Pinagsisilbihan ng VITAS ang Jewish Community

Accredited ang VITAS na Pagsilbihan ang mga Jewish Patient

Ang isang malaking bilang ng mga programa ng VITAS ay kinikilala ng National Institute for Jewish Hospice (NIJH) upang matiyak na ang hospice care ay sumunod sa mga Jewish ideal habang inaalagaan nila ang mga pasyente at kanilang pamilya. Sinanay ang lahat ng mga VITAS patient care team at volunteer sa mga paniniwala, kaugalian, pilosopiya at etika ng mga taong nagpapahayag at di nagpapahayag ng pagka-Hudyo.

Nauunawaan ng VITAS ang paniniwala at kaugalian ng mga Hudyo

Ang mga tradisyon ng Reform, Conservative at Orthodox ay iba sa mga obserbasyon at batas habang nauugnay ang mga ito sa end-of-life care at hospice care para sa pananampalatayang Hudyo, paghahanda sa libing at suporta para sa namatay. Mahalaga, samakatuwid, para sa mga programa ng hospice at tagapag-alaga na maging handa nang maayos at may alam tungkol sa paraan ng Hudyo sa kamatayan at pagdadalamhati.

Halimbawa sa kaugalian ng mga Hudyo, ay ang pangangailangan sa isang tao na manatili kasama ang namatay mula sa oras kung kailan ito namatay hanggang sa paglilibing upang matiyak na walang pagkakasira. Dahil itinuturing na sagrado ang katawan, ang mga pamilyang nais sundin ang kaugalian ng mga Hudyo ay karaniwang pumipili ng Jewish funeral home upang ihanda sa libing ang katawan ng kanilang mahal sa buhay.

Tinuturuan ng mga programa ng VITAS certified Jewish hospice ang mga kawani at boluntaryo sa mga paniniwala at kaugaliang ito kasama ang etika ng mga Hudyo na may kinalaman sa medical futility at kalinga sa pagkakasakit na walang lunas. Sa suporta ng mga kawani na espesyal na sinanay sa kultura at tradisyon ng mga Hudyo, maaari nang harapin ng mga pasyente at pamilya ng VITAS na kumakatawan sa lahat ng mga tradisyon ng pananampalataya sa loob ng Jewish community ang kamatayan o pagkawala ng mahal sa buhay batid na ang kanilang pananampalataya, tradisyon at pinahahalagahan ay nauunawaan at iginagalang.

Magka-ayon ang Hospice at Judaismo

Binibigyang-diin ng tradisyon, pamana at panitikang Hudyo ang kahalagahan ng buhay at "tungkulin ng isang Hudyo na mabuhay, di lamang ang karapatang mabuhay." Sa ganitong kaisipan, naaayon ba ang Judaismo sa hospice? Totoo nga.

Ang mga pangunahing medical official ng VITAS, kabilang ang medical executive ng VITAS, ay sumulat nang malawigan sa end-of-life care sa mismong tradisyong Hudyo. Kasama nila sina Joel S. Policzer, MD, FACP, FAAHPM, senior vice president ng medical affairs, at retiradong chief medical officer na si Barry M. Kinzbrunner, MD, FACP, FAAHPM. Si Dr. Kinzbrunner, na isa ring hinirang na Orthodox rabbi, ay nag-coauthor sa "The Jewish Hospice Manual" kasama si Rabbi Maurice Lamm, DD, tagapagtatag at pangulo ng National Institute for Jewish Hospice (NIJH). Pinalawig nina Dr. Policzer at Kinzbrunner ang pagtalakay sa mga hospice at tradisyong Hudyo.

"Mula sa pangangalaga ng may sakit hanggang sa pagdadalamhati ng mga naiwan, nagbibigay ang Judaismo ng malalim na paraan para sa mga tagasunod nito na markahan ang pagkamatay ng mahal sa buhay, habang pinararangalan pa rin ang buhay mismo," sa kanilang akda. "At makakatulong ang mga sinanay na hospice worker sa mga Jewish patient at sa kanilang pamilya habang sinusunod nila ang sinaunang tradisyon."

¹Lamm, Maurice, at Kinzbrunner, Barry M. The Jewish Hospice Manual. Miami: VITAS Healthcare Corporation, 2016. I-print.

Tawagan ang VITAS upang higit na malaman pa ang tungkol sa hospice at palliative care options.

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.