
Kapag tumanggap ng pangangalaga ang iyong residente mula sa VITAS, maaari mong mapagkakatiwalaan na ang aming mga pangkat sa hospice na binubuo ng iba't ibang mga disiplina ay sisimulan ang komplikadong mga modality na kinakailangan upang ang residente ay manatiling kumportable sa iyong komunidad. Bibigyan namin ang mga miyembro ng pamilya ng iyong residente ng pinakabagong impormasyon tungkol sa pangangalagang ibinibigay sa iyong komunidad, upang masiguro na pakiramdam nila ay konektado sila sa plano ng hospice care na nagbibigay ng 24/7 na suporta at kaginhawahan.
Dahil sa kakayahan ng iba't ibang mga espesyalista ng VITAS na makatulong sa mga problema sa paghinga, pangangalaga ng sugat at psychosocial na mga alalahanin, maaaring manatili ang iyong residente ng mas mataas na pamantayan ng buhay habang lumalapit sila sa katapusan ng buhay.
Nakikipatulungan ang mga full-time na medikal na direktor at ang pang-rehiyong medikal na direktor ng VITAS sa mga tauhan para makapagbigay ng mga kaalamang nagbibigay-suporta sa mga residenteng sumasailalim ng mga komplikadong paggagamot, tulad ng:
- Pangangasiwa ng pressure ulcer at pangangalaga ng sugat
- Pangangasiwa ng intensive pain at PEG tube
- Mga Rx antibiotic para sa impeksyon, ayon sa pangangailangan
- Binawasang mga antipsychotic na paggagamot sa pamamagitan ng proprietary na protokol ng VITAS
- IV hydration/mga antibiotic
- Mga bronchodilator
- High-flow na oxygen
- BiPAP at CPAP
- Sub-Q na Lasix
- Inotropic therapy
- Mga sumusuportang disiplina gaya ng Respiratory Therapy, PT/OT, Dietary, Pangangasiwa ng Sugat, mga pet at music therapy
- Pag-uusap tungkol sa mga layunin ng pangangalaga (goal of care, GOC)
Kung lumubha ang mga sintomas ng iyong residente habang nasa hospice care ang residente, isasaayos ng VITAS ang antas ng pangangalaga para makapagbigay ng full-time na klinikal na suporta, mga karagdagang palliative na hakbang hanggang sa maging stable ang mga sintomas at mapamahalaan ang sakit
Pakikipag-tugma ng Pangangalaga para sa Komplikadong mga Pagsasagawa
Kapag tumanggap ng pangangalaga ang iyong residente mula sa VITAS, maaari mong mapagkakatiwalaan na ang aming mga pangkat sa hospice na binubuo ng iba't ibang mga disiplina ay sisimulan ang komplikadong mga modality na kinakailangan upang ang residente ay manatiling kumportable sa iyong komunidad. Bibigyan namin ang mga miyembro ng pamilya ng iyong residente ng pinakabagong impormasyon tungkol sa pangangalagang ibinibigay sa iyong komunidad, upang masiguro na pakiramdam nila ay konektado sila sa plano ng pangangalagang nagbibigay ng 24/7 na suporta at kaginhawahan.
Dahil sa kakayahan ng iba't ibang mga espesyalista ng VITAS na makatulong sa mga problema sa paghinga, pangangalaga ng sugat at psychosocial na mga alalahanin, maaaring manatili ang iyong residente ng mas mataas na pamantayan ng buhay habang lumalapit sila sa katapusan ng buhay.
Siyasatin ang iba pang mga VITAS Advantage para sa mga Senior Living Community
Mga Darating na Webinar para sa Mga Propesyonal sa Pangangalagang Pangkalusugan
Webinar: Advanced Lung Disease: Prognostication at ang Tungkulin ng Hospice
1:00 p.m. Eastern Daylight Time
Miyerkules, Oktubre 09, 2024
Webinar: Mga Beteranong Malapit na sa Katapusan ng Buhay: Mga Partikular na Pangangailangan, Dalubhasang Pangangalaga
1:00 p.m. Eastern Standard Time
Miyerkules, Nobyembre 13, 2024
Mga Clinician: Mag-sign up para sa mga email mula sa VITAS
Mag-subscribe para sa balita sa end-of-life care at mga libreng CE webinar.
Mag-sign Up