VITAS Advantage: Case Study tungkol sa High-Acuity na Pangangalaga para sa mga Ospital
Case Study: Pasyenteng may Advanced Lung Cancer
Si JM*, isang 67 taong gulang na lalaking may malalang lung cancer, ay na-admit sa emergency department dahil sa pangangapos ng paghinga, pagduruwal, pagsusuka, dehydration, at tumitinding pananakit. Noong binanggit ng doctor ng ED ang paglipat sa intensive care unit (ICU) ng ospital para mapamahalaan ang kanyang mga sintomas, sinabi ni JM na ayaw na niyang ituloy ang paggagamot laban sa kanyang tumor at nais na lamang niyang umuwi sa bahay.
Sumang-ayon ang asawa ni JM sa desisyon ng kanyang asawa, pero sinabi niyang kailangan niya ng tulong sa pamamahala ng kanyang pabago-bagong mga sintomas. Humiling din siya ng karagdagang suporta bilang tagapag-alaga ni JM.
Sa loob ng oras na iyon, nailipat si JM sa hospice care sa bahay, na sinusuportahan ng isang hospice team na mula sa iba't ibang mga disiplina, isang pansamantalang 24 na oras na shift ng continuous na paggagamot sa tabing-kama para sa respiratory support at pain management, at karagdagang suporta mula sa isang respiratory therapist para maiwasan na muling ma-admit sa ospital. Nagpadala ang VITAS ng hospital bed at kinakailangang mga kagamitan/supply na nauugnay sa cancer na diagnosis ni JM. Nakatanggap ang kanyang asawa ng kaalaman mula sa hospice team tungkol sa pamamahala ng sintomas at oxygen, ikinonekta siya ng isang social worker sa mga resource ng komunidad, at sinusuportahan siya ng isang kapilyan sa kanyang pagluluksa bago ang kamatayan.
*Tinutukoy ng mga inisyal na ito ang isang hindi makikilalang pasyente at ginagamit lamang para sa mga layunin ng pagbibigay ng impormasyon.
Ang Hospice Care ay Kaugnay sa Mas Mababang Dami ng Pagkamatay sa Ospital at Intensive Care
Ang pagpapa-enroll sa hospice sa huling anim na buwan ng buhay ay nauugnay sa pinabuting kasiyahan ng pasyente at pain management, mas kaunting araw sa ospital, at mas mababang dami ng pagkamatay sa ospital at intensive care unit (ICU) para sa mga pasyente ng Medicare, ayon sa nailathalang ulat sa BMJ Supportive & Palliative Care.
"Gaya ng nakasaad sa ibang mga pag-aaral na nagpapakita ng benepisyo, ang paggamit ng hospice care ay nauugnay sa mas magandang resulta ng kalidad ng pangangalaga, kasama ang mga sukatan ng pag-aalaga na nakatuon sa pasyente," ayon sa mga may-akda. Ayon sa kanilang mga napag-alaman, kanilang sinasabi na kailangang itampok ang kahalagahan ng "mas malaking pagpapalawig ng paggamit ng hospice para mabawasan ang mga pagkamatay sa ospital at mapahusay ang kalidad ng pangangalaga ng mga pasyenteng may hindi gumagaling na karamdaman."
Sinuri ng mga tagapagsiyasat ang data mula sa Dartmouth Atlas of Health Care Report noong 2012 at ang database ng survey ng American Hospital Association ng 236 na mga akademikong medikal na sentro sa U.S. na kinikilala bilang ang mga pinakamahusay na ospital para sa klinikal na pagkadalubhasa para sa 2012-2013 ng U.S. News and World Report.
Ang mga pasyenteng kumakatawan sa pag-aaral ay mahigit sa 163,000 na mga benepisyaryo ng Medicare na namatay noong 2010 at naospital nang isa o mahigit pang beses sa nakalipas na dalawang taon nang hindi bababa sa isa sa siyam na hindi gumagaling na mga karamdamang nauugnay sa mataas na dami ng pagkamatay: malignant na cancer/leukemia, chronic pulmonary disease, coronary artery disease, congestive heart failure, peripheral vascular disease, severe chronic liver disease, diabetes na may end-organ damage, chronic renal failure, at dementia.
Sa pangkalahatan:
- 46.8% ng mga pasyente ay naka-enroll sa hospice sa huling anim na buwan ng buhay
- 31.1% ng lahat ng mga pasyente ay namatay sa ospital
- 21.9% ng mga pasyente ay namatay sa ICU
Ang hospice care sa huling anim na buwan ng buhay ay nauugnay sa mga variable na kumakatawan sa mataas na kalidad na end-of-life care. Kasama rito ang:
- Mas kakaunting pagkamatay sa ospital (linear correlation coefficient [r] = 0.842; P = 0.01)
- Pagbabawas ng mga araw sa ospital (r = 0.517; P = 0.01)
- Mas mahusay na pagkontrol sa pananakit (r = 0.491; P = 0.01)
- Mas mataas na mga antas ng kasiyahan ng pasyente (r = 0.448; P = 0.01)
- Mas kakaunting pagkamatay sa ICU (r = 0.358; P = 0.01)
"Ang pag-promote ng mataas na kalidad, ligtas, at epektibong pangangalaga ay isang internasyonal na kinakailangan sa pangangalagang pangkalusugan," ayon sa mga may-akda. Sa U.S., inulat ng 2014 Institute of Medicine sa "Dying in America: Improving Quality and Honoring Individual Preferences near the End of Life" kung saan sinasabi na "ang pagbibigay ng mataas na kalidad ng pangangalaga para sa mga tao na malapit na sa katapusan ng buhay ay isang propesyonal na dedikasyon at responsibilidad."
Ang VITAS Advantage: Sinusuportahan ng Hospice Care ng VITAS ang mga Metrics ng Ospital
Matutugunan ng mga ospital ang mga pangunahing sukatan sa kalidad at layunin sa pananalapi sa pamamagitan ng pagdepende sa VITAS para sa mga napapanahon at mahusay na referral at mga interdisciplinary hospice team na may espesyalidad sa high-acuity na pangangalaga para sa mga pasyenteng may malubhang karamdaman. Hospice care:
- Nagbabawas sa mga sukatan ng tagal ng pagtigil (length-of-stay, o LOS) sa ospital, muling pag-admit sa ospital at ED, at ang mga pagkamatay sa ospital
- Pinapahusay ang pangangasiwa ng sintomas at antas ng kasiyahan ng pasyente at pamilya
- Nagbabakante sa mga kama sa ICU at critical care, at nagbabawas ng gastos ng Medicare kada benepisyaryo sa pamamagitan ng paglilipat ng mga pasyente palabas ng ospital patungo sa kanilang gustong kinalalagyan para sa high-acuity na hospice care
Pinagmulan: Kleinpell, R., & Vasilevskis, E. (2016). Exploring the association of hospice care on patient experience and outcomes of care. BMJ Supportive & Palliative Care, DOI: 10.1136/bmjspcare-2015-001001