Ang proseso ng referral sa hospice: Ang mga dapat mong malaman

Kapag ikaw o ang isang mahal sa buhay ay may malubhang karamdaman, maaaring maging nakakapagod ang bawat pagpapatingin sa doktor. Maaaring natatakot ka tungkol sa kung paano lumalala ang iyong karamdaman o nadidismaya dahil sa mahihirap na maunawaang mga medikal na termino. Kaya, kung nagmumungkahi ang iyong doktor ng pagsusuri ng hospice (na tinatawag ding "referral sa hospice"), maaaring mabigla't matakot ka.

Ngunit nakatutulong na ituring ang pagsusuri ng hospice bilang isang pag-uusap at hindi isang pangako. Isa itong pagkakataon para makapangalap ka ng impormasyon at magtanong. Kapag naiiintindihan mo kung ano ang hospice (at ang hindi saklaw nito) at kung paano sinusuportahan ng hospice ang pasyente at ang kanyang pamilya, makagagawa ka ng mga desisyong may sapat na kaalaman at tiwala sa sarili tungkol sa iyong pangangalagang pangkalusugan.

Narito ang maaasahan sa buong proseso ng pagsusuri ng hospice:

Hakbang 1: Paghiling ng pagsusuri

Maaaring humiling ng pagsusuri ng hospice ang kahit sinuman, at walang gastos para gawin ito. Kung minsan, gumagawa ng kahilingan ang isang healthcare professional, tulad ng doktor o social worker; sa ibang pagkakataon naman ay direktang nakikipag-ugnayan sa amin ang pasyente o miyembro ng pamilya.

Nagkakaloob ang VITAS ng iba't-ibang opsyon para humiling ng pagsusuri ng hospice. May isang miyembro ng VITAS na handang tumulong kahit kailan upang mabilis na masimulan ang mga kinakailangang gawin.

  • Telepono: Maaari kang tumawag sa 800.93.VITAS, araw man o gabi, at makipag-usap sa iang miyembro ng pangkat ng VITAS. Kakailanganin mong ibigay ang pangalan ng pasyente, numero ng telepono at ZIP code.
  • Website: Bisitahin ang VITAS.com at kumpletuhin ang isang maikli at protektadong online na form para masimulan ang proseso ng referral. Tatawagan ka ng isang miyembro ng aming pangkat para makapag-schedule ng pagbisita.
  • VITAS mobile app: I-download ang VITAS mobile app at humiling ng pagsusuri mula sa iyong telepono. Kung nagsumite ka ng kahilingan sa ganitong paraan, makatatanggap ka ng kumpirmasyon na ipinadala sa online.

Maaari ding humiling ng pagsusuri ang mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan sa pamamagitan ng kanilang e-referral na platform.

Hakbang 2: Pagsusuri

Oras na matanggap namin ang kahilingan, makikipag-ugnayan kami sa iyo o sa iyong mahal sa buhay para mai-schedule ng pagsusuri, kadalasan sa loob ng 24 oras. Layunin naming makipagkita sa iyo sa sandaling handa ka na.

Gagawin ang pagsusuri saanmang lugar na itinuturing ng pasyente na kanyang bahay, na maaaring isang pribadong tirahan, komunidad ng mga nakakatanda, o pasilidad ng sanay na pangangalaga. Kung nasa ospital ang pasyente, gagawin ang pagsusuri sa opsital.

Sa panahon ng pagsusuri, may isang nurse o coordinator ng admission ng VITAS na:

  • Magtatanong: Magtatanong ang miyembro ng pangkat ng VITAS upang malaman niya ang antas ng iyong pagkakaunawa o ng pagkakaunawa ng iyong mahal sa buhay tungkol sa sakit. Itatanong din nila sa iyo ang tungkol sa iyong mga layunin at kung ano ang pinakamahalaga sa iyo habang lumalala ang sakit. Halimbawa:
    • Anong mga aktibidad ang nagdudulot ng kasiyahan sa iyong buhay?
    • Ilan sa mga taong pinakamalapit sa iyo ang nakaaalam ng iyong mga prayoridad at mga ninanais para sa iyong pangangalaga.
    • Ano ang mga bagay na pinag-aalalahanan mo?
  • Sagutin ang mga tanong: Sasagutin ng miyembro ng pangkat ng VITAS ang anumang tanong mo. Nais naming masiguro na nasa iyo ang impormasyong kinakailangan mo para makapagdesisyon nang may lakas ng loob at tamang kaalaman.
  • Magbahagi ng mga rekomendasyon: Batay sa pagsusuri, tatalakayin nila kung ikaw o ang iyong mahal sa buhay ay karapat-dapat sa hospice, ipaliliwanag ang Medicare Hospice Benefit at iba pang magagamit na mga opsyon, at ilalarawan kung paano ka masusuportahan ng VITAS.

Kung sa pakiramdam mo ay handa ka nang magpatuloy, ang nurse o coordinator ng admission ay magbibigay ng mga form ng pahintulot na kinakailangan para ma-admit sa hospice. Simula doon, maaari nang magsimula ang hospice care.

Hakbang 3: Pag-admit sa hospice

Kapag napirmahan na ang papeles ng admission, magsisimula nang kumilos ang VITAS interdisciplinary team. Magsisimula kami sa pagsasaayos ng pangangalaga at ang paghahatid ng anumang kinakailangang mga medikal na kagamitang, supply, at mga gamot sa kapaligirang itinuturing ng pasyente na kanyang bahay.

Kung nasa ospital ang pasyente at hindi pa ganap na malakas para umuwi, makapagbibigay kami ng inpatient hospice care sa ospital o sa isang pinag-isang Unit ng VITAS Inpatient Hospice Care. 

Paggawa ng unang hakbang

Ang pagpili ng hospice ay hindi nangangahulugan na sumusuko; ito ay tungkol sa pagbibigay ng tulong sa iyo o sa iyong mahal sa buhay na mamuhay nang maayos hangga't maaari at hanggang sa makakaya mo. Sa pagkaunawa ng proseso ng pagsusuri, maaaring mabawasan ang ilan sa mga pag-aalinlangan sa panahon ng pagsubok na ito.

Upang malaman ang higit pa o humiling ng pagsusuri, tumawag sa VITAS sa 800.93.VITAS o i- download ang VITAS app. Ang aming pangkat ay maaaring maka-ugnayan nang 24/7 upang sagutin ang iyong mga tanong at makapagbigay ng gabay. 

Mga madalas itanong

Gaano katagal ang proseso ng pagsusuri ng hospice?

Maaaring maging mabilis ito. Matapos makatanggap ng kahilingan ang VITAS, madalas kaming nagtatakda ng pagsusuri sa loob ng 24 oras. Kung handa na ang pasyente o ang pamilya, ​​​​​​​ang pangangalaga ay maaaring magsimula sa araw na pinirmahan ang papeles ng pag-admit.

Sino ang maaaring humiling ng pagsusuri ng hospice?

Kahit sinuman ay maaaring humiling ng pagsusuri ng hospice, kabilang ang mga pasyente, miyembro ng pamilya, at mga propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan. Dapat magbigay ng sertipikasyon ng doktor na ang pasyente ay mayroong prognosis na anim na buwan o mas maikli para makapagsimula ang hospice care.

May bayad ba ang paghiling ng pagsusuri ng hospice?

Wala. Libre ang paghiling ng pagsusuri at walang obligasyong pumili ng hospice kahit na matagpuang kuwalipikado ang pasyente. Isipin na ang proseso ng pagsusuri ng hospice ay isang pag-uusap, hindi isang pangako.

Saan ginaganap ang pagsusuri ng hospice?

Isinasagawa ang pagsusuri saanmang lugar na tinatawag ito ng pasyente bilang kanyang bahay -isang pribadong tirahan, komunidad ng mga nakatatanda, o pasilidad ng sanay na pangangalaga. Kung nasa ospital ang pasyente, gagawin ang pagsusuri sa opsital.

Tawagan ang VITAS upang higit na malaman pa ang tungkol sa hospice at palliative care options.

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.