Ang Hospice ay Tungkol Sa Mga Mapagpipilian
Makipag-ugnayan sa amin para malaman kung paano ka matutulungan ng VITAS sa pangangalaga ng iyong pasyente
Binibigyan ng hospice ang inyong pasyente ng kakayahan na pumili:
- Ang kakayahan na pumili na siya ay mapasa-ilalim ng pag-aalaga na base sa kaginhawahan kaysa sa medical care
- Ang kakayahan na pumili na siya ay manatili sa bahay, kasama ng pamilya at isang hospice team, kaysa sa ospital
- Ang kakayahan na pumili ng isang hospice provider kaysa sa maraming iba pang mga posibilidad
Bilang ang nag-re-refer na manggagamot, mayroon kang kakayahan na pumiling i-refer sa isang espesyalista sa end-of-life care at magkaroon ng isang tungkulin na makipag-tulungan.
Ang mga manggagamot na nag-refer ng mga pasyente sa VITAS ay makakatanggap ng:
- Parehong araw na admission
- 24/7 na pagiging available
- Mga kumplikadong pamamaraan upang makamit ang mga pangangailangan ng iyong pasyente
- Nakaayos at may karanasang mga layunin ng pakikipag-usap tungkol sa pag-aalaga sa pasyente at pamilya
- Continuous na paggagamot sa bahay; inpatient na pag-aalaga kung hindi sapat ang bahay
- Mga pagbisita mula sa isang interdisciplinary care team, mula sa isang hospice aide hanggang sa chaplain o social worker. Kahit na pagkatapos ng pagkamatay, ang suporta sa pangungulila ay magpapatuloy
- Apple iOS na teknolohiya na nag-a-admit ng mga pasyente, pinagtutugma ang pag-aalaga, nagdadala ng mga supply at pinatutunayan ang karapatan na maging karapat-dapat sa tabi ng kama, 365 na araw sa isang taon
- Mga integrated na serbisyo: occupational o respiratory therapy; mga pagbisita ng alagang hayop; mga programa para sa beterano, pang-kultura at relihiyosong grupo
- Mahigit pa sa 70 paglalahad ng pagpapatuloy na edukasyon na nagtuturo kung kailan dapat pumunta sa hospice para sa mas mabuting kinalalabasan
Lahat ng tao ay nangangailangan ng kontrol
Para sa mga pasyente na may seryosong, lumalalang sakit, ang pagkakaroon ng kontrol ay malamang isang bagay na matagal nang hindi nangyayari. Ang karamihan sa mga bagay na kanilang nararanasan-mula sa kung ano ang kanilang pakiramdam hanggang sa kung ano ang mangyayari sa araw na iyon hanggang sa mga malalaking desisyon na ginagawa para sa kanila-ay wala sa kanilang kontrol. Kung ang pag-aasal nila ay parang mga utusan o mga biktima, ito ay dahil iyon ang kinalabasan ng kung ano ang kanilang nararamdaman.
Ang lahat ng tao ay nangangailangan na magkaroon ng ilang kontrol, na mabigyan ng pagkakataon na pumili at tanungin kung ano ang kanilang gusto. Kapag lumilipat sa hospice ang mga pasyenteng may malubhang sakit, binibigyan sila muli ng VITAS ng kontrol. Sinasabihan ng pasyente ang kanyang hospice team kung ano dapat ang itsura ng hospice, ano ang makapag-papabuti ng kanilang pakiramdam, kung papaano nila nais gugugulin ang kanilang mga araw.
May masasabi rin ang pamilya. Kasama ng hospice team, gumagawa sila ng plano sa pag-aalaga para sa pasyente na nagsasalarawan ng personal na kultura at kultura ng pamilya, mga tradisyon, mga pagpipilian.
Ang tamang desisyon
Nag-uusap ngayon ang Centers for Medicare & Medicaid Services (CMS) at ang mga healthcare providers tungkol sa pagtuon sa tamang pag-aalaga sa tamang lugar at sa tamang panahon. Lahat ay nangangailangan ng tamang desisyon.
Sa VITAS, nakikipag-tulungan kami sa mga nagbibigay ng referral upang makilala ang mga pasyente na hindi na tumutugon sa inaasahang medical care, upang maipaliwanag ang pag-aalaga na makakamit ang medikal at psychosocial na mga pangangailangan ng pasyenteng iyon, at upang maintindihan na ang hospice care ay pinakamabuti ang paggana sa paglipas ng mga linggo o buwan, at hindi mga araw o oras.