VITAS Advantage: Bukas na Formulary para sa mga Pasyenteng Nagta-transisyon sa Bahay Mula sa mga Ospital
Papaano Ka Matutulungan ng VITAS
Nagpapanatili ang VITAS ng bukas na formulary para matiyak na maipagpapatuloy ng mga pasyenteng lumilipat sa aming pangangalaga ang mga therapy na nakabatay sa ebidensya na nauugnay sa kanilang terminal na diagnosis.
Tinitiyak namin sa mga pasyente na habang may isinasagawang mga pagsasaayos bilang bahagi ng kanilang paglipat sa paggagamot patungo sa hospice, hindi nila kailangang ihinto ang lahat ng paggamot para matanggap ang aming pangangalaga. Gamit ang pamamaraang ito, nakakabuo ang VITAS ng mas magagandang resulta para sa mga pasyente, pamilya, at caregiver, at mas matataas na satisfaction score para sa iyong ospital.
Case Study: Pasyenteng Nakaranas ng Pagpalya ng Puso
Binisita ni AF, isang 68 taong gulang na babae, ang kanyang pangunahing manggagamot sa pangangalaga pagkatapos ng pagkaka-discharge para sa kanyang pangatlong pagkakaospital sa loob ng anim na buwan dahil sa lumulubhang pagpalya ng puso (NYHA Class III) at isang pagkatumba. Mayroon din siyang dati nang COPD at early-stage dementia. Ini-refer siya ng doctor sa hospice care pagkatapos ng pag-uusap tungkol sa mga layunin ng pangangalaga kasama ang anak na babae ni AF, na kanyang pangunahing tagapag-alaga. Tingnan ang Kumpletong Case Study >
Mga Propesyonal na Pakikipagtulungan para sa Mga Kinakailangang Pag-uusap at Madaling Paglipat
Kung ang iyong pasyente ay nakakaranas ng hindi napapamahalaang pananakit o matagal nang nasa ICU nang hindi bumubuti, makakatulong ang VITAS.
Ginagamit ng VITAS ang aming bukas na formulary nang katuwang ang mga espesyalista at ospitalista para pangasiwaan ang pag-access sa hospice at pasimplehin ang mga pag-uusap na humahantong sa mga paglipat sa hospice care. Kapag pinagkakatiwalaan ng mga ospital ang VITAS na magbibigay ng anumang gamot na nakadirekta sa sakit, na kinakailangan para sa pagpapabuti ng sintomas, mas nagtitiwala ang mga pasyente sa paglipat. Pinapahusay din ng mga maagang paglipat ang mahahalagang sukatan ng kalidad para sa mga ospital, tulad ng gastos sa Medicare sa bawat benepisyaryo, tagal ng pananatili, at pangkalahatang marka sa HCAHPS.
Gustong mapababa ng iyong ospital o sistema sa pangangalagang pangkalusugan ang mga pag-readmit at gastos sa Medicare sa bawat benepisyaryo habang tinitiyak ang pinakamahusay na resulta para sa iyong mga pasyente. Kung mananatiling karapat-dapat sa hospice ang isang pasyente at tinanggihan niya ang paggagamot, ang inpatient na pananatili sa hospice para pamahalaan ang mga malubhang sintomas ay hindi binibilang na muling pagpapaospital. Tumutulong ang hospice care sa mga pasyente na magkaroon ng mapayapang kamatayan sa kanilang gustong lugar, habang pinapataas ang mga marka sa HEDIS at CAHPS para sa mga provider.
Indibidwal na Plano sa Pangangalaga sa Gustong Lugar ng Pangangalaga
Kung handa na ang iyong pasyente para sa hospice, posibleng mag-alinlangan siyang itigil ang mga iniresetang gamot bilang bahagi ng paggagamot sa kanila. Posibleng matakot sila sa malaking transisyon mula sa isang gamot patungo sa isa pa o posible silang mag-alala na hindi wastong matutugunan ang kanilang mga sintomas.
Bumubuo ang VITAS ng natatanging plano sa pangangalaga para sa bawat pasyente, batay sa kanilang mga medikal na pangangailangan, kahilingan sa katapusan ng buhay, at layunin sa pangangalaga. Nag-aalok ang VITAS ng apat na mga antas ng hospice care para matugunan ang iba't ibang pangangailangan ng pasyente sa daloy ng kanyang pagkakasakit, na siyang makakabawas pangangailangan sa pagpapaospital o pagbisita ER. Magagawa ng VITAS na alisin ang mga pag-aalala ng mga pasyente, tugunan ang kanilang mga pangangailangan, at tulungan ka sa paglipat sa kanila sa mga benepisyo ng palliative care.
Pinahusay na Pagsunod ng Pasyente
Kapag na-admit ang isang pasyente sa VITAS, pinapasimple namin ang pagsunod.
- Ang gamot, home medical equipment, mga supply ay ipinapadala sa gustong lugar ng pasyente para sa madali at sumusunod sa CMS na paglipat
- Nagbibigay ng pagsasanay at pamamahala ang isang VITAS nurse tungkol sa gamot para sa pasyente, kanyang pamilya, at caregiver
- Tumutulong kami sa paggawa ng home pill box
- Ang mga clinician ay available sa pamamagitan ng telepono 24/7, sa gabi, weekend, at holiday, para sumagot ng mga tanong at tumugon sa mga alalahanin
Tingnan ang iba pang mga Advantage ng VITAS para sa Mga Ospital
Mga Darating na Webinar para sa Mga Propesyonal sa Pangangalagang Pangkalusugan
Mga Clinician: Mag-sign up para sa mga email mula sa VITAS
Mag-subscribe para sa balita sa end-of-life care at mga libreng CE webinar.
Mag-sign Up