VITAS Advantage: Bukas na Formulary para sa Iyong mga Pasyente

Mga Doktor: Kung ang iyong pasyente ay dumaranas ng mga agresibong sintomas o hindi napapamahalaang pananakit, madalas na bumibisita sa ED o matagal nang nasa ICU nang hindi gumagaling, makakatulong ang VITAS.
 Karapa-dapat Ba Sa Hospice Ang Iyong Pasyente?

Papaano Ka Matutulungan ng VITAS

Nagpapanatili ang VITAS ng bukas na formulary para matiyak na maipagpapatuloy ng mga pasyenteng lumilipat sa aming pangangalaga ang mga therapy na nakabatay sa ebidensya na tumutulong na pamahalaan ang mga sintomas at pahusayin ang quality of life. Iniaakma namin ang aming mga plano sa pangangalaga sa mga kahilingan at layunin ng pasyente sa katapusan ng buhay, at handang ipagpatuloy ang anumang gamot na nakadirekta sa sakit na kinakailangan ng pasyente.

Ibinibigay namin ang katiyakan na bagama't posibleng magkaroon ng mga pagsasaayos sa gamot bilang bahagi ng kanilang paglipat mula sa paggagamot patungo sa hospice, hindi nila kailangang itigil ang lahat ng paggamot para matanggap ang aming pangangalaga.

Pagpapatuloy ng Mga Gamot na Nakadirekta sa Sakit

Ang mga gamot na nagpapagaling sa karamdaman ng pasyente ay madalas ding nagbibigay ng pagpapabuti sa sintomas at pananakit, dahilan kung bakit mahalagang elemento ang mga ito ng hospice modality. Sinusuportahan ng bukas na formulary ng VITAS ang mga gamot na nakadirekta sa sakit, kasama ang, ngunit hindi limitado sa:

  • Mga beta blocker
  • Mga ACE inhibitor
  • Mga pampaihi sa ACD
  • Mga inhaler sa ALD
  • Mga cholinesterase inhibitor sa dementia

Mga Pakikipagtulungan para sa mga Kinakailangang Pag-uusap at Madaling Paglipat

Ginagamit ng VITAS ang aming bukas na formulary para pangasiwaan ang pag-access sa hospice at pasimplehin ang mga pag-uusap na humahantong sa mga paglipat sa hospice care. Kapag pinagkakatiwalaan ng mga doktor ang VITAS para ibigay ang anumang gamot na kailangan ng pasyente para pahusayin ang quality of life nila, mas nagtitiwala ang mga pasyente sa kanilang pasya.

Pinahusay na Pagsunod ng Pasyente

Kapag nagsimula ang pasyente sa serbisyo sa VITAS, ang gamot, home medical equipment, mga supply ay ipinapadala sa gustong lugar ng pangangalaga ng pasyente. Ang isang VITAS nurse ay nagbibigay ng tagubilin at pangangasiwa para sa pasyente, kanilang pamilya, at caregiver. Tutulong din kami sa paggawa ng home pill box, at available ang mga clinician sa pamamagitan ng telepono 24/7 para sa mga tanong o alalahanin.

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.