Mga Palatandaan ng Katapusan ng Buhay: Ano ang Aasahan sa Mga Huling Buwan ng Buhay

Isinulat ni

Kung ang iyong mahal sa buhay ay mayroong malubhang karamdaman at hindi na epektibo ang medical care, normal na magtaka at mag-alala tungkol sa kung anong mangyayari habang lumalala ang kanilang kalagayan, at nalalapit sila sa katapusan ng buhay. Ang kaalaman kung ano ang aasahan at paano mo sila susuportahan ay makakapagpalakas sa iyo sa mapanghamong panahon na ito.

Kung ang iyong mahal sa buhay ay nai-refer sa isang hospice provider, ang interdisciplinary care team ay magbibigay ng suporta sa iba't ibang paraan:

  • Edukasyon: Maihahanda ka ng team sa pag-aalaga para sa pisikal at emosyonal na mga pagbabago na maaaring maranasan ng iyong mahal sa buhay.
  • Klinikal na Patnubay: Ang ilang mga sintomas ay maaaring magpahiwatig ng pangangailangan para sa isang mas mataas na antas ng pangangalaga. Available ang team sa pag-aalaga 24/7/365 at kaya kang gabayan.
  • Mga Tip sa Pag-aalaga: Ang team sa pag-aalaga ay maaaring makapagbigay ng mga tip sa kung paano mo mapapanatiling kumportable ang iyong mahal sa buhay batay sa mga sintomas na ipinapakita nila.
  • Emosyonal na Suporta: Matutulungan ka ng team sa pag-aalaga na tahakin o i-navigate ang pagluluksa bago ang kamatayan. Ang mga serbisyo sa kalungkutan at pangungulila sa pagpanaw ng tao ay nagpapatuloy hanggang 13 (na) buwan matapos pumanaw ng iyong mahal sa buhay.

Mga Kapamilya, matuto ng higit pa tungkol sa hospice:

Timeline ng Katapusan-ng-Buhay

Ang pagkamatay ay isang natural na proseso, ngunit kung gaano ito katagal at ang mga palatandaan na ipinapakita ng isang pasyente ay naiiba sa bawat isa. Ang aming timeline ay nagbibigay ng malinaw at banayad na mga pananaw sa bawat yugto upang matulungan kang tahakin ang paglalakbay sa katapusan-ng-buhay nang may pang-unawa at kapayapaan:

Ilang Buwan Bago ang Kamatayan

Sa yugtong ito, maaaring makaramdam ang mga pasyente ng kawalan ng gana, maging antukin, ma-alinlangin sa kanilang paligid, paglubha ng pananakit at pagkahilo, at kapansin-pansing pagbaba ng timbang. Ang mga emosyonal na pagbabago ay maaaring humantong sa withdrawal o pag-iwas, nabawasang aktibidad, nabawasang komunikasyon, at pagmamasid sa sarili o introspection.

Anong Dapat Bantayan Anong Maaari Mong Gawin
Nawalan ng gana
  • Mag-alok ng mas maliit, mas madalas na pagkain
  • Magbigay ng mga pagkain na mayaman sa nutrisyon
  • Gamitin ang mga paboritong pagkain para pasiglahin ang gana
  • Talakayin sa pasyente ang mga kagustuhan sa pagkain
Naging antukin
  • Payagan ang sapat na pahinga at tulog
  • Tiyakin ang kumportableng kapaligiran sa pagtulog
  • Hikayatin ang mga paraan sa pagpapahinga
Pagtaas ng pakiramdam ng pag-aalinlangan
  • Igalang ang pangangailangan ng pasyente na mapag-isa
  • Magbigay ng emotional support at katiyakan
  • Hikayatin sa bukas na komunikasyon
Paglubha ng pananakit at pagkahilo
  • Talakayin sa team sa pag-aalaga ang gamot sa pananakit, kung kinakailangan
  • Gumamit ng mga gamot kontra pagkahilo gaya ng inireseta
  • Magbigay ng mga hakbang sa comfort
Pagtaas ng panganib ng mga impeksyon
  • Talakayin sa team sa pag-aalaga ang paglinis at pagkontrol sa impeksyon
  • Alamin ang mga palatandaan ng impeksyon
  • Talakayin sa team sa pag-aalaga ang mga hakbang sa pag-iwas
Kapansin-pansing pagbaba ng timbang
  • Tugunan ang mga nababagong kontribyutor sa pagbaba ng timbang
  • Kilalanin na ang mga nutrisyunal na suplemento ay karaniwang hindi nakakatulong
  • Subaybayan ang balat para sa mga palatandaan ng pagkasira o breakdown

Ilang Linggo Bago ang Kamatayan

Habang nalalapit ang katapusan ng buhay, magiging mas matindi ang labis na pagkapagod, pagkalito, at pag-iwas sa mga tao. Maaaring makisali ang mga pasyente sa pagsusuri ng buhay at magtuon ng pansin sa pagpaplano sa libing, na syang maglalantad ng kanilang emosyonal na estado.

Anong Dapat Bantayan Anong Maaari Mong Gawin
Higit na pagnanais na matulog
  • Hayaan ang pasyente na magpahinga kung kinakailangan
  • Gumawa ng comfortable na kapaligiran sa pagtulog
  • Alamin ang tungkol sa mga pagbabago sa pattern ng pagtulog
Paghinto sa lahat ng pagkain
  • Subaybayan ang mga palatandaan ng pagkabagabag o pagkabalisa
  • Igalang ang kagustuhan ng pasyente tungkol sa pagkain
  • Mag-alok ng kaunting higop ng likido para maiwasan ang dehydration
  • Magbigay ng pangangalaga sa bibig para maibsan ang tuyong bibig
Nadagdagan ang pagkabalisa
  • Talakayin sa team sa pag-aalaga ang mga posibleng sanhi
  • Magbigay ng banayad na pag-ayos ng posisyon para sa comfort
  • Matuto ng mga paraan ng pagpapahinga upang pakalmahin ang pasyente
Lumala ang paninikip
  • I-angat ang ulo ng pasyente para mapagaan ang paghinga
  • Gumamit ng humidifier para mapahalumigmig ang hangin
Tumaas ang mga antas ng pagkalito
  • Gumamit ng malinaw at simpleng wika
  • Gumamit ng mga visual aid para makatulong sa komunikasyon
  • Gumawa ng kalmado at tahimik na kapaligiran
Lumala ang guni-guni o mga pangitain
  • Mag-alok ng katiyakan at emotional support
  • Patunayan ang mga karanasan ng pasyente ng may awa o empatiya
  • Makisali sa walang komprontasyon na pag-uusap
Mga pagbabago sa vital sign o palatandaan ng buhay
  • Tumuon sa pangkalahatang estado ng kalusugan ng pasyente
  • Alamin kung ano ang magiging hitsura ng mga inaasahang pagbabago
  • Magbigay ng mga hakbang sa comfort para sa mga pagbabagu-bago ng temperatura

4-6 (na) Araw Bago Ang Kamatayan

Ang yugtong ito ay nangyayari apat hanggang anim na araw bago ang kamatayan. Nailalarawan ito sa pamamagitan ng tumitinding emosyonal at pisikal na mga sintomas.

Anong Dapat Bantayan Anong Maaari Mong Gawin
Abnormal na vital signs
  • Alamin kung ano ang ibig sabihin ng abnormal na vital sign
  • Talakayin kasama ang team sa pag-aalaga ang mga gamot sa puso
Nabawasan ang antas ng kamalayan
  • Alamin ang mga tungkol sa mga palatandaan ng nabawasang kamalayan at sobrang pagkaantok
  • Tiyakin ang comfort at posisyon ng pasyente para sa pagtulog o pagpapahinga
  • Magsalita ng mahinahon at nakakatiyak
Kahirapang lumunok
  • Alamin ang tungkol sa mga kahirapan sa paglunok ng likido at mga potensyal na panganib
  • Gumamit ng basang sponge o espongha, dinurog na yelo, at lip balm para mapanatili ang mositure sa labi
  • Talakayin sa team sa pag-aalaga ang mga alternatibo sa hydration |pagbibigay ng tubig sa katawan

2-3 (na) Araw Bago Ang Kamatayan

Habang papalapit ang wakas sa dalawa hanggang tatlong araw, ang aktibong yugto ng kamatayan ay nagsisimula na. Kasama sa mga karaniwang sintomas ang hindi pagtugon at makabuluhang pagbaba ng blood pressure, nag nagpapahiwatig ng nalalapit na kamatayan.

Anong Dapat Bantayan Anong Maaari Mong Gawin
Ang pasyente ay nakahiga sa kama, hindi makagawa ng anumang aktibidad, at nagpapaktita ng palatandaan ng malawak na sakit
  • Sumandal sa team ng hospice para sa suporta
  • Mag-alok ng mga estratehiya para sa comfort at suporta
Maasul na pagbabago ng kulay ng balat
  • Asahan ang mga pagbabago sa kulay ng balat
  • Panatilihing comfortable at hindi nilalamig ang pasyente
  • Obserbahin ang paglala ng pagkasira ng balat at alertuhin ang klinikal na team (ngunit ito ay normal sa proseso ng kamatayan)
Nabawasan ang pagtugon sa visual na stimuli
  • Asahan ang pagbaba ng pagtugon sa visual na stimuli
  • Magpanatili ng kalmado at nakakapawi na kapaligiran
Ang paglaylay ng nasolabial fold
  • Ihanda ang iyong sarili para sa diin ng mga pagbabago sa mukha
  • Tanungin ang mga kaibigan, o pamilya, at ang team ng hospice para sa emotional support, at comfort
Hyperextension ng leeg
  • Alamin ang tungkol sa hyperextension ng leeg at ang potensyal na implekasyon na ito
  • Pag-aayos ng posisyon para sa comfort ng pasyente
  • Talakayin kasama ang team sa pag-aalaga ang opioid na pain relief kung mayroong kawalan ng ginhawa
Cheyne-Stokes na paghinga
  • Alamin ang tungkol sa paghinga at ang normal na paglitaw nito sa katapusan ng buhay
  • Magbigay ng katiyakan at panatilihin ang comfort ng pasyente
  • Talakayin ang paggamit ng opioipd kasama ang team sa pag-aalaga para pamahalaan ang pangangapos ng paghinga
  • Tiyakin ang comfort at posisyon ng pasyente
Hindi nag-rereact na pupil
  • Matuto ng higit pa tungkol sa hindi reaktibong pupil
Nabawasan ang tugon sa verbal na stimuli
  • Tiyakin ang comfort at posisyon ng pasyente
  • Magbigay ng emotional support

Wala Pang 2 (na) Araw Bago Ang Kamatayan

Sa mga huling oras, nagpapakita ang mga pasyente ng partikular na mga klinikal na palatandaan na nagpapahiwatig ng nalalapit na kamatayan.

Anong Dapat Bantayan Anong Maaari Mong Gawin
Pag-aagaw buhay
  • Ihanda ang iyong sarili para sa katangian ng tunog
  • Muling iposisyon ang pasyente para mapabuti ang drainage
  • Talakayin kasama ng team sa pag-aalaga kung ang pasyente ay nahihirapan
Apnea
  • Maging handa para sa hindi regular na paghinga
  • Talakayin ang mga gamot kasama ang mga team sa pag-aalaga para magbigay ng kaginhawahan
Paghinga nang nakabuka ang bibig at paggalaw ng panga
  • Alamin ang tungkol sa mga pagbabago sa pattern ng paghinga
Nabawasan o mas kakaunti ang dami ng ihi
  • Alamin ang natural na pagbaba ng paggana ng katawan
Kawalan ng pulso​​​​​​​ ng radial artery
  • Alamin ang tungkol sa mga pagbabago ng sirkulasyon
Hindi kayang isara ang mga talukap ng mata
  • Alamin ang tungkol sa mga pisikal na pagbabago sa kontrol ng kalamnan
  • Gumamit ng basang panyo kung tuyo o iritado ang mata
Pag-ungol ng vocal cords
  • Alamin ang tungkol sa posibilidad ng pag-igting ng vocal chord
  • Talakayin ang mga opioid kasama ang team sa pag-aalaga kung may pananakit
Lagnat
  • Maglagay ng malamig na panyo sa noo ng pasyente
  • Alisin ang labis na kumot
  • Gumamit ng pamaypay
  • Magbigay ng acetominophin kung kinakailangan

Ang mga klinikal na palatandaan ay batay sa mga pag-aaral sa mga pasyenteng may kanser ngunit maaaring pangkalahatan sa ibang sanhi ng kamatayan (hal., heart disease, malubhang lung disease, sepsis at dementia). Ang listahang ito ay hindi kumpleto ngunit kasama dito ang ilan sa mga pinaka karaniwang sintomas ng katapusan ng buhay.

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.