Pinagmamasdan ng isang doctor ang isang pasyente na nakahiga sa kama

VITAS Advantage: Case Study tungkol sa High-Acuity na Pangangalaga para sa mga Pasyente sa mga Pasilidad sa Pangmatagalang Pangangalaga

Kahit na Maraming Kahirapan na Dulot ng Sintomas, Malamang na Hindi Nakakatanggap ang mga Residente ng Nursing Home ng Hospice at Palliative Care

Iniuulat ng mga may-akda ng liham ng pananaliksik na nailathala sa JAMA Internal Medicine na halos 70% ng mga residente ng nursing home (NH) sa kanilang pangkat ng pag-aaral ay natagpuang kuwalipikado para sa palliative care (PC), ngunit wala kahit man isa na tumatanggap ng ganoong uri ng pangangalaga, at dalawa lamang ang naka-enroll sa hospice.

"Lubos na mahalagang pataasin ang kakayahang makakuha ng [palliative care] para sa mga residente ng nursing home."

"Iminumungkahi ng aming pananaliksik na, bagama't ang mga residente ng nursing home ay nag-uulat ng malakas na kahirapang dulot ng sintomas at kuwalipikado sila para sa PC na mga serbisyo, hindi sila nakakatanggap ng anumang pormal na PC mula sa iba't ibang mga disiplina," ayon sa mga may-akda. "Karagdagan pa nito, 3.8% lang ng mga residente ang mayroong dokumentadong MDS [Minimum Data Set] na prognosis na wala pang anim na buwang hangganan ng buhay, isang hindi malamang na sitwasyon kung isasaalang-alang ang kalagayan ng kalusugan ng mga residenteng ito."

Ang palliative care, na may pagtuon sa pamamahala ng sintomas/pananakit at comfort care sa anumang antas ng pangmatagalang sakit, ay isang medikal na espesyalidad na may kasamang hospice care.

Tinatantya ng Centers for Disease Control and Prevention na sa pagdating ng 2030, 40% ng mga Amerikano ang mamamatay sa mga NH. Ngunit kaunti pa lang ang nalalaman tungkol sa mga pangangailangan sa PC ng mga residente ng NH, at kahit na taon-taon na pagtaas ng mga gastos, ang pangangalaga sa NH ay "nauugnay sa hindi mahusay na pagkontrol ng sintomas, mababang kasiyahan ng pamilya, at kahirapan at hindi kinakailangang transisyon ng pangangalaga sa mga huling buwan ng buhay," ayon sa mga may-akda.

Sinuri ng mga tagapagsiyasat ang data na nalikom noong 2015 mula sa isang inisyatiba sa kalidad ng PC na isinagawa sa tatlong nursing home sa northern California na kalahok sa isang mas malawak na inisyatiba sa pagpapahusay ng kalidad para mabawasan ang mga muling pagpapa-admit sa ospital. Sa loob ng 228 mga residenteng kasama sa pagsusuri, 157 (69%) ang kuwalipikado sa PC.

Sa pangkalahatan ng mga residenteng kuwalipikado sa PC:

  • Ang pinaka-karaniwang diagnosis ay sakit na Alzheimer/dementia (47.4%), na sinusundan ng congestive heart failure (23.7%), chronic obstructive pulmonary disease (16.7%), at cancer (8.3%), na kumakatawan sa apat sa limang pinakamataas na mga diagnosis para sa hospice care noong 2018, ayon sa National Hospice and Palliative Care Organization
  • 84.1% ang nangangailangan ng lubos o pangkalahatang tulong sa ≥ 3 aktibidad sa pang-araw-araw na pamumuhay
  • 32.7% ay may pananakit
  • Ang karaniwang dami ng mga gamot ay 15.2 (saklaw: 3 hanggang sa 34)
  • 98.7% ang kumumpleto ng POLST (Physician Order for Life-Sustaining Treatment) na kasulatan (47.7% ay kumpletong paggagamot; 27.5% ay limitadong paggagamot; 24.8% ay paggagamot na nakatuon sa kaginhawahan)
  • Halos kalahati (47.9%) ay muling na-admit sa ospital sa nakalipas na taon
  • Wala ni kahit isang residente na tumatanggap ng PC
  • 3.8% lang ang nagkaroon ng prognosis na dokumentadong MDS na 6 buwan o mas maiksi pa, at mas kakaunti pa (1.3%) ang naka-enroll sa hospice

"Lubos na mahalaga ang pagdami ng kakayahang makakuha ng PC para sa mga residente ng nursing home dahil sa dumaraming katunayan na nagkukumpirma na ang PC na pangangalaga sa NH na kinalalagyan ay nauugnay sa pinabuting kalidad na pangangalaga at kasiyahan, pinahusay na pangangasiwa ng sintomas, at mas kaunting pagbisita sa emergency department, lalo na kung ang nasabing pangangalaga ay nasimulan nang mas maaga sa yugto ng sakit," ayon sa mga may-akda.

"Ang maagang pagkilala ng mga residenteng kuwalipikado sa PC ay makakatulong sa mga sistema ng kalusugan na mabigyang-tuon ang mga pagsisikap na idinisenyo para matugunan ang mga kagustuhan ng pasyente, pahusayin ang pangangasiwa ng sintomas, siguraduhin ang napapanahon na referral sa hospice care, at mabawasan ang mga kahirapan na kaugnay sa transisyon ng pangangalaga sa katapusan ng buhay."

Ang isang malaking hadlang sa kakayahang makakuha ng PC sa mga NH ay ang kawalan ng mga doktor na sanay sa PC na kayang makakapag-alaga para sa mga pasyente sa mga ganitong kinalalagyan, ayon sa mga may-akda. Iminumungkahi nila na dapat isaalang-alang at ipatupad ang telehealth at iba pang mga bagong estratehiya para mapahusay ang kakayahang makakuha ng lubos na kinakailangang palliative at hospice care para sa mga pasyenteng may pangmatagalan at malalang mga sakit.

Sinusuportahan ng VITAS Advantage ang mga Resideteng may Malubhang Karamdaman na Tumanda sa Kanilang Kinalalagyan

Nagpakadalubhasa ang VITAS sa mga komplikadong modality para sa mga pasyenteng nangangailangan ng high-acuity na pangangalaga, isang resource na nagbibigay-kakayahan sa mga residente ng nursing home at pangangalaga na pangmatagalan​​​​​​​ na tumanda sa isang lugar na kanilang ninanais na kinalalagyan. Para sa mga propesyonal ng pangangalaga na pangmatagalan, ang hospice care sa mga pasilidad ay:

  • Nagsisiguro na ang pangangalaga na natatanggap ng mga residente ay katugma sa end-of-life care na kanilang ninanais
  • Nakapagbabawas ng kahirapan at stress sa mga staff ng LTC sa pamamagitan ng pangsasama-sama ng mga hospice resources, kadalubhasaan, 24/7 na availability, at mga miyembro ng team sa pang-araw-araw na plano ng pangangalaga para sa mga residente
  • Nababawasan ang mga muling pagkaka-readmit ng mga residente ng LTC sa emergency department at pinagpapabuti ang mga pangkalahatang mga metrics para sa pangmatagalan at pangmadalian na quality of care, at kasiyahan ng  pasyente/pamilya.

Pinagmulan: Stephens, C & Hunt, L. (2017) Palliative Care Eligibility, Symptom Burden, and Quality-of-Life Ratings in Nursing Home Residents. JAMA Internal Medicine, DOI: 10.1001/jamainternmed.2017.6299

Handa na ba ang inyong pasyente para sa hospice?

Kilalanin ang Hospice Team ng VITAS

Isang Doktor sa VITAS

Doktor

Masusing sinusubaybayan ng doktor ang paglubha ng karamdaman ng pasyente, nagrereseta ng mga naaangkop na gamot, at nakikipatulungan sa pag-aalaga sa iba miyembro ng team.
Isang hospice nurse sa VITAS

Hospice Nurse

Sanay ang hospice nurse sa pagsusuri at pangangasiwa ng sakit na nararamdaman at iba pang sintomas. Maaari ding tumulong ang isang nurse sa personal care.
Isang hospice aide sa VITAS

Hospice Aide

Nagbibigay ang hospice aide ng personal care sa pasyente. Sila rin ang "mata at tainga" ng iba pang hospice team.
Isang social worker sa VITAS

Social Worker

Ang social worker ay tumatayo bilang magiliw at sanay na tagapakinig at nagbibigay ng emotional support.
Isang boluntaryo sa VITAS

Volunteer

Ang hospice volunteer ay maaaring magdala ng musika o isang Paw Pals animal companion, at naglalaan ng oras para malibang ang pasyente at pamilya.
Isang chaplain ng VITAS

Chaplain

Tinutugunan ng chaplain ang mga ispirituwal na pangangailangan ng mga pasyente at mga pamilya mula sa iba't ibang paniniwala, at maaari siyang makipagtulungan sa kanilang pari.
Isang bereavement specialist sa VITAS

Espesyalista sa pangungulila sa pagpanaw ng tao

Ang isang bereavement specialist ay nagbibigay ng suporta sa pangungulila at pagluluksa para sa mahal sa buhay ng pasyente.
Ang Team sa Pag-aalaga ng VITAS