Joseph Shega, MD

Chief Medical Officer

Si Joseph Shega, MD, ay Executive Vice President at Chief Medical Officer ng VITAS Healthcare, ang leading provider ng bansa para sa end-of-life care. Board certified siya sa geriatric at hospice at palliative medicine, at mula 1999, nag-aalaga, nag-aaral, at nagtuturo siya tungkol sa mga geriatric na pasyente at end-of-life care. Naging bahagi siya ng VITAS noong 2013 bilang regional medical director, naging senior vice president at national medical director noong 2016, at na-promote bilang chief medical officer noong 2018 at naging executive vice president noong 2021.

Joseph Shega MD

Bilang chief medical officer, pinapangasiwaan at pinamumunuan ni Dr. Shega ang medikal na direksyon para sa lahat ng mga lokasyon ng VITAS sa 14 estado at sa District of Columbia. Nagbibigay siya ng pamumuno sa lahat ng mga regional medical director ng VITAS at pinangangasiwaan niya ang mga serbisyo ng doctor.

Lubos na mahalaga si Dr. Shega sa pagpapatatag ng "mobile-first" na plataporma ng VITAS, na naghahatid ng mobile na teknolohiya sa tabing-kama ng mga tahanan at sa mga assisted living community ng mga pasyente, at nagpapahusay sa klinikal na pangangalaga sa pamamagitan ng pinabuti at inayos na dokumentasyon, pamamahala ng gamot, koordinasyon ng pangangalaga, at mga alternatibong pamamaraan ng paggagamot gaya ng virtual reality.

Pinangunahan din niya ang mga pagsisikap para isama ang klinikal na pananaliksik bilang isang pangunahing pamantayan sa VITAS sa pamamagitan ng pakikipag-partner sa New York University at paglahok sa Hospice Advanced Dementia Symptom Management and Quality of Life Trial na pinopondohan ng National Institutes of Health. Pinahusay ng kanyang pagiging miyembro sa Dementia and Mild Cognitive Impairment measurement group ng American Academy of Neurology ang mga sukatan sa kalidad at palliative care para sa mga pasyenteng may dementia.

Si Dr. Shega ay isang associate professor ng medisina sa University of Central Florida at co-managing editor ng Essential Practices in Hospice and Palliative Medicine. Isa siyang miyembro ng roundtable tungkol sa kalidad ng pangangalaga ng Academy of Medicine para sa mga tao na may malubhang karamdaman-isang paksa na kung saan siya ay may-akda sa lampas na 50 mga peer-reviewed na publikasyon. Nagsilbi rin siya sa editorial board ng Journal of Pain and Symptom Management. Noong 2022, inimbitahan ng Forbes si Dr. Shega na maging bahagi ng isang eksklusibong grupo ng mga sertipikado ng board at sanay na mga clinician at practitioner. Bilang miyembro ng Forbes Health Advisory Board, nagbibigay si Dr. Shega ng mga pananaw at pagpuna tungkol sa mga artikulo sa Forbes na nauugnay sa kalusugan - kung saan sinisiguro na ang mga artikulo ay nananatiling walang pinagkikilingan, kasalukuyan, at tumpak.

Bago siya naging bahagi ng VITAS, nagtrabaho si Dr. Shega nang 15 taon sa academic medicine, klinikal na pangangalaga, at pananaliksik sa Northwestern University at University of Chicago. Kasama sa mga pinagtutuunan niya ang mga konsultasyon sa geriatric at palliative treatment, inpatient na palliative care, pangangalaga sa nursing home, outpatient geriatrics, pagbisita sa bahay, at mga hospice services.

Nakapagtapos si Dr. Shega ng medical school sa Northwestern University, at nag-residency siya sa internal medicine sa University of Pittsburgh at may geriatrics fellowship sa University of Chicago.

Mga Artikulo ni Joseph Shega MD