VITAS Advantage: Sinusuportahan ang Mga Ospital na May Mga Pasyenteng Nangangailangan ng Kumplikadong Mga Modality
Ang mga pasyenteng nangangailangan ng kumplikadong mga modality sa pamamahala ng kanilang mga karamdaman ay posibleng maging dahilan na mahirapan ang iyong mga resource at posibleng negatibong makaapekto sa performance ng iyong ospital dahil ang mga pasyenteng ito ay karaniwang may:
- Mas mataas na posibilidad ng readmission
- Mas mataas na posibilidad ng in-hospital na morbidity at mortality
- Mas mataas na rate ng muling pagpapaospital, kritikal na pangangalaga, at paggamit ng ED
Narito Kung Paano Nakakatulong ang VITAS
May kakayahan ang VITAS na tumanggap ng mga pasyenteng nangangailangan ng komplikadong modality-mga pasyenteng posibleng hindi natutugunan ng mga ibang hospice provider ang pangangailangan dahil sa kakulangan ng mga resource o pagkadalubhasa para makapagbigay ng kinakailangang pangangalaga. Ang mga pasyente at pamilya ay nag-uulat ng mas mataas na satisfaction sa pangangalaga kapag ang mga sintomas ay matagumpay na napapamahalaan sa bahay; kaya ang aming mga inihahandog sa komplikadong modality ay nagbibigay-daan sa mabilis na transisyon ng pangangalaga mula sa mga acute care na kinalalagyan, na siyang higit na nakakaapekto sa karanasan ng pasyente.
Pinapangunahan ng aming mga full-time na medical director, ang aming mga doktor ay nakikipagtulungan sa iyong hospital staff para maiangkop ang mga plano ng pangangalaga sa mga kagustuhan at layunin ng mga pasyente sa katapusan ng buhay, na bumubuo ng mas mahuhusay na resulta para sa mga pasyente, pamilya, at tagapangalaga, at nagreresulta sa mas magandang sukatan at satisfaction score para sa iyong ospital.
Case Study: Pasyenteng may Malubhang Sakit sa Puso
Pinaikling Tagal ng Pananatili, Pagbaba ng Mortality at Pagkaunti ng Mga Readmission
Ang mga pasyenteng nangangailangan ng mga pinahabang pananatili, maraming muling pagpapaospital, o mga muling pagka-admit sa ER, o namatay o mas lumubha ang sakit sa ospital, ay nagdudulot ng hindi magandang epekto sa mga marka ng performance ng ospital. Ang VITAS ay naghahandog ng apat na mga antas ng hospice care para matugunan ang iba't ibang pangangailangan ng mga pasyente sa daloy ng kanilang pagkakasakit, na siyang makakabawas o makakaalis sa pangangailangan sa pagbisita sa ospital o ER.
Hangga't ang pasyente ay nananatiling karapat-dapat sa hospice at tinatanggihan ang curative treatment, ang mga hospice inpatient stay para mapamahalaan ang mga acute na sintomas ay hindi itinuturing na muling pagpapaospital. Tinutulungan ng hospice care ang mga pasyente na makamit ang maayos na pagkamatay sa isang ninanais na setting, habang binabawasan ang tagal ng mga pananatili at pati na rin ng in-hospital na mortality rate. Dahil sa hospice, nababakante rin ang mga ICU bed, dahil ang mga pasyenteng dapat sana ay tatanggap ng kritikal na paggamot sa ICU ay puwede nang tumanggap ng nakatuon-sa-ginhawa na pangangalaga sa bahay o sa isang hospice IPU.1
Pangangasiwa ng Malubhang Sintomas at Bukas na Formulary
Sinusuportahan ng aming bukas na formulary at panariling home medical equipment division, ang VITAS ay may mga gamot, kagamitan, at kadalubhasaan para masuportahan ang kahit sinumang pasyente. Gaano man kakumplikado o kahirap ng mga sintomas ng aming pasyente, ang VITAS ay may hospice at palliative care solution at protocol na hindi naibibigay ng ibang mga hospice na provider, kabilang ang:
- Mga intravenous therapy para sa pain management, hydration, mga antibiotic, at iba pa
- Paracentesis at thoracentesis
- Chest tube/PleurX
- High-flow oxygen therapy
- Palliative blood transfusion o pagsasalin ng dugo
- BiPAP, CPAP at Trilogy non-invasive na ventilation
- PEG-tube care at tube feedings o pagpapakain gamit ang tubo
Kung lulubha ang mga sintomas habang nasa hospice care ang iyong pasyente, binabago ng VITAS ang antas ng pangangalaga para makapagbigay ng full-time na klinikal na suporta, mga karagdagang palliative na hakbang, at/o pansamantalang pananatili sa inpatient hospice unit ng VITAS hanggang sa maging stable ang mga sintomas at mapamahalaan ang sakit.
Pinababang Gastos sa Medicare Para sa Bawat Benepisyaryo
Ang paggastos ng Medicare para sa bawat benepisyaryo ay ginagamit para suriin ang kakayahan ng ospital na makapaghandog ng matipid ngunit mahusay na pangangalaga. Ayon sa mga pag-aaral, ang mga pasyenteng may malubhang karamdaman na pumili ng hospice care ay may mas maliit na gastos sa Medicare kung ikukumpara sa mga pasyenteng wala sa hospice bago ang mamatay. Totoo ito kahit na gaano man katagal ang kanilang tagal ng pananatili, na siyang may kapansin-pansing pagkakatipid kahit sa mga pasyente ng hospice na nag-enroll lang nang 1-7 araw bago ang pagkamatay.2
Mapapahusay ng pag-refer ng iyong pasyente sa VITAS ang sukatan ng gastos kada benepisyaryo ng iyong ospital habang binabawasan ang pinansyal na pananagutan ng mga pasyente at pamilya.
Mga Sanggunian
1. Carlson M., Herrin J., Du Q., Epstein A., Barry C., Morrison R., et al. (2010). Impact of hospice disenrollment on health care use and Medicare expenditures for patients with cancer. J Clin Oncol. 28(28):4371.
2. Kelley, A., Deb, P., Du Q., Aldridge C., Morrison, R. (2013). Hospice enrollment saves money for Medicare and improves care quality across a number of different lengths-of-stay. Health affairs (Project Hope),32(3), 552-561. doi:10.1377/hlthaff.2012.0851
Tingnan ang iba pang mga Advantage ng VITAS para sa Mga Ospital
Mga Darating na Webinar para sa Mga Propesyonal sa Pangangalagang Pangkalusugan
Mga Clinician: Mag-sign up para sa mga email mula sa VITAS
Mag-subscribe para sa balita sa end-of-life care at mga libreng CE webinar.
Mag-sign Up