Compassionate Extubation o Pagtatanggal ng Tubo: Kapag Oras na Upang Tanggalin ang Ventilator
Ang compassionate extubation-ang pagtatanggal ng ventilatory support sa pasyente upang mabawasan ang sakit na nararamdaman niya at upang hayaan siyang pumanaw sa paraang natural-ay kadalasang puno ng pagkabalisa at hindi pagkakaunawaan para sa pamilya ng pasyente.
Ang layunin ng hospice extubation o pagtatanggal ng tubo sa pasyente ay ang hayaan siyang pumanaw nang kumportable at napapanatili ang dignidad sa anumang lugar na itinuturing ng pasyente bilang bahay niya.
Ibinibigay ng VITAS Healthcare ang suportang kinakailangan upang matugunan ang mga medical, emotional, social at spiritual na pangangailangan ng pasyente.
Saan man gawin ang extubation o pagtanggal ng tubo sa pasyente:
- Igagalang ang mga nais ng pasyente at pamilya niya.
- Papangasiwaan ang sakit na nararamdaman at paghihirap ng pasyente.
- May mga chaplain, bereavement specialists at iba pang suportang pang-emosyonal na ibibigay para sa pamilya.
- May mga respiratory at music therapists na pupunta sa tabi ng pasyente upang masigurado na kumportable siya.
- Ang sakit na nilalabanan ng pasyente ang dahilan ng kanyang pagpanaw, hindi ang pagtatanggal sa ventilator.