Gaano Mo Kabilis Kami Kailangan? Parating Naririto ang VITAS
Makipag-ugnayan sa amin upang malaman kung papaano kayo matutulungan ng VITAS na mapangalagaan ang inyong pasyente.
Nag-aalala ka tungkol sa iyong mga pasyente. Nakakatanggap ka ng mga tawag sa kalagitnaan ng gabi mula sa pamilya ng isang pasyente na may malubhang sakit. Sinabihan ka ng ED na dumating na naman ang isang pasyente, natatakot at may sintomas. O kaya naman baka kinakanesela ng isang pasyente ang kanyang mga appointment sa iyong opisina dahil hindi na sila makalabas ng bahay.
Ang mga pabalik-balik sa ospital, maraming mga tawag sa opisina ng doktor at nagiging mas hindi na makalabas ng bahay ay mga palatandaan na ang pasyente ay maaaring karapat-dapat sa hospice. Sino ang may kakayahan para mapangalagaan ang mga pasyente na tulad nito?
24/7 na nakahanda ang mga clinician ng VITAS: Tumawag sa 800.582.9533
Makakatulong ang VITAS Healthcare. Mayroon kaming mga clinician na naka-duty sa araw at gabi upang masagot ang mga katanungan ng aming mga pinanggagalingan ng referral, gumawa ng isang evaluation para sa hospice, o maghandang mag-admit ng isang pasyente Kung kailangan mo ng isang admissions nurse ng VITAS na puntahan ang iyong pasyente na nasa ED sa 4 a.m., magagawa namin ito.
Naghahandog ang VITAS ng mga serbisyo at mga bagay na maaaring magamit upang matulungan ang mga pasyente na makabalik at manatili sa kanilang bahay, kahit ito man ay isang bahay, apartment, nursing home, assisted living community, o pasilidad ng residential care para sa mga matatanda.
Ang VITAS ang pumupunta sa pasyente
Dinadala ng VITAS hospice team ang anumang kinakailangan na may kaugnayan sa diagnosis ng isang sakit na makapagdudulot ng kamatayan, direkta sa pasyente. Sinusuri nila ang klinikal, psychosocial at espirituwal na mga pangangailangan ng pasyente at iba pang mga miyembro ng pamilya. Magkakasamang pinagbibigyan-tuon ng pamilya at ang nurse, hospice aide, social worker, chaplain, boluntaryo at dalubhasa sa pangungulila sa pagpanaw ng tao ang pananakit at iba pang mga sintomas, pag-asa, pagkabalisa at iba pang mga alalahanin na maaaring maka-apekto sa quality of life sa katapusan ng buhay.
Karagdagang Pagbabasa: Ang Iyong Pasyente ay Parang Nasa Bahay Din Sa Hospice Care
Ang team ang nagbibigay sa pasyente ng pagkakataon na manatili sa bahay at magpatuloy na makatanggap ng aktibong, pinasadyang pangangalaga. Tumatanggap ang tagapag-alaga ng pamilya ng edukasyon tungkol sa kung papaano pangangalagaan ang pasyente, anong mga sintomas ang maaaring makita, at kung papaano mapapangalagaan ang kanilang sarili.
Numero 9-1-1. Tawagan ang VITAS sa anumang oras.
Sa isang emergency o sa panahon na gusto lang ng tagapag-alaga na makipag-usap, ang aming Care Connection Center ay parating nakahanda para makipag-usap, magbigay ng medikal na payo, umorder ng mga supply o magpapunta ng isang miyembro ng team sa bahay-sa anumang oras ng araw, sa anumang araw ng taon.
Nakatuon ang VITAS na mapigilan ang mga hindi kinakailangang muling pag-admit sa ospital. Mananatili sa bahay ang mga team ng continuous na paggagamot nang hanggang sa 24 oras sa isang araw kapag medically necessary upang mapangasiwaan ang mga sintomas at gawing kumportable ang pasyente-nang hindi na kailangang tumawag sa 9-1-1. Kung ang mga sintomas ay hindi mapangasiwaan sa bahay, maghahanap kami ng isang lokal na inpatient na kama sa hospice para sa pasyente.
Ipaaalam ng VITAS team sa attending physician ang mga pagbabago sa kalagayan ng pasyente, ngunit wala nang mga tawag sa kalagitnaan ng gabi, walang mga pamamahala ng krisis na kinakailangang gawin ng PCP.
Kung ang pasyente ay high acuity o malubha ang kalagayan at ang paraan ng pangangalaga na kailangan niya ay kumplikado, o kaya naman ay kailangan ng pamilya ng suporta at kasiguruhan sa pagtahak nila ba end-stage o huling bahagi ng sakit ng pasyente sa bahay, nasa tabi nila ang VITAS sa bawat sandali. Kami ang pinipili ng mga clinician, dahil parati kaming nakahandang tumulong kahit kailan.