Pinabubuti ng Pang-indibidwal na Programa ng Pagpapalayaw na Pangangalaga ng VITAS ang Karanasan ng Pangangalaga ng Pasyente

Ang mapag-arugang pangangalaga para sa mga pasyenteng nasa katapusan ng buhay ay hindi lamang basta pangangasiwa ng sintomas at pananakit. Maaari ding kabilang dito ang mga serbisyo sa kaginhawahan ng nagpapabuti sa karanasan ng pangangalaga ng pasyente.

Ito ang lugar kung saan nauugnay ang Pang-indibidwal na Pagpapalayaw na Pangangalaga ng VITAS ("VITAS Individualized Pampering" o VIP) na Programa. Sinusuportahan ng programang ito ang klinikal na plano ng pangangalaga ng pasyente sa pamamagitan ng mga relaxation na serbisyo at mga aktibidad na nakatutulong sa alaala.

"Tinutulungan ng VIP na programa ang hospice team na malaman kung anong mga karanasan o pamamagitan ang maaaring makatulong upang mapangasiwaan o mapahupa ang mga sintomas ng pasyente," sabi ng Punong Opisyal sa Nursing ng VITAS na si Karen Peterson. "Kung ang pagpapalayaw na pangangalaga, tulad ng pagpapaganda ng kuko, ay dating nakakapagpa-relax sa kanila, posibleng makatulong din ito sa pagpapahupa ng kanilang pagkabalisa o stress habang nasa hospice."

Ang Pagpapabuti ng Kalidad ng Buhay sa mga Huling Buwan, Linggo, at Araw ng Pasyente

Ang mga pamamagitan ay kaugnay sa:

  • pagpapakalma ng pagkabalisa
  • pagpapabawas ng pakiramdam ng pagiging nag-iisa
  • pagsasali ng mga pasyente sa mga aktibidad na nagpapasigla sa pamamagitan ng paghipo kung hindi sila nakakagalaw

Ang mga isinakatuparang serbisyong ito ay maaaring makatulong na mapakalma ang tibok ng puso, presyon ng dugo, bilis ng paghinga, kalidad ng pagtulog, pakiramdam ng pasyente at higit pa. Ang pagpapasigla ng pag-iisip at pakikipag-ugnayan sa mga boluntaryo at team ng pangangalaga ay nagpapabuti sa kalidad ng buhay ng pasyente.

"Ito ay karagdagang mapagmahal at mapag-arugang pangangalaga na nagsimula para sa mga pasyente sa mga komunidad ng pamamahay sa nakatatanda at lumago ito upang maisali ang mga pasyenteng bahagi ng aming buong lawak ng pangangalaga," sabi ng Tagapangasiwa sa Pambansang Pangangalaga ng Pasyente na si Teresita Mesa.

Anu-ano ang mga Serbisyo ng VIP na Programa?

Ang mga serbisyo ng VIP ay nakatuon sa pagpapa-relax at suporta. Tinatasa ng VITAS care team ang pangangailangan ng bawat pasyente at nagbibigay ng mga serbisyong higit na makatutulong, na siyang maaaring kabilang ang:

  • Pagsasaayos ng hitsura
  • Pangangalaga ng kuko
  • Pagmamasahe ng kamay
  • Musika
  • Aklat-kulayan para sa mga may sapat na edad
  • Mga palaisipan
  • Mga larong tulad ng "itugma ang mga hugis"
  • Mga baraha
  • Pagsali sa mga construction o craft kit
  • Mga kagamitan sa pandama para sa paggalaw, pagsasaayos, at paghipo
  • Pagbibigay ng mga twiddle muff/kumot na ginagamit kapag hindi mapakali

Kabilang sa iba pang mga pamamaraan ng pagpapa-relax ang:

  • Pagmamasahe
  • Reiki
  • Tai chi
  • May gabay na pagninilay-nilay
  • Mga pamamaraan para sa malalim na paghinga

Ang mga serbisyo ay maaaring mag-iba-iba ayon sa lugar; hindi lahat ng mga karansan ay maaaring makuha sa lahat ng programa.

Paano Tumatanggap ng mga VIP na Serbisyo ang mga Pasyente

"Ang hospice care na ibinibigay ng VITAS ay base sa pang-indibidwal na klinikal na pagtatasa," sabi ni Peterson. "Mahalagang maintindihan ng team ng pag-aalaga ang mga sintomas at pangangailangan ng pasyente mula sa pananaw ng kapwa pasyete at tagapangalaga, upang makapagbigay kami ng mga solusyon na base sa aming kadalubhasaan sa klinika. Ang maraming mga sintomas na maaaring nararanasan ng isang pasyente ng hospice ay nakaaapekto sa kanilang kalidad ng buhay."

Upang maidagdag ang mga serbisyo ng VIP na Programa sa plano ng pangangalaga ng pasyente, kukumpletohin ng mga doktor ang isang palatanungan para sa bawat indibidwal. Ang mga tanong ay nakatutulong sa mga miyembro ng pangkat na malaman kung alin sa mga serbisyo ang magiging kaakit-akit sa bawat pasyente, tulad ng:

  1. Mga libangan: Anu-anong mga uri ng libangan ang iyong (dating) kinasisiyahang gawin?
  2. Mga interes: Anu-anong mga bagay ang mga kinatutuwaan mong pag-usapan? Anong bagay ang nakakukuha ng iyong atensiyon?
  3. Paglalakbay: Nais mo ba (dating) maglakbay? Mayroon ka bang listahan ng mga lugar na lubos na nais mong bisitahin? Taga-saan ang iyong mga ninuno?
  4. Mga laro: Kinasisiyahan mo ba (dating) manood o sumali sa mga laro?
  5. Trabaho: Anong uri ng trabaho ang ginawa mo?

Tinutulungan ng palatanungan ang mga doktor na makilala kung ano ang palaging ninanais gawin ng pasyente ngunit hindi niya kailanman nagawa ito. Nagbibigay ito ng listahan ng mga posibilidad upang karagdagan pang mabawasan ang mga opsiyon patungo sa partikular na mga interes ng pasyente.

Maging hospice volunteer.

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.