Ang Iyong Pasyente ay Parang Nasa Bahay Din Sa Hospice Care
Kapag ang mga tradisyonal na paggagamot o paglunas ay hindi na epektibo at ang mga layunin ng pangangalaga ay mas nakatuon para sa kaginhawahan, naghahandog ang VITAS Healthcare ng hospice care para sa iyong mga pasyente sa kinalalagyan ng pangangalaga na kanilang pinili.
Para sa karamihan ng mga pasyente, ang ibig sabihin nito ay ang pananatili sa bahay, habang napaliligiran ng kanyang mga mahal sa buhay.
Kung ang pasyente ay karapat-dapat para sa hospice, may isang pangkat ng mga klinikal na dalubhasa na bibisita sa kanya sa kanyang bahay o iba pang setting ng pangangalaga upang makapagbigay ng coordinated care. Nakikipagtulungan ang mga doktor ng hospice at mga miyembro ng team sa doktor o espesyalista na may responsibilidad para sa pangunahing pangangalaga ng pasyente upang makamit ang pangangailangang medikal at pang emosyon at isakatuparan sa isang naaangkop na paraan ang plano ng pangangalaga.
Maaaring pumili ang mga nag-refer na doktor kung gaano sila kasangkot sa pangangalaga ng pasyente.
Ang mga Benepisyo ng Hospice Care-para sa Iyo at sa Iyong Pasyente
Ang hospice care ay natatangi dahil inilalagay nito ang pasyente at pamilya sa gitna ng plano ng pangangalaga-isang plano ng pangangalaga na naka-base sa kanilang mga ninanais, pinahahalagahan at mga layunin. Para sa karamihan ng mga pasyente, ang mga layunin na ito ay tungkol sa kalidad ng buhay kapag malapit na sa katapusan ng buhay: pagiging kumportable, nasa bahay, na may tulong upang mapangasiwaan ang kanilang pananakit at mga sintomas.
Tinutulungan ng mga hospice team ang mga doktor sa mga kahirapan ng mga sintomas na kaugnay sa katapusan ng buhay, kabilang ang pagbabawas ng patuloy na pagbisita sa ED at mga muling pag-admit sa ospital. Ginagamit ng inyong pasyente ang Medicare hospice benefit upang makatanggap ng mapagmalasakit na pangangalaga sa isang pamilyar na lugar.
- Kadalubhasaan at Suporta ng Hospice: Isang interdisciplinary team ng VITAS-doktor, nurse, hospice aide, social worker, chaplain, espesyalista sa pangungulila, at boluntaryo-ang nangangasiwa ng klinikal, psychosocial, at espiritwal na pangangalaga. Ang mga plano ng pag-aalaga na nakatuon sa pasyente ay regular na binabago. Maaaring piliin ng pangunahing manggagamot (primary care physician o PCP) ng pasyente na manatiling kabahagi pa rin nito.
- Kumplikadong mga Modality at High-Acuity na Pangangalaga: Para sa mga pasyenteng may matinding mga sintomas, naghahandog ang VITAS ng mataas na level ng pangangalaga upang mapahupa ang kanilang kalagayan. Kabilang dito ang agresibong pangangasiwa ng sintomas sa anumang kinalalagyan sa pamamagitan ng tradisyonal na paggagamot kasama ng parenteral na mga intervention, high-flow na O2, inotropic na therapy, at higit pa.
- Mga Kagamitang Kaugnay sa Hospice, Supply, at Reseta: inihahatid ng VITAS Home Medical Equipment ang mga kagamitan at supply (hal., hospital bed, wheelchair, mga diaper, oxygen) sa bahay ng pasyente. Naghahandog din ang VITAS ng isang bukas na formulary, kabilang ang pagpapatuloy ng mga gamot na nakadirekta sa sakit na tulad ng mga beta blocker, ace inhibitor, diuretic, inhaler, cholinesterase inhibitor (iyon ay, donepezil), atbp., na may kasamang pangangasiwa ng isang nurse ng VITAS.
- 24/7 na Pangangalagang Nakatuon sa Kalmado, Kaginhawahan, at Kalidad ng Buhay
- Regular na mga pagbisita sa bahay ng team ng hospice upang masuportahan ang pasyente at ang miyembro ng pamilya na nagbibigay ng pangangalaga.
- Continuous na paggagamot, kapag medikal na naaangkop, nagbibigay ng pansamantalang 24-na-oras na mga shifts ng continuous na paggagamot (ang tawag ng VITAS sa serbisyong ito ay Intensive Comfort Care®) sa tabi ng kama hanggang sa mawala ang mga sintomas.
- Ang Telecare ay nagbibigay ng 24/7 na kakayahang makipag-ugnayan sa isang dalubhasa sa pangangalaga ng pasyente na maaaring sumagot sa mga tanong, lutasin ang mga krisis, o magpapunta ng isang naka-on-call na empleyado ng hospice papunta sa bahay. Ang layunin ay upang maiwasan ang magagastos na mga muling pag-admit sa ospital at mga hindi kinakailangang pagbisita sa emergency department.
Kung hindi sapat ang pangangalaga sa bahay, mayroon ding inpatient na pangangalaga upang mapamahalaan ang mga sintomas at mga krisis, o upang mabigyan ang mga tagapag-alaga ng pamilya nang hanggang sa 5 araw ng respite care.
Mas Maagang Paggawa ng Desisyon Para Piliin ang Hospice
Patuloy na nagpapakita ang mga pananaliksik na ang hospice care ay nagreresulta sa pinabuting kasiyahan ng pasyente at pamilya.1,2 Ipinapakita ng mga pag-aaral na karamihan ng mga pasyente na may malubhang karamdaman ay makikinabang kapag sila ay ini-refer nang mas maaga sa hospice para sa komprehensibong pangangalaga.2,3
Lubos na mahalagang matulungan ang mga kwalipkadong benepisyaryo ng Medicare na makagawa ng may-kaalamang desisyon tungkol sa uri ng pangangalaga na kanilang nais na matanggap kapag malapit na sa katapusan ng buhay. Kapag ang isang tao ay pinag-iisipan ang hospice, o gumamit ng salitang "hospice," hindi nito nangangahulugang siya ay sumusuko na. Sa karaniwan, napagpasiyahan na ng mga taog may malubhang karamdaman at ng kanilang doktor na ang mga medikal na paggagamot ay hindi na epektibo o kaya ang mga hindi ninanais na epekto ng paggagamot ay hindi na natitiis.
Tinanong mo na ba ang iyong mga pasyenteng may malubhang sakit tungkol sa kanilang pagnanais para sa advanced na pangangalaga? Marahil ay oras na para gawin ang pakikipagtalakayan na ito sa iyong mga pasyente at ihandog sa kanila ang opsiyon ng mga hospice services upang mapabuti ang kanilang kalidad ng buhay.
1Kumar, P., et al. (2017). Family perspectives on hospice care experiences of patients with cancer. Journal of Clinical Oncology, 35(4), 432.
2Teno, J. et al. (2007). Timing of referral to hospice and quality of care: length of stay and bereaved family members’ perceptions of the timing of hospice referral. Journal of Pain and Symptom Management, 34(2), 120-125.
3Trella Health (2020). Quantifying Hospice’s End-of-Life Impact. Matatagpuan sa: https://www.trellahealth.com/portfolio_page/ quantifying-hospices-end-of-life-impact