Isang lalaking nakahiga sa kama sa bahay, habang tumatanggap ng oxygen therapy

VITAS Advantage: Case Study tungkol sa Mga Komplikadong Modality para sa Mga Doktor

Ang Supportive Palliative Radiation, isa sa Opsyon ng VITAS Care, ay Nababawasan ng Paggamit sa Marami sa mga Provider ng Hospice

Kahit na ang dami ng mga nagsasariling mga programa ng hospice ay lumalaki nang mahigit sa 500 sa pagitan ng 2011-2018, lubos na mas kakaunting mga programa ang naghahandog ng palliative radiation sa mga pasyenteng malapit na sa katapusan ng buhay na may advanced cancer sa kaparehong 7 taon na panahon. 

Ang pagbaba ng sumusuportang palliative care na ito ay taliwas sa ebidensya at kasalukuyang klinikal na kasanayan sa hospice, kasama ang data ng VITAS, na nagpapakita na ang nakatuon-sa-pasyenteng radiotherapy sa partikular ay makakapagbigay ng kaginhawahan at pinahusay na quality of life para sa mga pasyenteng tumatanggap ng hospice care para sa advanced cancer

Bagama't lumaki nang husto ang mga programa ng hospice patungo sa 2,948 ($15 bilyong kabuuang gasyos) mula sa 2,404 ($1.2 bilyong kabuuang gastos) sa pagitan ng 2011-2018, bumaba ang kanilang gastos sa radiotherapy nang 75% (mula $6.3 milyon patungo sa $1.3 milyon), ayon sa mga mananaliksik sa Pennsylvania at Connecticut. Ang mismong dami ng mga programa ng hospice na naghahandog ng palliative radiotherapy ay bumaba nang halos kalahati, mula 307 patungo sa 159.

Iniuugnay ng mga napag-alaman ng mga mananaliksik noong 2020 sa JAMA Oncology ang pagbaba ng mga agresibong palliative na modality sa 2016 pagbabago sa hospice reimbursement na ginawa ng Centers for Medicare and Medicaid Services (CMS) para sa mga palliative na interbensyon.

Ayon sa kapwa may-akda ng pag-aaral na si Shi-Yi Wang, MD, mula sa Yale Cancer Center, sa Medscape (Mayo 16, 2020), "iminumungkahi ng mga resulta na maaaring marami sa mga pasyente ng hospice ang hindi nakakaranas ng palliative radiotherapy na posibleng gawing mas kumportable ang kanilang mga huling araw… Puwedeng mabawasan ng palliative radiotherapy ang pananakit at mga sintomas, gaya ng radiotherapy para sa bone metastasis, at hindi malubha ang mga side effect ng radiotherapy. Maaaring mapahusay ng pagpapabuti ng sintomas ang quality of life para sa mga pasyenteng ito.

Gayundin, sinasabi ng isang pag-aaral noong 2017 sa Journal of Palliative Medicine na "ang mga hospice services ay nagbibigay ng mas mahusay na pagsubaybay, palliative treatment, at dagdag na social support, mga salik na indibidwal na nauugnay sa pinahusay na survival."

Mga Komplikadong Modality: Ang VITAS Advantage

Naghahandog ang VITAS ng maraming mga komplikadong modality na nakatuon-sa-kaginhawahan na paggamot, na hindi nagagawa ng mga ibang provider ng hospice. Ang palliative radiation ay isa sa maraming mga modality para mapamahalaan ang mga sintomas, matugunan ang pananakit, makapagbigay ng kaginhawahan, at mapabuti ang quality of life ng mga pasyente ng hospice. Sa katunayan, makikita sa isang kahiwalay na pagsusuri na tumaas ang mga palliative na pamamaraan ng VITAS.*

Suportado ng klinikal na pagka-eksperto, 24/7 na availability, at open formulary ng VITAS, kasama sa mga karagdagang modality na ibinibigay ng VITAS ang:

  • Mga intravenous therapy para sa pain management, hydration, mga antibiotic, atb.
  • Paracentesis at thoracentesis
  • Chest tube/PleurX
  • High-flow oxygen therapy
  • Palliative blood transfusion o pagsasalin ng dugo
  • BiPAP, CPAP, at Trilogy na non-invasive na bentilasyon
  • PEG-tube care at tube feedings o pagpapakain gamit ang tubo

*Internal na data ng VITAS na naka file

Sanggunian:

Hsu, H., and Wang, S. (2020). Trends in provision of palliative radiotherapy and chemotherapy among hospices in the United States, 2011-2018. JAMA Oncology (Research Letter), 6(7):1106-1108.

Duggan, K & Hildebrand Duffus, S. (2017). The impact of hospice services in the care of patients with advanced stage nonsmall cell lung cancer. Journal of Palliative Medicine, 20(1):29-34.

Handa na ba ang inyong pasyente para sa hospice?

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.