Hospice Care para sa End-Stage na Diabetes

Apektado ng diabetes ang halos 12% ng mga tao sa United States, ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC).

Ang end-stage na diabetes, na kilala rin bilang late-stage na diabetes, ay nangyayari kapag ang sakit ay umabot sa punto kung saan malaki ang epekto nito sa kakayahan ng katawan na gumana. Maaaring may kasamang mga komplikasyon ang yugtong ito tulad ng malubhang sakit sa bato, sakit sa puso, pinsala sa ugat (neuropathy) at mga malalang impeksiyon.

Ang mga kundisyong ito ay maaaring makabawas ng malaki sa quality of life at maaaring magpahiwatig na panahon na upang isaalang-alang ang mga opsyon sa pangangalaga na nakatuon sa comfort tulad ng hospice.

Pag-unawa sa end-stage na diabetes

Ang diabetes ay isang talamak na kalagayan na maaaring humantong sa malubhang komplikasyon na nakakaapekto sa iba't ibang bahagi ng katawan. Sa paglipas ng panahon, ang hindi nakontrol na blood sugar ay madalas na nag-aambag sa mga end-stage na komplikasyon ng diabetes gaya ng malubhang sakit sa bato at sakit sa puso. Ayon sa American Diabetes Association, ang diabetes ang nangungunang sanhi ng malubhang sakit sa bato, at sa mga taong may diabetes, ang sakit sa puso ang pangunahing sanhi ng kamatayan.

Bagama't ang diabetes mismo ay maaaring hindi lamang ang tanging dahilan ng paghina, maaaring malaki o malalim ang epekto nito sa katawan. Halimbawa, ang mataas na antas ng blood sugar ay maaaring makapinsala sa mga daluyan ng dugo, na nagdudulot ng mahinang sirkulasyon at mga sugat na hindi naghihilom. Ang mga komplikasyon na ito ay maaaring magpahina sa katawan at mapataas ng posibilidad na magkaroon ng mga impeksyon at iba pang malubhang isyu sa kalusugan.

Ano ang mga palatandaan at sintomas ng end-stage na diabetes?

Ang mga pasyenteng nabubuhay na may end-stage na diabetes ay maaaring makaranas ng iba't ibang mga seryosong sintomas na nagpapahiwatig ng paglala ng sakit at maaaring mangailangan ng hospice care. Ang mga sintomas na ito ay madalas na nagpapakita ng humihinang kakayahan ng katawan na maghilom, malabanan ang impeksyon at makontrol ang blood sugar.

  • Mabilis na pagbaba ng timbang: Maaaring mangyari ang hindi maipaliwanag at makabuluhang pagbaba ng timbang habang nahihirapan ang katawan na epektibong maproseso ang mga sustansya at mapanatili ang enerhiya.
  • Paulit-ulit na impeksyon: Ang mahinang immune system ay nagiging sanhi ng mga impeksyon, gaya ng urinary tract, impeksyon sa balat o iba pang mga impeksyon na mas madalas at mas mahirap gamutin.
  • Mga sugat na hindi gumagaling: Ang mahinang sirkulasyon at pinsala sa ugat (neuropathy) ay maaaring magdulot ng mga sugat na hindi gumagaling, na nagpapataas ng panganib ng malubhang komplikasyon.
  • Madalas na pagpapa-ospital: Ang matinding impeksyon, krisis sa blood sugar, at mga komplikasyon sa puso at bato ay maaaring magresulta sa paulit-ulit na pananatili sa ospital.
  • Hindi makontrol na mga pagbabago sa blood sugar: Habang humihina ang kakayahan ng katawan na i-regulate ang insulin at ang blood sugar, ang mga pasyente ay maaaring makaranas ng matinding pagtaas at pagbaba ng antas ng blood sugar.

Ang pagkilala sa mga sintomas na ito ay makakatulong sa mga pamilya at tagapag-alaga na magpasya na isaalang-alang ang mga opsyon sa pangangalaga na nakatuon sa comfort na sumusuporta sa quality of life.

Kung ang iyong mahal sa buhay o pasyente ay nakararanas ng mga malubhang sintomas na ito, tumawag para malaman kung maaari silang maging karapat-dapat para sa pangangalaga sa hospice.

Paano nagbibigay ng comfort ang hospice care para sa mga pasyente

Ang hospice care para sa mga pasyenteng may end-stage na diabetes ay nakatuon sa comfort at ginhawa sa sintomas sa halip na mahigpit na kontrol sa blood sugar o pag-iwas sa pangmatagalang komplikasyon. Habang lumalala ang sakit, ang layunin ay nagiging pagbabawas ng pasanin sa paggamot habang iginagalang pa rin ang mga pangangailangan at kagustuhan ng pasyente. Para sa marami, ang pagpapanatili ng isang pinasimpleng plano sa pamamahala ng diabetes ay maaaring magbigay ng pakiramdam ng kontrol at kapanatagan nang hindi nagdaragdag ng labis na stress​​​​​​​.

Sa VITAS, ang isang interdisciplinary hospice team ay malapit na nakikipagtulungan sa mga pasyente at kanilang mga mahal sa buhay upang lumikha ng isang personalisadong plano sa pangangalaga na sumusuporta sa kanilang mga layunin at tumutugon sa kanilang pisikal, emosyonal at espirituwal na mga pangangailangan. Maaaring kabilang dito ang espesyal na pangangalaga sa sugat upang maiwasan ang mga impeksyon, gabay sa pamamahala ng mga sintomas ng blood sugar, at edukasyon upang bigyang kakayahan ang mga pamilya sa pagbibigay ng pang-araw-araw na pangangalaga at suporta. Ang mga pamilya ay tumatanggap din ng pagpapayo at patnubay, na tumutulong sa kanila na maging mas kumpiyansa at hindi gaanong nag-iisa sa panahon ng matinding emosyonal na paglalakbay na ito.

Kailan angkop na desisyon ang hospice?

Ang hospice care ay maaaring angkop na desisyon kapag ang isang pasyente na may diabetes ay nakakaranas ng mga end-stage na komplikasyon sa diabetes at ang kanilang life expectancy ay anim na buwan o mas maikli. Kung ikaw o ang isang mahal sa buhay ay may diabetes at nakakaranas ng end-stage na komplikasyon ng diabetes, makipag-ugnayan sa VITAS upang malaman kung paano makakatulong ang hospice care. Tawagan kami sa 800.582.9533 >

Mga Bagay na Madalas Itanong

Ang diabetes ba ay isang nakamamatay na sakit?

Ang diabetes ay isang malalang karamdaman, hindi isang nakamamatay na sakit. Ang mga kumplikasyon ng diabetes tulad ng malalang sakit sa bato o sakit sa puso ay maaaring humantong sa mga sitwasyong malapit na sa katapusan ng buhay.

Kwalipikado ba ang diabetes para sa hospice care?

Ang mga pasyente na may malubhang diabetes at mga kaugnay na kumplikasyon ay maaaring maging kwalipikado para sa hospice care kung ang kanilang life expectancy ay anim na buwan o mas maikli.

Ano ang diabetic coma, at ano ang ibig sabihin nito?

Ang diabetic coma ay isang kalagayan na nagbabanta sa buhay na sanhi ng sobrang taas o sobrang baba na antas ng blood sugar. Ito ay nangangailangan ng agarang medikal na atensyon at maaaring magpahiwatig ng pangangailangan para sa pagpaplano sa pangangalaga sa taong malapit ng pumanaw.

Tawagan ang VITAS upang higit na malaman pa ang tungkol sa hospice at palliative care options.

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.