Kinukuhanan ng isang healthcare worker ang temperatura ng isang babaeng nasa hospital bed na gumagamit ng mask para sa karagdagang oxygen

VITAS Advantage: Case Study tungkol sa Mga Komplikadong Modality para sa mga Ospital

Ang Palliative Care na Naka-base sa Bahay para sa mga Pasyenteng May Malubhang Sakit sa Puso ay Nakakabawas sa Paggamit ng Masinsinang mga Serbisyo para sa mga Ospital

Ang mga clinician na nag-aalaga ng mga pasyenteng may malubhang cardiovascular disease ay hinihikayat na kumunsulta sa mga propesyonal sa palliative care para matiyak na ang mga pasyente ay nakakatanggap ng pinakamahusay na gabay tungkol sa komplikadong medikal na pagpapasya.

Ang isang pangunahing pagsasaalang-alang ay ang mas ninanais na lugar na kung saan mapangangalagaan ang pasyente, ayon sa mga may-akda ng isang nailathalang artikulo sa Cardiology Magazine, isang publikasyon ng American College of Cardiology. Ipinakikita ng mga pagsusuri na mas gusto ng karamihan sa mga pasyenteng may malubhang sakit na manatili sa bahay nang nasa hospice care sa halip na nasa ospital.

Ayon sa mga may-akda, ang impormasyong ito ay partikular na mahalaga sa panahon ng COVID-19 dahil sa maraming ospital na lumalampas sa kapasidad at mga nasa ospital na pasyenteng kahiwalay sa kanilang mga pamilya at kaibigan. "Nagbibigay ang palliative care ng gabay, kaalaman, kaginhawahan, at tulong sa komplikadong medikal na pagpapasya," ayon sa kanila.

Iminumungkahi ng mga tagapagsaliksik na pabilisan ng mga clinician ang palliative care "para mabawasan ang paghihirap at makapagbigay ng kaginhawahan sa mga pasyente at pamilya sa panahon ng COVID-19 na epidemic."

Halimbawa, makakatulong ang mga clinician sa mga pasyente na kumpletohin ang advance na care planning para maisulat ang kanilang mga kinahahalagahan at kagustuhan, at maitalaga ng kanilang mga tagapagsya sa pangangalagang pangkalusugan, isang aktibidad na nakakabawas sa hindi gusto/hindi kinakailangang pagpapa-ospital at pagbisita sa emergency room, at nagpapababa sa pangkalahatang gastos sa pangangalagang pangkalusugan. Ang POLST (physician orders for life sustaining treatments) ay isang portable na dokumentong puwedeng baguhin o bawiin ng pasyente sa anumang panahon.

"Maiibsan ng palliative care na serbisyo ang paghihirap at puwede nitong mapahaba ang buhay ng mga pasyenteng may malubhang karamdaman," sabi ng mga may-akda. "Maaaring mabigyan ang mga pasyente at pamilya ng mga ilang opsyon para sa buong haba ng pangangalaga," kasama ang opsyong manatili sa bahay sa pamamagitan ng palliative o hospice care para sa pangangasiwa ng sintomas.

Ang VITAS Advantage

Nagbibigay ang VITAS ng mga komplikadong modality para sa mga pasyente na ang malubhang karamdaman at/o agresibong sintomas ay nangangailangan ng high-acuity na pangangalaga na maihahatid ng mga serbisyo ng VITAS. Ang alternatibo ng karamihan sa mga pangangalagang ito ay manggagaling sa isang acute o post-acute na lugar ng pangangalaga. Kasama sa malinaw na nakikitang mga benepisyo sa mga ospital ang:

  • Pangkalahatan na mas mababang gastos sa pangangalagang pangkalusugan, kasama ang pinababang gastos sa Medicare para sa bawat benepisyaryo
  • Pinaikling sukatan ng panahon ng pananatili at pagkamatay sa ospital
  • Mas kaunting muling pagka-admit sa ospital, emergency department, at intensive care unit
  • Mas mataas na kasiyahan sa pangangalaga
  • Pagbibigay ng end-of-life care na tumutugma at kumikilala sa mga layunin at kahilingan ng pasyente

Pinagmulan: Mulrow, J. & Doherty, C. (2020) Palliative Care Considerations for Patients with Cardiovascular Disease Under COVID-19. Cardiology Magazine, April 9, 2020, American College of Cardiology "Latest in Cardiology."

Handa na ba ang inyong pasyente para sa hospice?

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.