Paglilipat ng Pag-aalaga mula sa Ospital hanggang sa Bahay
Isang Team ng Hospice Specialists
Ang paglilipat mula sa medical care hanggang sa hospice care ay isang emosyonal na panahon, lalo na kung ang mga pamilya ay nahaharap sa realidad ng kalagayan ng mahal sa buhay o life-limiting diagnosis. Sa oras na makapasok sa VITAS ang pasyente, lumilipat ang pamilya sa "isang bagong normal" na paraan ng pamumuhay na minarkahan sa pamamagitan ng pag-aalaga sa kanilang minamahal sa bahay, isang gawain kung saan madalas silang nagkaroon ng kaunti o walang paghahanda.
Ngunit ginagawa naming mas madali ang paglilipat para sa kapwa pasyente at pamilya sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang team ng hospice specialist upang gabayan at suportahan sila sa bawat hakbang.
Nagbibigay ng Serbisyo
Ang trabaho ng hospice team ay tiyakin na ang pasyente at kanilang pamilya ay nakakakuha ng mga serbisyo, mga supply at impormasyon na kailangan nila upang maging kumportble, kalmado at tiwala sa kaginhawaan ng kanilang sariling bahay, saanman ang bahay nila.
Kasama sa mga miyembro ng team ang doktor, nurse, hospice aid, social worker, chaplain at boluntaryo. Lagi silang available. Mula simula ng paglipat mula sa ospital o nursing home hanggang sa hospice care sa bahay, maingat na ipinapaliwanag ng mga miyembro ng team sa mga miyembro ng pamilya at tagapag-alaga kung ano ang nangyayari, ano ang aasahan at paano aalagaan ang kanilang mahal. Sa mga linggong darating, ang mga miyembro ng hospice team ay bumibisita sa regular na batayan, nagbibigay ng tuluy-tuloy na pangangasiwa ng sintomas at sakit, personal care, tagubilin sa patient care at katiyakan sa pamilya.
Tumutulong sa mga Pasyente sa Paglilipat sa Hospice
Ang paglipat sa hospice care ay maaari ring may kasamang paggamit ng mga espesyal na kagamitang medikal. Anuman ang kailangan ng pasyente-wheelchair, kama, oxygen - sinisiguro ng kawani ng hospice na maihatid ito sa bahay ng pasyente at ang pamilya ay ganap na tinuruan kung paano gamitin ito.
Depende sa kalagayan ng pasyente, maraming mga gamot ang maaaring kailanganin na ibigay sa iba't ibang oras ng araw at gabi. Ang mga miyembro ng hospice team ay nag-aayos ng medikasyon, sinisigurong ang mga refill ay in-order at natanggap, at tinitiyak ang tamang pagtatapon ng mga gamot na hindi na kinakailangan.
Ang mga paglilipat mula sa hospice care hanggang sa bahay ay maaaring maging nakakabalisa, mapa-pribadong tirahan man ang "bahay" para sa pasyenteng may malubhang sakit, nursing home o bahay na assisted living community. Sa tulong ng hospice team na sumusuporta sa paglipat, hindi na sila nag-iisa.