Tips sa Pagbisita ng Pasyenteng nasa Hospice

Maaaring ito ay isang katrabaho, o kapamilya. Kasamahan mo sa simbahan, o kasali sa iyong bowling team, o sa iyong book group. Medyo matagal na siyang may sakit; at hindi nakakatulong ang paggamot. Ngayon, narinig mong nasa hospice siya.

Ang Mga Pinakamainam na Paraan para Suportahan ang Iyong Kaibigan

Malapit nang mamatay ang iyong kaibigan. Ang taong dating madali mong nakikita at nakakausap ay parang imposible na ngayong tawagan at bisitahin. Hindi mo siya binibisita dahil hindi mo alam ang sasabihin, o kung paano ka kikilos.

Huminga nang malalim. Tungkol ito sa iyong kaibigan, at hindi sa iyo. Makakatulong ang mga payo mula sa mga propesyonal at sa mga taong katulad mo. Ang hospice ay gumagawa ng panahon para sa mga huling salita at pangalawang pagkakataon. Hindi mo lang mabibisita ang iyong kaibigang malapit nang mamatay, makakatulong din ito sa inyong dalawa.

Una, syempre, dapat ay maging kumportable ka. Pangalawa, dapat mong isaalang-alang ang mga palatandaan sa pakikipag-usap mula sa iyong kaibigan. Gusto man niyang makipag-usap tungkol sa kamatayan o sa laro kagabi, naroon ka para makinig, magtanong, at pagtuunan siya ng pansin.

Ayos lang din kung tatahimik lang kayong dalawa. May magagandang pag-uusap na nagsisimula sa katahimikan.

Tanungin kung mayroon kang anumang magagawa, mula sa paglalagay ng tubig sa pitsel hanggang sa paglalakad ng aso, hanggang sa pamimitas ng mga huling kamatis-kapag nawala na ang iyong kaibigan.

Planuhing manatili nang 15 minuto. Kung maganda ang takbo nito at sapat ang lakas ng iyong kaibigan, maaari kang manatili nang mas matagal. Kung bibisita ka man sa isang pasilidad o sa bahay, isaalang-alang ang mga iskedyul at pangangailangan ng pasyente. Tanungin kung kailangan mong umalis kung may kailangang gawin para sa pasyente.

Higit pang paraan para maging mabuting bisita sa hospice:

  1. Tumawag nang maaga at tanungin kung kailan ka dapat pupunta. Tanungin kung maaari kang magdala ng partikular na pagkain o regalo.
  2. Umupo, at huwag tumayo. Hubarin ang iyong coat. Pumantay sa posisyon ng pasyente. Makipagtinginan sa pasyente.
  3. Bumati gaya ng dati mong ginagawa: paghalik, isang lubos na pagyakap, pakikipagkamay.
  4. Kung malubha ang sakit ng pasyente, maaaring hindi sila humarap sa iyo o maaaring hindi sila tumugon sa iyo. Huwag mabalisa. Kalmadong magkwento tungkol sa inyong pinagsamahan, o sa inyong mga kaibigang naghumiling na gumaling na siya, o kahit sa lagay ng panahon. Sapat na ang ibinibigay mong regalo ng presensya; ang tunog ng iyong boses, o ang haplos ng iyong kamay.
  5. Ikwento ang iyong mga pinagsamahang alaala. Magandang magsimula sa: "Ang alam kong matatandaan ko ay ang …"
  6. Bumisita nang higit sa isang beses, o bumisita sa ibang paraan: sa pamamagitan ng telepono, sa mga text o email, sa maiikling video o sa isang simpleng liham.
  7. Basahin ang "Ang dapat sabihin kapag hindi mo alam ang sasabihin"; ang mga tip na naroon ay epektibo sa para sa isang kaibigang may walang lunas na sakit at sa kaibigang naulila.
  8. Dalhin ang pag-uusap sa kung saan gusto ng pasyente na dalhin ito. Makinig sa kanilang galit o mga takot o mga lungkot. O huwag pag-usapan ang kamatayan o pagkamatay, kung ayaw niya itong pag-usapan.
  9. AYOS lang tumawa.
  10. Kung pinagkakatiwalaan ka niya sa kanyang mga nararamdaman, huwag itama ito o huwag magpahayag sa hindi magandang paraan, o huwag pag-usapan ang iyong nararamdaman. Naroon ka para makinig.
  11. Kung nasa ibang mundo siya, samahan mo siya. Maaaring nakikipaglaban sa giyera ang isang beterano; maaaring iniisip ng isang 93 taong gulang na matandang babae na nasa bahay siya kasama ang kanyang ina at ama. Huwag makipagtalo sa kanya. Puwede kang magtanong kung ano ang mga nararanasan niya. O kaya, malumanay na sabihin sa kanya, sa paghaplos at pagsasalita, na ligtas siya at naroon ka.
  12. Huwag ipangakong babalik ka maliban kung talagang makakabalik ka. Sabihin ang totoo: na mahal mo siya, o ipinagdarasal mo siya, o iniisip mo siya, at masaya kang bumisita ka.
  13. Kung hindi ka makabisita sa anumang paraan, matuto sa limitasyong iyon. Saan galing ang mga pakiramdam na iyon? Ano ang ikinakatakot mo? Ano ang kailangang mangyari para aktwal kang magpunta roon kapag malapit nang mamatay ang isang kaibigan?

Libreng Download: 10 mga Katotohanan Tungkol sa Hospice

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.