Modelo ng VITAS Care para sa Advanced Cancer
Ano ang Nauugnay sa Hospice Treatment para sa Advanced Cancer?
Naghahandog ang VITAS ng high-acuity na pangangalaga at mga komplikadong modality para mapamahalaan ang mga agresibong sintomas na nauugnay sa advanced cancer, kasama ang pananakit, pagkabalisa, kahirapang huminga, pagduruwal/pagsusuka, kawalan ng ganang kumain, hindi mapatae, pagbaba ng timbang, labis na pagkapagod, at higit pa.
Kasama sa VITAS cancer care plan para sa hospice patients ang 24/7 na klinkal na suporta at naka-base sa bahay na modelo ng pangangalaga. Ang mga regular na pagbisita ng hospice team na binubuo ng iba't-ibang mga disiplina ay nagbibigay ng mga klinikal at psychosocial na suporta para matugunan ang mga pangangailangan ng pasyente at pamilya.
Mga Komplikadong Modality para sa Advanced Cancer/Mga Diagnosis sa Oncology*
Ang bawat hospice care na plano para sa cancer ay indibidwal, at batay sa mga kasalukuyang sintomas, priyoridad, at layunin ng pangangalaga ng pasyente. May mga resource at kadalubhasaan ang VITAS para makapagbigay ng mga komplikadong modality sa ninanais na kinatatayuan ng pasyenteng may cancer, kabilang ang pribadong tirahan, nursing home, komunidad ng assisted living, residential care center para sa nakakatanda, o inpatient na kama.
- IV hydration para mapanatili ang hydration status kasunod sa paghadlang ng cancer sa sapat na intake
- Total parenteral nutrition (TPN) Lyte para mapanatili ang sapat na hydration o pagbibigay ng tubig sa katawan, protina, at mga bitamina para mabawasan ang mga sintomas
- Thoracentesis, paracentesis para sa pag-aalis ng fluid
- Venting G tube para ma-divert ang fluid na nakakadagdag sa pagduruwal at pagsusuka
- Mga parenteral opioid para matugunan ang hindi makontrol na pananakit at ang nauugnay na pagkabalisa dahil dito
- Mga pagsasalin ng dugo para maibsan ang kawalan ng hininga, pagdurugo, at labis na pagkapagod
- Palliative radiation at hormonal therapy para maibsan ang pananakit/sintomas
*Nangangailangan ng pagtalakay ng cliinical case sa pagitan ng medical director ng VITAS at ng attending na doctor.
Bukod pa sa mga komplikadong modality sa itaas, ang mga sumusunod ay puwedeng maisama sa plan of care ng pasyente: PT, OT, speech therapy, at nutritional counseling.
Pangangasiwa ng mga dedikadong Doktor
Ang mga VITAS hospice care plan para sa mga pasyenteng may cancer ay pinapangasiwaan ng aming 700+ na doktor, kung saan mahigit sa 50 ay board certified sa hospice at palliative treatment. Ang aming team ay mayroon ding mga doktor at medical director na may espesyalisasyon sa oncology bago nagbago ng career patungo sa pagtatrabaho sa hospice at palliative care.
Sa pamamagitan ng mga pangunahing doktor sa pangangalaga at mga oncologist/espesyalista ng mga hospice patient, pinapangasiwaan ng mga doktor ng VITAS ang pagsasama-sama ng mga pinasadyang plano ng pangangalaga na kaugnay sa cancer para sa mga pagbisita sa bahay, pag-uusap tungkol sa mga layunin ng pangangalaga, pagkonsulta sa espesyalista, pagsubaybay sa mga gamot na iniinom, palliative care, at iba pang mga serbisyo.
Home Medical Equipment at mga Supply
Nagpapanatili ang VITAS ng sarili nitong division ng home medical equipment, na nagbibigay-daan sa 24/7 na paghahatid ng mga kagamitan at supply para masuportahan ang plano ng pangangalaga na kaugnay sa cancer ng isang hospice patient sa kanilang ninanais na kinalalagyan para sa pangangalaga.
Ang mga supply at kagamitan na ito ay puwedeng ipadala sa iyong mga pasyente sa anumang setting:
- Oxygen at mga non-invasive na ventilation device
- Mga nebulizer para sa pagpapadala ng aerosolized na medication
- Hospital bed
- Mga specialized mattress para maiwasan ang mga pressure sores/ulcer
- Mga ADL assist device gaya ng mga walker, commode, over-bed tray table, patient safety lift
- Incontinence supplies
- Mga supply sa pangangalaga ng sugat
Kapag handa na para sa hospice ang iyong pasyenteng may cancer, handang tumulong ang VITAS. I-refer na ngayon ang iyong pasyente sa VITAS at makikipag-ugnayan sa iyo ang isang espesyalista sa admission sa loob ng ilang minuto. Palagi kaming available.