Binibisita ng isang manggagamot ang isang pasyente sa kanyang living room

VITAS Advantage: Case Study sa Bukas na Formulary para sa Mga Ospital

Nasisiguro ng Bukas na Formulary ang Access ng Pasyente sa Mga Gamot at Therapy na Nagpapahupa sa Kanilang Mga Sintomas

Kahit sa mga pasyente may malubhang dati nang sakit, gaya ng sakit sa puso, puwedeng gamitin ang palliative care para magbigay ng suporta habang nagbibigay din ng mapagkalingang end-of-life care para maiwasan ang mga mahal na pagpapaospital/readmission.

Ayon ito sa mga may-akda ng isang artikulong nailathala sa Cardiology Magazine, isang publikasyon ng American College of Cardiology.

Kung ang isang hospice provider ay naghahandog ng bukas na formulary, nabibigyan ang mga pasyenteng may malubhang karamdaman ng mga opsyon tungkol sa kung paano at kung saan sila maaalagaan, lalo na sa panahon ng pandemic, kung saan posibleng hindi pinakamahusay at hindi pinakaligtas na opsyon ang pangangalaga sa ospital. Ang kalahati ng mga pagpapaospital at admission sa intensive care unit (ICU) at 80% ng mga pagkamatay na nauugnay sa COVID-19 ay nangyari sa mga pasyenteng 65 taong gulang pataas.

Sinisiguro ng bukas na formulary ang pagpapatuloy ng mga gamot/paggamot na nakadirekta sa sakit na nagbibigay ng kaginhawahan, tumutugon sa pananakit, at sumusuporta sa quality of life nang hindi pinagagaling o pinabubuti ang dati nang sakit. Kasama sa mga layunin sa pangangalaga ang mahusay na pagkontrol ng sintomas at pinahusay na quality of life.

"Nagbibigay ang palliative care ng gabay, edukasyon, kaginhawahan, at tulong sa kompilkadong medikal na pagpapasya," ayon sa mga may-akda. "Ang mga pasyente at pamilya ay puwedeng mabigyan ng ilang opsyon para sa yugto ng pangangalaga," kasama ang opsyon na manatili sa bahay habang tumatanggap ng palliative o hospice care para sa pangangasiwa ng sintomas​​​​​​​.

Sa suporta ng hospice na hindi nakatalaga sa isang limitadong listahan ng mga gamot at therapy, puwedeng pauwiin sa bahay ng mga ospital ang kanilang mga pasyenteng may malubhang karamdaman, na siyang makakapagbakante ng mga kama, nakakabawas sa trabaho ng mga staff, at makasisiguro na natatanggap ng mga pasyente ang layunin-sa-pangangalagang gusto nila.  Binanggit ng mga may-akda na partikular itong mahalaga sa panahon ng COVID-19, dahil marami sa mga ospital ang umaabot na sa kapasidad at ang mga naka-ospital na pasyente ay naka-isolate mula sa kanilang mga pamilya at kaibigan.

Hinihikayat ng mga may-akda ang mga clinician na dagdagan pa ang mga konsultasyon ng palliative care "para mapahupa ang pagdurusa at makapagbigay ng kaginhawahan sa mga pasyente at sa kanilang pamilya sa panahon ng COVID-19 na pandemic." 

Pinapayuhan ng mga mananaliksik ang mga clinician na tulungan ang mga pasyente na magsagot ng mga form sa advance na care planning para maisadokumento ang kanilang mga kinahahalagahan at kagustuhan sa pangangalaga, pati na rin kung gusto nila ng mga medikal na intebensyon sa mga ilang partikular na sitwasyon. Ang tool sa advance na care planning na tinatawag na POLST (Physician Orders for Life Sustaining Treatments) ay isang portable na dokumentong puwedeng baguhin o bawiin ng pasyente anumang panahon.

"Ang COVID-19 na pandemic ay nagresulta sa malalaking problema para sa mga pasyenteng nangangailangan ng komplikadong medikal na pasya sa limitadong resource sa larangan ng pangangalaga sa kalusugan," ayon sa kanila. "Ang palliative care ay nagbibigay ng tulong sa mga provider para maisama ang pagpaplano at kaginhawahan sa pangangalaga."

Ang Bukas na Formulary ng VITAS para sa Mga Ospital

Sa pamamagitan ng pakikipag-partner sa mga espesyalista at ospital, pinapasimple ng bukas na formulary ng VITAS ang mga pakikipag-usap na nagreresulta sa mga napapanahon at gusto-ng-pasyenteng referral sa hospice care. Dahil sa nasisigurong availability ng mga gamot na nakadirekta sa sakit na namamahala sa mga sintomas/pananakit, nagbibigay ng kaginhawahan, at nagpapahusay sa quality of life, malakas ang pagtitiwala ng mga pasyente sa sa kanilang transisyon sa hospice.

Nakikinabang ang mga ospital mula sa:

Pinagmulan: Mulrow, J. & Doherty, C. (2020). Palliative Care Considerations for Patients with Cardiovascular Disease Under COVID-19. Cardiology Magazine, April 9, 2020, American College of Cardiology

Handa na ba ang inyong pasyente para sa hospice?

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.