VITAS Advantage: Case Study tungkol sa Open Formulary para sa Mga Doktor
Case Study: Pasyenteng may Advanced COPD
Si LH* ay isang 65 taong gulang na lalaking may chronic obstructive pulmonary disease (COPD), nasa chronic oxygen at dati nang kinokontrol ng diyeta na diabetes, ay na-refer sa hospice care pagkatapos mawalan ng 20 pounds sa nakalipas na anim na buwan at pagdanas ng kawalan ng kakayahang makakilos na naglilimita sa kanyang paggalaw sa ilang hakbang lang, bago maging dyspneic.
Pagkatapos ma-admit sa hospice, natukoy ng RN na hindi na mabisa ang kanyang dry-powder inhaler at inilipat niya siya sa pang-araw-araw at ayon sa kinakailangan na nebulizer therapy para sa kanyang COPD. Pinataas ang mga oral steroid para mapamahalaan ang pamamaga, at sinimulan ang mga mababang dosis at ayon sa kinakailangan na opioid at anxiolytic para sa pangangapos ng hininga at pagkabalisa.
Kasama sa plano sa gamot sa hospice ni LH ang chronic oxygen therapy, na sinusuportahan ng pagdadala ng portable na oxygen sa kanyang bahay, isang electric na hospital bed para makatulong sa kanyang paghinga habang natutulog, pati na rin ang pagbisita ng bawat ikalawang linggo mula sa isang respiratory therapist para mabigyan siya ng kaalaman tungkol sa paggamit ng kagamitan sa respiratory care at kaligtasan sa O2. Nagpapadala ng walker at wheelchair para masuportahan ang pagkilos at kaligtasan. Sa isang panahon ng lumubhang COPD, niresetahan si LH ng antibiotics sa loob ng 7 araw, dinagdagan ang kanyang oral steroid, at ginawang titrated ang kanyang oxygen para makapagbigay ng ginhawa.
Pagkatapos ng 12 linggo ng hospice care, payapang pumanaw si LH sa bahay habang napaliligiran ng kanyang asawa, mga anak, at mga apo.
*Tinutukoy ng mga inisyal na ito ang isang hindi makikilalang pasyente at ginagamit lamang para sa mga layunin ng pagbibigay ng impormasyon.
Patuloy na Nakakatanggap ang Mga Pasyente ng Hospice ng Mga Gamot na Nakadirekta sa Sakit
Sa isang retrospective na cross-sectional na pag-aaral sa gamot noong 2015, tinanong ang mga miyembro ng staff ng halos 700 hospice: "Ano ang pangalan ng lahat ng gamot na ginagamit ng pasyente 7 araw bago ang o sa araw ng kanyang pagkamatay habang nasa hospice? Pakisama ang anumang standing, routine, o PRN na gamot."
Ang rate ng sagot sa unweighted na survey ay 71%. Ang average na dami ng gamot na ginamit ay 10.2, na may range na 8.5 para sa mga pasyenteng may dementia hanggang sa 11.4 para sa mga pasyenteng may lung disease.
Ang mga pinakakaraniwang therapeutic class ay:
- 98% analgesics
- 78% antiemetic at antivertigo na medication
- 76% anxiolytics, sedatives, at hypnotics
- 71 % anticonvulsants
- 53% laxatives
May mga pattern ng nauugnay sa diagnosis na gamot na nakita sa data. Humigit-kumulang na dalawampu't-limang porsiyento ng mga indibidwal ang gumagamit ng mga proton pump inhibitor, anticoagulant, at antidepressant, at mas kaunti sa 20% ang gumagamit ng mga antacid at antibiotic.
Mas maliit na prosiyento ng mga indibidwal na may dementia at debility kung ikukumpara sa mga may cancer ang gumagamit ng mga opioid analgesic, habang mas mataas na dami ng mga pasyenteng may dementia at debility kung ikukumpara sa mga may cancer at lung disease ang gumamit ng mga antidepressant. Ang mga indibidwal na may heart disease ay mas malamang na gumamit ng mga diuretic kung ikukumpara sa mga indibidwal sa ibang klinikal na cohort, at iyong may lung disease ay mas malamang na gumamit ng mga bronchodilator kumpara kung ikukumpara sa mga nasa ibang klinikal na cohort.
Tinukoy ng mga may-akda na patuloy na nakakatanggap ang mga pasyente ng mga nakatuon sa karamdaman na therapy malapit sa katapusan ng buhay sa halip ng mga therapy na eksklusibong para sa pagpapahupa ng mga sintomas, na nagsasabing posibleng iba't iba ang mga paggagamot ayon sa pangunahing diagnosis ng tao.
Ayon sa mga may-akda, kung saan isa si Joseph Shega, MD, VITAS senior vice president at chief medical officer: "Habang tumatanda ang populasyon ng bansa at patuloy na lumalaki ang populasyon ng hospice, priyoridad sa pampublikong kalusugan ang pag-unawa sa mga uri at pangingibabaw ng gamot na ginagamit malapit sa katapusan ng buhay."
Ang mga Benepisyo ng Bukas na Formulary ng VITAS para sa mga Doktor
Sa pamamagitan ng bukas na formulary ng VITAS, natitiyak na patuloy na makakatanggap ang mga pasyente ng mga nakabatay sa ebidensiya at nakadirekta sa sakit na therapy at gamot, na mamamahala sa kanilang mga sintomas at magpapahusay sa kanilang kalidad ng buhay kapag lumipat na sila sa hospice care.
Sa kaso ni LH, sasaklawin ng plano ng VITAS hospice care ang isang cholinesterase inhibitor kung magbibigay ito ng ginhawa sa sintomas, pero hindi ito sasaklawin kung ang gamot ay hindi nagbibigay ng ginhawa o posibleng maging dahilan ng pinsala. Kung ang isang dati nang nakaresetang cholinesterase inhibitor ay hindi nagbibigay ng ginhawa sa sintomas o nagdudulot ng kapinsalaan, tatangkain ng care plan na ihinto ang paggamot.
Mas malamang na maging kumportable ang mga pasyente tungkol sa kanilang pasya na lumipat patungo sa hospice care kung alam nilang patuloy silang makatanggap ng mga gamot at therapy na nakatuon sa ginhawa at pain relief.
Nagde-deliver ng medikal na kagamitan at supply ang VITAS na nauugnay sa diagnosis ng hospice sa pasyente, na sinusuportahan ng mga nurse ng VITAS na nagsusubaybay sa pagsasaayos ng gamot at pamamahala ng pillbox.
Pinagmulan: Dwyer, L. Lau, D., & Shega, J. (2015). Medications that older adults in hospice care in the United States take, 2007. Journal of the American Geriatrics society, 63(11), 2282-2289.