Ang VITAS ay Nagbibigay ng Solusyon sa mga Hamon sa mga Pasyente ng Lubhang-Mapanganib na Katapusan ng Buhay

Makipag-ugnayan sa amin upang malaman kung papaano kayo matutulungan ng VITAS na mapangalagaan ang inyong pasyente.

Kapag ang may high-risk na pasyente na malapit nang pumanaw ay may mga kumplikadong pangangailangan at mga sintomas na mahirap pangasiwaan, maaaring makatulong ang VITAS.

Ang VITAS ay may hospice at palliative care solution at protocol na hindi naibibigay ng ibang mga hospice provider.

Sa aming pamamaraan, kasama dito ang:

  • Intravenous therapies (pangangasiwa ng kirot o sakit at PCA; inotrope therapy para sa mga malala ng sakit sa puso; hydration o pagbibigay ng tubig sa katawan ng pasyente; antiobiotics)
  • Paracentesis at thoracentesis
  • Chest tube/PleurX
  • High-flow oxygen therapy
  • Palliative blood transfusion o pagsasalin ng dugo
  • BiPAP, CPAP at Trilogy non-invasive na ventilation
  • PEG-tube care at tube feedings o pagpapakain gamit ang tubo
  • Mechanical ventilation na itinigil sa bahay
  • Nephrostomy tube management
  • Pangangalaga sa sugat
  • Palliative total parenteral nutrition (TPN)
  • Palliative dialysis
  • Specialized na durable medical equipment (DME)
  • PT, OT at speech therapy
  • Mga Palliative oncologic therapy ayon sa indibidwal na pangangailangan upang makapagbigay ng pain relief at mapangasiwaan ang mga sintomas

Ang Resulta?

Pinapagbuti ng VITAS ang kalidad ng buhay ng pasyente at pinangangasiwaan nito ang mga kumplikadong sintomas ng iba't ibang diagnosis o sakit. Nakakapagbigay ka ng tuluy-tuloy na pangangalaga na may mababang gastos sa pasyente at mas kokonting re-admission o pagbalik sa ospital 9-1-1 na tawag, ED visits, after-hours phone calls at mga medical crisis.

Mabilis na Kumikilos ang VITAS Upang Magbigay ng mga Option at Expertise

Kapag meron ng hospice referral, makikipagtulungan sa iyo ang isang interdisciplinary team ng VITAS upang makapaghatid ng serbisyo ng pangangalaga kung kailan at kung saan mas angkop gawin ito: sa bahay, sa nursing home, sa assisted living facility, sa ospital o sa isang inpatient setting. Kapag hinihingi ng sitwasyon ayon sa medikal na kalagayan ng pasyente, nagkakaroon ng shift na 24/7 upang masigurado ang tuluy-tuloy na pag-aalaga at masiguro na kumportable ang pasyente sa bahay. Sa VITAS, ang tawag namin dito ay Intensive Comfort Care®.

Ang pangangalaga sa pasyenteng nasa huling bahagi na ng kanyang buhay ay maaaring maging mapanghamon at mahirap. Kapag oras na para sa hospice, ang VITAS ang eksperto sa pangangalaga sa mga high-risk at kumplikadong pasyente. Tawagan kami para sa evaluation o i-refer ang iyong mga pasyente sa VITAS upang mapabuti ang kalidad ng kanyang nalalabing buhay.

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.